MULOTB 47 : On Top of the World

679 34 0
                                    


"Go Stella. Search your Prince now or else..."  sigaw ng isang lalake na kumakain sa cafeteria. Or else.. magiging boyfriend ko siya before the end of the day. Gusto ko yun pero.. ayokong magpatalo sa kanya. Hindi! Mahahanap ko siya. Hahanapin at makikita kita Chino!


"Wooooh! Ang sweet ni Chino grabe! Kinikilig ako!"  sigaw naman nung isang babae na OA sa kakikayan. Kulang na lang maglupasay siya sa kakatili.


Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong kabahan sa pagbabanta niyang iyun? Hello! 15 minutes? Seryoso ba siya? Oo Stella, seryoso siya. Hindi siya magsasalita na dinig ng buong University kung di siya seryoso gets?


"Stella, your time is running. Remember 15 minutes?"  paalala sakin ng babaeng hindi ko kilala pero nasa harapan ko ngayon.


"14 minutes left Stella."  pagpapaalala ulit niya.


Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Ang habulin siya sa, ano nga bang tawag dun sa room na yun kung san naga-announce? Sa Recording Studio!


Agad akong kumaripas ng takbo para maabutan siya dun.  Bawat studyanteng nadadaanan ko ay nagchi-cheer sa akin. Para bang nasa seryosong laban ako at kailangan kong ipanalo ito. Nakakaloka grabe!


Wala pa yatang dalwang minuto kong tinakbo ang Studio mula sa cafeteria. Hingal na hingal ako pero di ko ito iniintindi. Hindi ko na nga rin naisip na meron pala akong nakasabit na gitara sa likod ko. Bumubunot na lang ako ng maraming malalim na hininga para makabawi ulit ako. Pagkadating na pagkadating ko sa tapat ng pinto ay agad ko itong binuksan at nakita ko na lang ang operator na anduon.


"Kuya, parang awa mo  na nasan si Chino? San po nagpunta?" agad kong bulalas kahit na habol ko pa din ang paghinga ko. Nakatungkod pa ang dalwa kong kamay sa tuhod habang nakatingin sa kanya.


"Wala akong idea eh. Umalis agad siya na walang binabangigt na kung ano sakin. Nag thank you lang siya sakin at ito oh.."  inabot naman sa akin ni kuya ang isang bottled water na hindi malamig. Kinuha ko iyun at dali daling ininom.


"Galing kay Chino yang tubig, ibigay ko daw sayo kasi alam niyang hihingalin ka pagdating mo dito." Agad akong nasamid sa sinabi ni kuya at muntikan ko pang maibuga sa kanya ang tubig na nasa bibig ko.


"Oh ayos ka lang Stella?"  tanong sa akin ni kuya na napatayo pa sa kanyang kinauupuan.


"Oo kuya, salamat ah. Sige kuya hanapin ko na po yung lalakeng yun. Salamat!" agad akong tumakbo dala dala ang bottled water na nangalahati agad. To think na meron pa akong sakbit na gitara sa likod. Aba torture na ito. Pwede naman akong sumuko dahil gusto ko naman talaga na maging boyfriend si Chino, pero may parte ng utak ko na ayoko. Ayokong magtapos na lang sa ganito ang araw. Ayoko. Hindi ako magpapatalo sayo gitara tandaan mo yan!


"Good luck Stella! Kaya mo yan." pahabol na sigaw ni kuya habang tumatakbo na ako ng mabilis.


Nangiti lang ako sa sinabi niyang iyun. Pero promise hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naisip ko na bumalik sa private room nila dahil baka andun siya.

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now