MULOTB 43 : What does it take

1.1K 50 4
                                    

"Wooooh! Mint Band! Mint Band! Mint Band!"

"Mint Band! You guys rock!"

Hiyawan ng mga studyante pero mas lamang pa din ang boses ng mga kababaihan. No wonder kung bakit sila ganyan.

"Looks like the crowd loves this Band." nagsalita ang Announcer habang tinotono nina White ang kanilang instrumento.

"Hello. Mic test." boses ni Chino habang sinusubukan kung maayos ba ang mikropono.

"Wooooh! Chino! Mahal na mahal kita!"

"Waaah! Chino akin ka na lang!"

Nakakarindi ang hiyawan ng mga kababaihan nung narinig nila ang boses ni Chino.

Pinilit kong tumingkayad at itinaas ko ang dalawa kong kamay at winagayway ito baka sakaling tumingin si Chino sa aking direksyon. Ngunit nangalay na ko't lahat ay hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

Malabo talaga yatang makita niya ako. Gusto kong bumaba at dun na lang sa gilid pumuwesto pero...

"What song you'll gonna sing?" tanong ng isa sa mga hurado habang medyo tumahimik ang paligid at naghihintay sa sagot ni Chino.

"Mr. Ferriolle?" tawag ng Announcer nung hindi sumagot si Chino.

"Oh yes, we'll gonna sing 'What does it take'." salo ni White sa kanyang kapatid na hindi nagsalita at inaayos ang mic sa harapan niya.

Pinasadahan ulit ni Chino ang buong Auditorium. Sumisingkit ang lalong singkit niya ng mga mata habang tumitingin sa malayo at sinusuyod ng maigi ang paligid.

"Alright. Then start." sabi ng isang hurado.

Ayan. Nagsimula na. Hindi na ko makakalipat dahil gusto kong mapanuod sila ng buo at ayoko na palakad lakad pa.

Nagsimula ng tumugtog ng gitara si White sumunod si Ken at si Ivan naman sa drums.


Ngunit ilang saglit pa...

"Parang ang haba naman ng intro ah." puna nung isang lalaking nakatayo malapit sa akin.

Umalingawngaw ang bulungan sa Auditorium. Nagtataka kung bakit ganun na lang na wala sa wisyo at ayaw kumanta ni Chino.

"S-sorry. Another one?" untag ni Chino. Napailing naman siya sa kanyang sarili. Narinig ko pa sa mikropono na nagbuntong-hininga siya.

"Huh. May problema kaya si Papa Chino?" malungkot na sabi ng katabi ko.

Kasalanan ko ito. Sabi ko sa sarili ko.

Hindi na ako nag-isip pa at agad akong bumaba. Tinakbo ko ang backstage at halos magkandagalos-galos na ko sa kung anu-ano na sumasabit sa akin.

"Ay! Ano ba yan. Magdahan-dahan ka nga!" bulyaw sakin ng nasanggi ko.

"S-sorry sorry. Aray! Woooh! Sakit!"  Ang sakit! Nagkaroon pa ko ng scratch sa braso ng madali ako sa matilos na bagay na hindi ko alam kung ano. Ano kaya yun? Ang sakit. Kung sinuswerte ka nga naman Stella oh!

Tiniis ko ang sakit at mabilis pa sa alas-kwatro na nanduon na ko sa backstage.

"Oh! Hi Stella!" bati sakin ng ilang kakilala ko na mago-audition din. Tumango ako at agad na nagpunta sa entrance ng stage.

Napakapit pa ko sa poste ng stage habang humahangos. Kahit na hingal na hingal ay buong lakas ko pa ding tinawag si Chino.

Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo. Bakas pa din ang inis at pagkairita sa kanyang mukha. Nang makita niya ko ay biglang umaliwalas ang mukha niya pero naningkit ang lalong singkit niya ng nga mata. Halatang galit. Tumingin din sakin sina Ivan, Ken at White. Nginitian ko silang lahat at kumaway sa kanila.

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now