MULOTB 23 : I'll take my chances

2.5K 84 9
                                    

Dedicated sa'yo to. Wag ka ng magalit kay Chino. Kay White ka pa rin ba? Haha! Thanks sa non-stop support mo hah. Thanks din sa votes mo every chapter. Worth it talagang mag-dedicate sa'yo. Love kita @SheilaAnnRosin. Enjoy this chapter!. :')

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Matapos kong kausapin si Chino ay agad akong nagpunta sa pinakamalapit na wash room.

Good. Nakakita agad ako ng wash room. Agad kong binuksan ang pinto at agad ko ding isinara at inilock iyun. Pagkasara ko ng pinto ay agad ding tumulo ang luha ko. Na naman?.Pinipigilan ko kaso tuloy pa din sa pag-agos.

Tinignan ko ang mukha ko sa malaking salamin at nakita ko ang namumugto kong mata at ang namumula kong ilong. Haaay. Ilang minuto na naman ang hihintayin ko bago umayos ulit ang mata ko, namumula kasi eh.

I waited for almost 30 minutes when I decided to get out. Buti na lang walang kumakatok. Nagpulbos lang ako at inayos ang buhok ko. Hindi na halata na galing ako sa iyak.

"Stella.." nagulat naman ako bigla ng may tumawag sa akin pagkalabas na pagkalabas ko sa wash room area.

Paglingon ko sa likod ay tumambad sa akin si White. Nakasandal siya sa pader with his arms crossed above his chest. Nakapikit lang siya.

Pano niya nalamang nandito ako? Lumapit naman ako sa kanya. Ang gwapo talaga nitong lalaking 'to kahit saang anggulo.

Nung makalapit na ko sa kanya ay tinitigan ko siya. Magkamukhang magkamukha talaga sila ni Chino lalo na pag malapitan. Naalala ko na naman tuloy siya. Hay! Kainis!

"Your hand." natigil ang pagtitig ko sa kanya ng iextend niya sa kin ang kanan niyang kamay.

Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin at kumunot na lang ang aking noo.

"Tss. Very slow." nakaabang pa din ang kamay niya at ako ay tila naguguluhan pa din sa sinasabi ni White.

In a blink of an eye, hinawakan ni White ang kaliwa kong kamay at hinila ako palapit sa kanya. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at niyakap ako.

Niyayakap niya ko ngayon na parang ayaw niya kong mawala sa kanya, na para bang ayaw niya na kong bitawan.

Sa hindi malamang dahilan ay niyakap ko na din siya. Bakit ganun? Tuwing nasasaktan ako nandiyan parati si White. Lagi na lang si White. Pero kahit ganun, hindi ko masuklian ang pagmamahal at malasakit na ibinibigay niya. Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ba hindi na lang si White? Bakit ba ikaw na lang lagi Chino? Wala ba kong karapatang maging masaya?

Natuturuan naman siguro ang puso diba? Siguro magandang suklian ko naman ang mga ginawa ni White. Alam kong hindi ngayon, pero matututunan ko naman siyang mahalin na hindi ginagawang rebound diba? Susubukan ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto kami ni White sa ganung posisyon pero masarap sa pakiramdam na kahit sa ganung bagay ay malaki na ang epekto sa akin. Bakit ba kailangang ma-stuck sa isang tao na hindi ka kayang mahalin kung nasa harap mo na ang totoong nagmamahal sa'yo? Bakit ba ganito ang buhay? Oo, tama nga si White. Life is ALWAYS complicated.

"I decided to make my move Stella." sabi niya habang magkayakap pa din kami.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya habang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"I'll court you." sinabi niya yun with his own will and determination in his eyes.

Hindi yun utos pero hindi rin naman yun tanong. Anong dapat kong isagot?

"Remember the last time I saw you cry? I told you that once you did it again because of him, I'll make my move. And this is it, you cried again and I don't wanna see it anymore. Ever Stella."

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now