MULOTB 45 : Hey, Soul Sister

1K 42 3
                                    

"Stella, siguro naman okay ka na niyan ha." ngisi ni Bea sa akin habang naglalakad kami sa gate ng University.

"Malamang naman no. Kung hindi pa yan gumaling, aba, ewan ko na lang. Sa dami ba namang gamot na bigay ni Papa Chino eh." kutya ni Bea sa akin.

Nginitian ko na lang sila. Oo, magaling na magaling na ako. Eh medyo makirot lang naman. Si Chino lang naman ang OA sa pagbigay ng gamot na kasama pala ng boquet na binigay niya. May gamot sa lagnat, sa ubo pati na sa sipon.

Ayos na ako pero, teka, parang may iba. Weirdo.

May grupo ng kababaihan sa bench at nakatingin silang lahat sa akin. Sabay sabay silang kumaway at ngumiti sa akin.

Ang awkward ng atmosphere.

Diretso lang kami ng lakad habang ako namam ay parang agila ang mga mata na nililingon-lingon ang paligid. May mali eh.

Parang may iba at hindi ko makuha kung ano ba ang mali. Paglingon ko sa gilid ko ay biglang naglahong parang bula sina Bea at Kat. Luminga-linga ako sa paligid ngunit walang bakas nila.

"Hi Stella." ngiti sa akin ng nakasalubong ko. Nginitian ko din naman siya gayung hindi ko naman siya kilala sa pangalan ngunit tanda ko sa mukha.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang umaasang susulpot bigla yung dalwa kong magaling na kaibigan.

"Boooooom!" gulat sa akin ng babae na nagngangalang Abby. Nakilala ko lang siya dahil nakausap ko siya one time.

"Kagulat ka naman." sabi ko habang hawak ko pa ang dibdib ko sa kaba.

"Have a great day!" sabi niya ng may paghalakhak.

"Same to you." tugon ko sa kanya ng nakangiti.

Nangunot lang ang aking noo. Ito ba yung iba? Ito ba yung kanina ko pang nararamdaman na kakaiba? Ang weirdo ng mga tao ah.

Marami pa akong nakasalubong na panay ang ngiti sa akin. Halos lahat sila! Weird.

"High five naman diyan Stella." nakataas ang kamay ng MVP ng basketball team na sumalubong sa akin at nasa likod niya naman ang ibang ka-miyembro niya.

Nagkunot muna ako ng noo dahil... Hindi naman ako pinapansin nito dati ah. Bakit? Bakit?

Pero bago ko pa naisip kung bakit ay kinuha niya ang kamay ko at pinag-apir niya sa kanya. Nanatiling nakataas ang aking kamay habang ang ibang myembro ng basket ball team ay nakikipag hi-five din sa akin.

"Have a nice day ahead Stella."

"Ang ganda ng araw Stella ano?"

Nginitian ko na lang silang lahat. Seryoso ba to?

Sige. Seryoso nga. Lakad lang Stella. Yuko. Yumuko ka.

"Ay palaka!" nagulat na naman ako at napasigaw ng may kumiliti sa bewang ko.

Nilingon ko kung sino at nakita kong si Clover, ang Ms. Campus nung nakaraang taon at nasa likod niya ang kanyang ibang mga babaeng kaibigan na katulad niya ay magaganda din.

Nanlaki ang mata ko dahil nasabihan ko pa siya ng palaka, eh mas di naman hamak na mas mukha pa akong palaka sa kanya. Pero di ko naman kasalanan dahil siya itong nanggugulat.

"Ang ganda ko namang palaka." pahagikhik na komento niya.

"Pasensya na. Malakas kasi talaga ang kiliti ko diyan. Sorry."

"No worries. You look great today!"

"Ah talaga? Parang di naman." ngiti kong tugon sa kanya pero sa loob loob ko, nang-aasar yata ito. I look great daw, saang banda?

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now