MULOTB 22 : Kiss from a rose

2.4K 88 6
                                    

I dedicate this one for YOU.. @jessicansino. Yeah! Ikaw at wala ng iba!! Haha! Sorry talaga super late ang update, katulad ng iba, medyo busy din ang manunulat na ito. Thanks din sa pag-vote and for visiting my PLAINE MB. Keep on supporting. Thanks din sa comment. Talagang si BLACK ang gusto mo ah!! Anyways,, enjoy!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

"Chino...."

"...sa'yo ba galing ang roses?"

Gathering all my strength, I really tried my best to keep my eye on him. I know anytime at this moment, oo man o hindi ang sagot niya, paniguradong iiyak ako.

Nakatingin lang din siya sa 'kin ng diretso. Kahit kailan talaga napakahirap basahin kung anong tumatakbo sa isip niya. In a count of 5...

One.

Two.

Three.

Four.

Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay kabog ng dibdib ko at ang musika na nanggagaling sa loob.

Fi---

[The song starts here]

♬ ♬There used to be a graying tower alone on the sea. You became the light on the dark side of me. Love remained a drug that's the high and not the pill. But did you know, That when it snows, My eyes become large and The light that you shine can be seen. ♬ ♬

"No." tipid niyang sagot habang nakatingin sa akin.

"H-hah?" masyado ba kong nag-expect na siya ang nagbigay ng bulaklak?

Pero yung narinig ko sa hallway? Yung pangalang Vera sa gift card? Hindi ba yun sapat na dahilan para isipin kong siya ang nagbigay nun?

♬ ♬Baby, I compare you to a kiss from a rose on the gray. Ooh, The more I get of you, The stranger it feels, yeah. And now that your rose is in bloom. A light hits the gloom on the gray.♬ ♬

"Do I need to repeat it again? I said no. I didn't remember giving you flowers." ulit niya.

"B-bakit?"

"Why would I make effort giving you flowers?"

"A-akala ko... sa'yo galing.." naramdaman ko naman na unti-unting umiinit ang mata ko at parang may nakabara sa lalamunan ko. Alam ko itong pakiramdam na ito. Babagsak na ang luha ko. Pinilit kong hindi ipakita sa kanya ang luha na unti-unting kumakawala kaya tumalikod ako sa kanya at pasimple kong pinahid ang gilid ng mata ko.

"So, that's it why you call me? Then I better go."

♬ ♬There is so much a man can tell you, So much he can say. You remain, My power, my pleasure, my pain, baby To me you're like a growing addiction that I can't deny. Won't you tell me is that healthy, baby? But did you know, That when it snows, My eyes become large and the light that you shine can be seen.♬ ♬

Not now. Ngayon lang. Last na 'to. Kailangan kong malaman. Ano ba talaga ako sa kanya?

"Wait lang Chino." humarap ulit ako at hinawakan ko ang braso niya. Nakatalikod siya sa akin ngayon and I feel... what else? REJECTION...

Bakit ba kami nagkaganito? I mean, siya.. bakit siya biglang nag-iba?

"What now?!" inis niyang sabi na ngayon ay nakaside-view na.

"Bakit?"

"What why?"

"Bakit ka ba ganyan? Ano bang nangyari sa'yo? Kinalimutan mo na ba lahat?" ngayon.. nag-uunahan ng pumatak ang luha ko. This time, hindi ko na kayang pigilan.

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon