MULOTB 29 : Heaven

2.6K 92 6
                                    

This chapter is dedicated to you. Lagi ka kasing nagvo-vote eh. Thanks hah. Enjoy reading @blaire_marie53.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

"Prof! Mukang ayaw ng kapatid ko. If you would allow me, I will teach her during my vacant time. Ako na lang ang magtuturo kay Stella."

Nagsilingunan kaming lahat kay White. Gusto niya siya na lang ang magturo? Pwede din kaso paniguradong hindi rin ako makakapag-concentrate nun.

"Are you sure White?" tanong ni Prof Gani kay White. Bakit ganun? White pa rin ang tawag ni Prof kay White? Di ba dapat Mr. Ferriolle din? Haha!

"Yes Prof. I'm sure." nakatingin ng seryoso si White kay Prof. Napapatangu-tango na lang si Prof sa kanya.

"Okay. So Ms. Arpin, as White said, he will be the one who will teach---"

"No. I'm the one who will teach Vera..." pinutol ni Chino si Prof.

"...I can handle her White." dugtong pa ni Chino at seryosong tumingin sa kapatid niya.

"Ikaw na nagsabi na ginugulo mo siya, baka lalo lang siyang walang matutunan niyan Chino?" sagot naman sa kanya ni White.

Bahagyang tumingin sa akin si Chino at ngumisi. Umirap na naman siya sa akin at sinagot niya si White.

"I don't believe that. Matututo si Vera sa'kin. I promise you that so don't worry too much White." seryosong sabi ni Chino kay White.

"You know, I'm just being concern here." sagot ni White.

"It's okay. I can teach her well. Besides, Vera was one of the scholars here so it only means that she's a fast learner right?" sabi naman ni Chino.

"Fast learner nga siya pero kung ginugulo mo siya, hindi siya mabilis na matututo nyan." sabat naman ni White.

Lahat kaming mga studyante ay nakatingin sa kanilang dalwa na nagtatalo kung sinong magtuturo sa akin. Seryoso ba sila?

"I am totally right Chino. See? Hindi ka na nakapagsalita." dugtong pa ni White nung hindi agad sumagot si Chino. Tumingin ako kay Prof at tumangu-tango lang si Prof Gani sa unahan habang seryosong nakikinig sa magkapatid.

"It's non-sense to have an argue with you twin, where in fact, it's my punishment to teach Vera and I'm very willing to do it. Yung sa concern mo naman na baka hindi siya matuto dahil guguluhin ko lang siya, you're wrong White, I will not disturb her but instead I will make her concentrate the study, okay?" litanya ni Chino.

Seryoso ba ito? Nagtatalo sila kung sinong magtuturo sa akin? Kahit naman sinong magturo, hindi pa din ako makakapag-concentrate eh. Gwapo kaya nitong dalwang ito. Nakaka-distract.

"Sabi mo eh. I trust you." iyun na lang ang nasambit ni White sabay tingin sa akin at kumindat pa. Napakunot na lang ako ng noo sa ginawa niya. Ang cute!

"O-kay? I think, there are some other issues here with the three of you. Parang love triangle kayo ah." napatingin ng pabalik-balik sa aming tatlo si Prof habang nangingiti na lang.

Ako naman nag-iinit na yung pisngi ko. Ewan ko lang sa kambal kung anong reaksyon nila pero ang tanging alam ko lang ay ang bulung-bulungan na umaalingawngaw sa buong klase. Patay ako nito! I'm sure madami na ngayon ang inis na sa akin at gustong balatan ako ng buhay.

"Okay. Okay. Ms. Arpin, let Mr. Ferriolle teach you about the lesson you missed alright?"

"Sinong Ferriolle Prof? Parehong Ferriolle si White and Chino remember?" nakangiting sabi ni Bea. Kahit kailan talaga itong si Bea, napaka!

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now