MULOTB 26 : Everything has changed

2.9K 111 7
                                    

This is dedicated to you. Thank you for reading my story. I love you readers. Comment din pag may time.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

STELLA'S POV

Naku po Lord. Panibagong umaga na naman. Parang hindi ko ata kayang harapin ngayon si White. Bakit kasi tumugon ako sa halik niya? (Eh kasi masarap eh) Ay Erase Erase. Delete. Ano ba naman tong pag-iisip ko? Hindi pa nga ako makaget-over sa halik ni.. ni.. ni Chino tapos si White naman ngayon. Putrages na yan! Ano bang gagawin ko sa kambal na yun? Nagi-guilty ako, promise!

"Stella. Stella. At Stella. Alam mo pansin namin kagabi ka pa balisa diyan." tanong sa akin ni Bea habang nagd-drive siya. Ako ang nasa backseat at si Kat naman ang nasa front.

"Oo nga. Is there any problem? Ang alam ko wala ka namang binabayaran sa school para mamroblema ka ng ganyan. Scholar ka di ba?" untag naman ni Kat.

Napakunot si Bea ng noo. Pati na rin ako.

"Gaga! Hindi naman iyun yung problema niya eh. Tingin ko gawa yan sa kambal. Tama ba ko Stella?" kita ko siya sa front mirror at tinaas-taas niya pa yung kilay niya.

"Baliw! Hindi. Medyo inaantok pa kasi ako kaya parang nakakatamad kumilos. Iyun lang yun." totoo namang inaantok ako eh.

"OMG! Don't tell me buntis ka? Sinong ama? Diba isa yan sa symptoms if you're fertile?!" sigaw ni Kat. Napa-iling na lang ako. Hay naku! Hindi ko pa nga boyfriend si Chino, bakit ako mabubuntis? Ay! Ano na naman ba tong iniisip ko? Mukang tanga lang! Erase. Erase again.

"Speachless." iyun na lang ang naisagot ko. Hay naku, buti na lang nandito na kami sa school. Kukulitin na naman ako nun ni Kat eh. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Nung makarating kami sa room ay agad akong dinaluhan ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong pumunta sa upuan ko. Nilingon ko ng konti yung likod, baka nandiyan na sina White. Pagtingin ko ay wala pa sila, kaya pala hindi maiingay ang mga kaklase kong babae.

Katatapos ko pa lamang sa pag-iisip nang biglang umalingawngaw ang hiyawan at tilian ng mga babae. It's a sign na nandiyan na ang Mint Band. Hindi ako nagkamali. Magkakasunod silang pumasok.

Medyo nagtaka ako kung bakit si White ang nauuna. Kalimitan kasi, silang dalwa ni Chino ang magkasama sa likod. Parang may kakaiba. Hindi ako nilingon ni White? Bakit? Parati niya naman akong nginingitian dati pag papasok siya ah, bakit ngayon parang ang cold niya? OMG! Wag mong sabihing nahawa na siya sa kapatid niya?

Hinintay ko siyang lumingon man lang at saka ay ngingitian niya ako pero wala. Nilagpasan niya lang ako. Baka naman may problema siya. Hindi naman all the time ay papansinin niya ko at ngingitian diba? Oo, tama.

Nakasunod si Ivan at Ken na as usual, panay pa din ang ngiti sa mga kababaihan. Lumingon sila sa akin at nginisian ako. Bakit ganun? Kinunutan ko lang sila ng noo at nagkatinginan sabay ngiti nila sa isa't-isa. Sarap batukan ng dalwang yun. Anong meron? Bahala sila sa buhay nila.

Tutungo na sana ako para hindi ko makita ang susunod na lalaki na laging may nakalagay na gitara sa likod pero hindi sinasadyang napalingon ako sa labi niya, naalala ko tuloy yung gabing yun. Haaay. Pagtingin ko sa labi niya, bakit may cut? At para din siyang sabog? Parang hindi nakatulog ng maayos? Napaano siya? Nakipag-suntukan kaya ito?

Diretso lang ang tingin niya at seryosong seryoso ang mukha. Yung tipong subukan mo lang siyang kulbitin, eh baka suntok ang makuha mo. Silang dalawa ni White parang pinagsakluban ng langit at lupa. Pero kahit ganun, ang gwapo pa din nila. Mas gwapo sila pag seryoso. Tsk. Ano ba naman tong iniisip ko, ganyan na nga ang aura nila, kagwapuhan pa din nila ang nasa isip ko?

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now