MULOTB 48 : True

1.1K 47 6
                                    


Kahit ang lakas ng hiyawan ng mga tao ay mas nananaig pa din sa akin ang lakas ng tibok ng puso ko. Naninigas ako na nakatayo sa may pinaka taas ng Auditorium.


Nakatingin sa akin si Chino ng seryoso. Ang mga mata niyang parang nagsasabi na lumapit ako sa kanya ay matiim na nakatitig sa akin. Ano bang meron? Ang daming tao. Biglang walang klase. At sina Bea at Kat di ko alam kung saang lupalop nagpunta at iniwan na lang ako basta basta. May kinalaman din ba sila dito?


Gusto kong lapitan si Chino at itigil ang kabaliwang ginagawa niya dahil nakakahiya. Plinano niya itong lahat. Sabagay, sila ang may-ari ng University na ito at kaya niyang gawin kung ano man ang gusto niyang gawin.


"Ay kalabaw! Teka lang."  nagulat ako ng biglang may humawak sa dalwa kong balikat at inaalalayan ako papuntang unahan. Napalingon ako sa likod at nakita kong si White ito.


"White, anong ibig sabihin nito?"  tanong ko sa kanya habang ginigiya niya ako sa hagdan. Hindi siya nagsasalita ngunit humahagikhik siya ng mahina.


"I can't believe you lose."  Sabi niya ng may pailing-iling pa.


"Hindi ako natalo! Sakto akong dumating dito."  Depensa ko sa kanya.


"Then tell him."  Pangungutyang tugon niya


"Talaga! Hindi ako papayag na ganun ganun na lang yun. Ano siya sinuswerte?"


"Haha! Ewan ko na lang kung makakaganyan ka pa mamaya."  Sabi niya na natatawa tawa pa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Talagang sasabihin ko sa kanya na hindi ako talo. Sato lang akong dumating.


Nakatingin lang sa amin ang mga nasa Auditorium at patuloy na nagchi-cheer. Binayaran ba sila ni Chino para lang magsisigaw ng ganyan? Naku tignan natin bukas kung kamusta mga boses niyo.


Nang nasa baba na kami ng stage ay iniwan na ako ni White. Anong gagawin ko dito? Kaharap ko na si Chino na nasa entablado at nakatingin ng seryoso sa akin. Ano Stella? Aakyat ka ba? Ano bang dapat mong gawin? Mag-estatwa lang dito?


"Stella akyat ka na."  teka. Kilala ko kung kaninong boses yun.


Lumingon ako sa likod at nakita ko sina Bea at Kat na magkatabi sa upuan. Nanlaki ang mata ko dahil tama nga ang iniisip ko kanina. May alam sila kaya iniwan nila akong mag-isa kanina pa. Tiningnan ko sila ng masama ngunit ngumiti at nag-peace sign lang sa akin.


Nung tumingin na ako sa harap ay nakita kong pababa si Chino sa stage at naglalakad na sa hagdan. Madali niya akong nalapitan at ngumiti sa akin. Putek! Wag kang ngingiti. Baka sumang-ayon na lang ako sa pagkatalo ko at i-surrender ang sarili ko sayo. Wag mo kong daanin sa ngiti Chino!


"Talo ka." Sabi niya sa akin habang hindi pa rin nawawala ang nakaka-inlove na ngiti sa mga labi niya.


Kahit sobrang ingay ay dinig na dinig ko pa din ang tibok ng puso ko. Talo daw ako. Papayag na lang ba ako sa pagkatalo? Papayag ba akong maging kami ng hindi man lang siya nanligaw ng isang buwan? Ano Stella? Alam ko sa sarili ko na gustong gusto kong maging kami pero...

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon