MULOTB 39 : Out of my League

1.4K 48 2
                                    

Madaming napasinghap at halatang naiirita sa akin ngunit marami din namang nangingiti. Hawak pa din ni Chino ang kamay ko patungo sa registrar.

Nauuna si Ken at Ivan habang nagbubulungan at halatang nakangisi.

Si White naman, sa di malamang kadahilanan ay nakabusangot ang mukha at naiirita sa nangyari kanina.

Konting minuto na lang ang natitira ngunit hindi yata alintana ni Chino iyun dahil kami ngayon ay nahuhuli na at parang naglalakad sa buwan.

"Bilisan natin, baka hindi na kayo makaabot" suhestyon ko sa kanya sabay hila sa kanyang kamay.

Ngunit masyado siyang mabigat at hindi niya magawang magpahila sa akin imbes ay lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

"You're the cause of the delay remember?" siya habang hinaplos niya ang diamond earring sa kaliwang tenga niya. Miski ang simpleng galaw niyang iyun ay malaki ang epekto sa akin.

Agad akong nabalik sa sinabi niya nang tumingin siya sa akin.

"Paanong ako? Saka bitawan mo nga ako, madaming nakakakita." sabay hawi ko sa kamay niya na lalo niya pang hinigpitan.

"If you made it earlier and told to join me the audition, then there's no big issue now." kampante niyang sagot.

"Ha? At bakit ako?" taka kong tanong sa kanya.

"Then who? Me?" sarkastikong sabi niya.

"Oo. Ikaw. Nag-iinarte ka pa." turo ko sa kanya.

"My music depends on you. From now on, my life depends on you. So everything I will do, will depends on you. And only you." madiin ngunit mababakas mo ang seryoso niyang sinabi na para bang bawat sambit niya sa mga salita ay kailangang manuot sa buo kong pagkatao.

Nang makarating kami sa registration area ay bumungad sa amin ang napakaraming tao. Last minute na ng registration ngunit ang dami pa ding mga stufyante na naglipana kahit saan ka tumingin. Ng makalapit kami ng husto ay napagtanto ko na hindi lahat ng narito ay magre-register, kundi nandito sila upang hintayin ang pagre-register ng Mint Band.

Halos mahimatay at mangisay sa kilig ang bawat babaeng madadaanan namin. Ang iba ay nagtutulukan pa sa sobrang kaligayahan na nadarama nila, may mga sumisigaw sa mga pangalan nila, may mga kumakaway at halos maglupasay na sa sahig dahil sa nakikita ng kanilang mga mata. Masaya silang malaman na nandito na ang hinihintay nila. Na para bang ang buong araw na paghihintay sa init ay hindi nila alintana dumating lang sila.

Nagpasya akong duon lang sa sulok maghintay habang silang lahat naman ay pumasok na duon.

"Don't leave. Just stay there." untag sa akin ni Chino bago pakawalan ang mga kamay kong kanina pa niya hawak.

"Diyan ka lang daw. Mauuna akong lumabas mamaya, aasarin ko lang ang kambal ko." sambit sa akin ni White sabay ipit ng natitirang hibla ng aking buhok sa tenga ko.

Nagkunot noo na lang ako sa sinabi niyang iyon. Makalipas ang ilang saglit ay nakita kong lumabas si White at agad akong nginitian.

Napasinghap pa ang mga babae sa aking tabi ng makita nila si White na nakangiti. Nakakapang-lambot kasi yung ngiti niyang perpekto, ang ngipin niyang maputi at pantay-pantay. Na pag ngumiti siya ay parang nakangiti na din ang lahat ng makakakita sa kanya.

Nginitian ko siya pabalik at hinanap ko sa likod niya sina Ken, Ivan at Chino ngunit wala sila duon.

"Nasa loob pa sila. Samahan mo ko sa cafeteria. Nagugutom ako." aya niya sa akin. Luminga pa ako sa likod sa pagbabaka-sakaling palabas na sina Chino ngunit wala pa din.

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now