042

300 8 3
                                    

[042]

Natasha’s POV

Matutulog na sana ako, nakaayos na ang higaan ko nang biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero napatakbo ako sa verandah. Nagkukumahog sa kabilang bahay. Hala? Bakit?

Maya-maya ay may kumatok ng sunod-sunod sa pinto ko.  “Natasha! Natasha!”

Kinuha ko ang robe ko at binalot sa katawan ko. Binuksan ko ang pinto. “Kuya Jim naman, matutulog na ako oh---“

“Si Peter, nadisgrasya!”

“Ha?!” biglang nawala ang galit na anraramdaman ko kay Peter. “Saang ospital siya dinala?!”

“Sasama ka ba?--- oh, saan ka pupunta? Di ka na ba magpapalit?” pinigilan niya ako sa kamay nang tangkain kong lumabas.

“Ang pagpapalit, makakapaghintay, ang pagsigurado kung ayos lang ba siya, hindi pwedeng sabihing ‘mamaya na’,” mas nauna pa akong bumaba ng bahay sa kanya.

Si Kuya Jono ang nagdadrive katabi si Kuya Jim habang magkatabi naman kami ni Daddy sa likuran ng kotse. Nauna na sina tito the Third sa ospital na pinagdalhan kay Peter. Dasal ako ng dasal at pakiramdma ko ay ang sama-sama ko. Bakit siya nadisgrasya? Buhay pa kaya siya?

Pero hiniling kong mamatay na siya...

Naitakip ko sa mukha ko ang mga kamay ko.

“Everything will be fine,” comfort sa akin ni Daddy nang mapansing nanghihina ako.

Pagkadating sa ospital ay ankita namin sina tito the Third at Jason sa labas ng Emergency Room.

Yinakap ko agad si tito the Third.

Bigla na lang bumuhos ang luha ko.

“Ssh,” sabi niya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

“Kumusta na siya? Anong nangyari?” tanong ko.

Bumitaw na ako sa kanya.

“Maging matatag ka... Natasha, magpakatatag ka...”

Tango lang ako ng tango.

Hindi nila ako mapaupo dun. Ayoko. Hinihintay naming lumabas ang doktor.

“Nat!”

Paglingon ko ay nakita ko sina Roda, Claire at Mhea. Niyakap nila ako isa-isa.

“Kumusta na si Peter?” tanong sa akin ni Claire na hawak pa ang kamay ko. Pinunasan din niya ang luha sa mga mata ko na kanina pa bumubuhos.

Nanghihina na ako.

Hindi ko alam.

“Natasha...” nag-aalalang sabi ni Roda.

“H-hindi ko pala kaya...” umiiyak na sabi ko. “H-hindi ko kayang mawala ang ama ng anak ko...” at ang huling natatandaan ko ay may sumalo sa akin bago pa akong tulyang sumadlak sa sahig.

***

Author: Plug? Kwento namin ni Yeppeun “THE DON’T-WANNABE SINGER at kwento namin ni Mariyaklaraa “THERE GHOST MY LOVE.” Thanks!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon