036

298 11 3
                                    

[036]

Natasha’s POV

“Natasha, si Peter, nasa labas,” kinalabit ako ni Claire.

“Ginagawa niyan dito? Mag-iisang buwan na ring di ko nakikita ang pagmumukha niyan ah?” pinunas ko sa apron yung kamay ko.

Balak ko kasing mag-bake sa shop ni Claire.

“Hala, labas ka na, baka masunog pa tong shop ko kung magbebake ka eh, kaawaan mo naman ako, ako na ang mag-aayos ng mga yan,” tinulak pa niya ako palabas.

Agad na sumimagot ako nang makita ko si Peter.

Ang kapal talaga ng mukha, nagpakita pa. akala ko magpapakamatay na talaga, ang saya-saya ko na sana eh.

“Anong ginagawa mo dito?” walang ganang sabi ko.

“Hello din!”

 ‘Kyaah! Ang gwapo niya.’

‘Wag ka na lang maingay.’

‘Eh bakit ba? Gwapo eh!’

Napalingon ako. May mga teenagers na mukhang pinagnanasahan si Peter.

“Hanggang ngayon mapanlinlang pa rin ang karisma mo oh,” I said sarcastically.

“Sayo lang naman ako ah.”

“He-he,” kunwari natawa ako, “akala ko ba magpapakamatay ka na? Kita mong atat na atat na akong makikape sa inyo eh.”

“Ouch.”

“Alis na.”

“Paano na lang ang magiging anak natin kung mamamatay ako? Eh di wala na tayong magiging apo? Pati sina daddy, wala na rin silang magiging apo?”

Pinanlakihan ko siya ng mga mata at hinila palayo dun.

“Tandaan mo to, walang anak. Walang apo. Hahayaan ko na lang na tumanda akong dalaga kung ikaw lang din naman ang makaka-ugh-tuluyan ko!” marahas na binitiwan ko ang kamay niyang nahila ko.

“Pero papanagutan kit---“

“Walang papanagutan kasi walang nangyari! Aah!” buti na lang tanghali at wala masyadong tao dun.

“Nutella---“

“Natasha.”

“Nutella, why?”

“Sheez. Get lost! Die! Be gone!” bawat bitaw ko ng salita ay parang nasasaktan siya.

Ugh. As I know!

“Hope this would be the last time that I would see your face. If you’re not going to die, then at least hide your face from me,” mahinang sabi ko pa bago ako bumalik ng shop.

“Neh, anong nangyare?” tanong ni Claire na naghihintay lang sa pintuan.

“Wala pa ba sina Roda? Itutuloy ko ang pag-bake.”

Dumiretso ako sa kusina.

“Anon ngang nangyare?”

Hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ko sinasagot ang tanong niya. “Nothing.”

“There’s a ‘something’ behind that ‘nothing.’” Humalukipkip siya.

Humalukipkip din ako.

“Hiniling ko lang naman sa kanya na mamatay na siya.”

“What?!”

“Mga Girls! I’m here! I mean, we’re hear and we have something for you, two--- dyaran!” binuksan ni Roda sa gitna namin ni Claire ang isang kahon ng garlic pizza. New flavor yun ng pizza house na katabi lang ng coffe shop.

“Wow!” tuwang-tuwang sabi ni Claire at kumuha ng isa.

“Than--- yuck! What was that smell!” tinakpan ko ang ilong ko, “so gross! Gruesome!”

“Yuck ka diyan?” pinamaywangan ako ni Mhea, “yung bawang kaya yun, kaya nga garlic pizza, di ba? Oh, eto!” nilapit pa niya sa akin yung kahon.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang naduduwal. Tumakbo agad ako sa banyo na nasa likuran ng kusina.

“Anong nangyari sa yo?!” sabay-sabay na tanong nina Claire, Roda at Mhea nang maabutan akong nakalupasay sa flooring ng CR.

***

Author: Lewls. Matatapos na ako! Witwiw!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon