038

273 10 4
                                    

[038]

Natasha’s POV

“Ang gaga mo!”

“Tapos pinapalayas mo pa siya sa harapan mo!”

“At di ka pa nagmamahal...”

“Mhea?!” sabay na naman sina Roda at Claire.

“Bakit?” inosenteng tanong anman ni Mhea sa kanila.

Di na nila sinagot si Mhea. Hinarap na naman nila ako tapos sunud-sunod na ‘mina-chine gun.’

“Anong balak mo ngayon?” medyo kalmadong tanong na ni Claire.

“Hindi ko alam...” iniangat ko ang paningin ko sa kanila, “kapag nalaman ‘to nina daddy, ipapakasal nila ako kay Peter---“

“Malamang! Siya ang ama ng magiging inaanak ko sa binyag!” namaypay na naman si Roda gayong air conditioned na nga sa loob ng office ni Claire.

“Ayoko nga eh!”

“Subukan mo kayang idahilan yan sa mga kuya mo eh nuh?” nakapamaywang na tanong ni Claire.

“Buti na lang hindi si Jason ang naging ama ng anak mo nuh,” wala sa sariling wika ni Mhea sabay tingin sa tiyan ko.

Nangunot naman ang noo ko sa kanya.

Paano naman napasok si Jason sa usapan?

“Oh, bruha, tumatawag ang papa mo,” iniabot ni Roda ang cellphone ko.

Tumikhim ako.

“Hello, dad?--- po? Ahm... oh sige po... mamayang gabi na lang... opo,” at binaba ko na.

“Ano daw?”

“Tumuloy daw ako sa bahay kahit isang linggo lang---“

“Yan, lagot ka na.”

“Wala na.”

“Magmamahalan ulit kayo ni Peter.”

“Mhea,” ako naman ngayon, “stop that ‘magmamahalan ulit.’”

“Ok.”

“Aalis na ako,” paalam ko sa kanila, “akin na tong kit, remembrance na namn,” nanghihina ako kapag nakikita ko yung resulta. Para sa kin, katapusan na ng mundo ko ang ibig sabihin ng resultang iyon.

“Ingat ka, girl,” sabi ni Roda tapos hinaplos ang likod ko.

“Gagawin ko.”

Pagdating sa kotse ko ay sinubsob ko ang mukha sa manibela. Buti na lang tinted ang salamin ng kotse ko, walang makakakita sa akin.

Bakit ko nga ba ginawa yun?

Bakit nga ba ako pumayag?

Ugh!

Bakit si Peter pa?

“Baby, tayo lang dalawa... tayo lang...” kausap ko sa bata na nasa sinapupunan ko... kami lang... kaming dalawa lang.

***

Author: Please support our story with @Yeppeun entitled “THE DON’T-WANNABE SINGER.” Kwento yun ng isang singer na korean na napunta sa liblib na lugar at na-meet ang isang babaeng walang alam tungkol sa kpop. Sa profile ko po makikita ang kwento.Thanks!

I also have story with @Mariyaklaraa entitled THERE “GHOST” MY LOVE. I guess nakuha niyo ibig sabihin nun. Yung kwento po, nasa profile ni @Mariyaklaraa kasi punung-puno na po ang aking MY WORKS. Kinakaawaan ko naman hahaha.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon