031

292 14 7
                                    

[031]

Natasha’s POV

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o ano.

Paggising ko, ginawa ko ang daily routine ko, mag-exercise, kunin ang rasyon ng diyaryo sa ibaba tapos magtempla ng kape.

Maaga pa naman.

Ugh!

Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number ni Claire. Nasa coffe shop na siguro yun ngayon, malakas kasi ang business niya lalo na sa umaga.

Tinitignan ko ang mga kuko ko habang pinapakinggan ang ringback tone niyang kanta ng one direction. Adik talaga ang gaga. Kulang na lang ay papinturahan nya ng mukha ng members ng one direction ang bahay niya, pati ang coffe shop at kotse niya.

“Hindi ako pupunta,” diretsahang sabi ko.

“Gaga ka! Di mo ba gustong makita si Peter?”

Nilayo ko ng kunti ang cellphone sa tenga ko. Sana, si Mhea na lang ang tinawagan ko, mas mahinahon siyang kausap kesa kay Claire.

“Gumawa ka ng paraan para hindi kami magkita.” Desidido talaga akong hindi pumunta dun.

“Ewan ko sa yo, kausapin mo si Roda.”

“Oh hello?” boses na ni Roda ang nasa kabilang linya.

Tumingin ako sa labas ng bintana, “ayokong pumunta sa bahay.”

“Sabihin mo yan sa mga kuya mo at tignan natin kung hindi ka itali at hilahin papunta sa bahay niyo.”

At busy tone na ang narinig ko.

Wala talaga akong pag-asa sa kanila.

Saan ba pwedeng bumili ng kaibigan na mas may kwenta kesa sa kanila?

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko, “Hmm?” walang ganang sinagot ko yun.

“Ma’am Natasha, may problema po dito sa offi---“

“Wala akong pakialam kahit malugi ang kompanya dahil hindi naman akin yan.” Binagsakan ko na yun. Di ko kilala, empleyado siguro.

Tumunog ulit. Ang kulit. “Sabi nang hindi ako papasok eh---“

“Hindi ka papasok kasi pupunta ka.”

Ha? “S-sino to?”

“Bakit ang dali mo yatang nakalimot, Nutella?”

Natigagal ako at nabitiwan ko ang cellphone sa sahig.

***

Author: Yey!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon