023

327 22 7
                                    

[023]

Natasha’s POV

Nagpa-practice kami ngayon ng sayaw na ipe-perform sa ball. Napili kasi akong sumayaw eh---kami pala. Partner ko si Peter na hinila ko lang mula kay Claire.

Nagtatawanan kami ni Peter habang nagsasayaw, di namin alam ang steps eh!

“Sinisira po ni Natasha ang sayaw!” biglanmg reklamo ni Claire sa dance instructor namin.

“Palaka kang babae ka!” ako na naman ang napagtripan niya oh!

“Hayaan mo na,” buti na lang nandito si Peter para mag-referee.

Buti pa nga na wag ko na lang pansinin! Humawak uli ako sa balikat ni Peter tapos siya naman sa baywang ko. “One two three... one two three... ahy mali!” salitan kami sa pagbibilang ni Peter.

“Ugh! This is too prove that frogs can’t dance so why let that Natasha join the group!”

“Namumuro ka na ah!” inililis ko na ang manggas ng uniform ko, “babantayan mo na lang ba lagi ang mali ko? Paduguin ko yang labi mo jan eh!”

“Nutella---“ hinila pa ako ni Peter.

“Swerte ka pa ring babae ka,” sabi ko tapos tinuro si Claire. Lumabas muna kami ni Peter bago ko pa tuluyang dikdikin ng pinung-pino si Claire. Nakakainis ang hilatsa ng mukha ng babaeng yun!

Dinala ako ni Peter sa may rooftop.

“Huminga ka muna ng malalim bago kung ano pa ang magawa mo.”

Tinignan ko si Peter tapos unti-unting ngumiti, “oooy! Worried ka sa akin noh? Yung totoo?”

“Psh. Makikipag-sabunutan ka na’t lahat pero hayan at nagbibiro ka pa rin.”

Hinawi ko ang buhok ko tapos nag-sway-sway na parang bata, “sungit mo talaga.”

“Lumapit ka,” sabi niya sa akin.

“Ha? Bakit?”

“Basta.”

Di na ako nakapalag nung hilahin niya ako palapit sa kanya. Inilagay niya ang mga kamay niya sa baywang ko tapos pinuwesto niya ang mga kamay ko sa balikat niya.

Namula ako bigla kaya binaba ko ang paningin ko.

“Step one, brush-step-waltz... blah blah blah...”

Sumusunod lang ako sa mga sinasabi niya.

“Para tayong tanga...”(-m-) Nagsasayaw kami ng walang tugtog.

“My mom once told me, when you dance, don’t listen to the music... listen to your heart ‘cause it’ll give you the right step.”

“Tapos?” tumingala ako sa kanya.

“Close your eyes.”

Nag-eye-to-eye kami.

Sinunod ko ang sinabi niya, binaba ko ang paningin ko tapos pumikit.

“Dance with your heart, it’s what my mom’s message means.”

“Miss mo na mama mo noh?”

Sa pagkakataong iyon ay nakasandal na ako sa balikat ni Peter pero patuloy pa rin ang pag-sway namin sa di naririnig na tugtugin.

“Yes. And you?”

“Oo.”

Malamang nga pinapanood ako ni Inay at malamang ay nangangati na siyang hilahin ako palayo sa lugar na iyon.

Naramdaman kong dinantayan ni Peter ng halik ang buhok ko.

Nagmulat ako ng mata at tinignan siya.

“Oh, I’m so sorry to interru---“

Sabay pa kaming napatingin sa pinto ng rooftop ni Peter.

Nandun si Jason, kasama si Mhea.

“Ah, okay lang, pababa na rin naman kami,” parang ang landi-landi ko these past few days. “Tara na,” yakag ko kay Peter na di ko alam kung masama ba ang pakiramdam kasi ang dilim dilim ng aura niya.

***

Nakasandal alng ako sa pader habang pinapanood ang pagsasayaw nina Mhea at Jason sa dance floor. Iniwan naman kasi ako ni Peter, may meeting siya ulet eh. Kaya heto, para hindi mapag-initan ni Claire ay gumilid na lang muna ako.

“Ang cute nilang dalawa eh noh? Isang super gwapo at isang sintu-sinto,” sabi ni Roda na kanina pa kinukutya si Mhea.

“Di na tantanan si Mhea, ganun? Ang ganda kaya niya, girl!”

“Sus. Maganda, malandi kamo!” umirap pa siya at nilabas ang mahiwagang pamaypay niya na baon niya araw-araw. “Ewan ko ba diyan sa Jason na iyan, nandiyan ka naman, bakit si Mhea pa?”

Muntik pa akong nasamid sa sariling laway sa narinig. Di ko pa nga pala nai-kuwento kay Roda ang dalawang beses na pagte-turn down ko kay Jason.

“Nga pala, Nat, may partner ka na ba sa ball?” tanong niya sa akin.

“Wa---la pa?” di ko naman talaga sure kung meron na kasi di pa naman ako inaaya ni Peter---kung aayain nga ako ni Peter.

Tinulak niya ako, “go ka na, ayain mo na si Jason!”

“Ano ka ba,” bumalik ako sa pagkakasandal sa pader, “chura mo, girl ha! Ayoko nga!”

“Ano pang inaayaw-ayaw mo kay Jason? Three-in-one kumbaga sa ice cream noh!”

“May Mhea na siya, may Peter na ako, ayiieee!” ako pa ang kinilig sa isiping iyon.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, “ang landi ng hinliliit mo, girl, abot hanggang split ends oh.”

Di na lang ako umangal sa kanya, kung saan pa aabot ang barahang iyon eh.

“Kung si Peter ang hinihintay mong aaya sa iyo sa ball, wag ka ng assuming, kasi yun, walang sineseryoso ni isa mang babae. Alam mo na, prinsipe yun, girl! Tanda mo yung sinabi ko sa iyo nun? Wag kang masyadong ma-fall kay Peter, ikaw din.”

Bakit ba lagi nilang sinisiraan si Peter sa akin eh ang bait-bait kaya niya!

“Yung totoo, girl, kakampi ka ba ni Claire o kakampi kita?”

“Kung si Peter ang pag-uusapan, kay Claire na ako.”

“Aba?”

“Hmm, wag mangalmot, kaka-lotion ko lang, mahal ang SPF 28.”

“Nakakainis kang bakla ka!” sabi ko sabay hampas sa kanya.

“Por que walang matris, bakla na agad? Kung dukutin ko kaya yang iyo at tawagin din kitang bakla?”

***

Author: I’m so epic! Itatalon ko na tong story na to, nashushunga na ako. XD

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon