041

323 14 6
                                    

[041]

Peter’s POV

Pumuti ba ako? O epekto lang ng puting pader, kalye at maging usok sa paligid ko?

“Maligayang pagdating, Petriatico!”

Pakiramdam ko ay nasa peryahan ako at bigla na lang nagkaroon ng booth sa harapan ko kasabay ng paglitaw ng arkong nagsasabing “WELCOME TO HEAVEN.”

Pero sa ngayon, gusto kong sapakin ang tumawag sa akin ng ‘Petriatico.’ Asan na yung loko-lokong yan?!

Nilibot ko ang paningin ko at pumako ang paningin ko sa isang lalakeng may mahabang balbas. Mukha siyang Ermitanyo.

“Petriatico!”

Napangiwi ako.

“’Peter’ ang pangalan ko.”

“Eh kung tinawag kitang ‘Peter,’ para ko na ring tinatawag ang sarili ko...” tumawa pa siya. Pumailanlang yun sa paligid.

Baliw yata to eh. “Nasaan ako?”

“Nasaan ka? Hindi ba pwedeng ‘nasaan tayo?’ Magkasama tayo oh, kaw naman.”

Isa pa. Isa na lang talaga. “Nasaan tayo? Nasaan ang kotse ko?”

“Alam mo ba kung bakit hindi nakakapagdala ng kahit na anong material na bagay ang mga taong tumatawid sa kabilang buhay?” tinataktak niya ang baston na bigla na lang ay hawak na niya. “Hmm?”

“Ha?”

“Kasi tinatamad ang mga anghel na sumusunod sa kanila na magbuhat ng mga gamit. Isipin mo nga naman, paano kung barko ang pagmamay-ari nung namatay? Wala namang dagat dito sa langit. Paano kung eroplano? Wala din kaming airport. Tapos bahay, hindi kakasya dito yun---“

Dito sa langit?! W-wait!”

“Oh, bakit? Di mo ba alam na nasa langit ka na,” umupo na siya sa biglaang lumitaw na upuan. Halos maghysteria na talaga ako doon. “Petriatico Macabangbang the Third. Alam ko ang buong pangalan mo. 23 ka na. Hmm...”

“H-hindi ako naniniwala! Pinaglalaruan mo lang ako!”

“Aba? Ito, hindi an laro. Nakipag-sex ka nung 18 ka sa isang babaeng mas matan---“

“Waaah! Namboso ka!”

“At pagbintangan pa ako?”

Tinuro pa niya ang sarili niya.

Pero--- pero--- walang nakaalam ng bagay na iyon! “Shh, wag mo yang sasabihin kay Nutella!” mahirap na, mas lalong di ako tatanggapin ni Nutella.

“Nahiya pa daw. Oh, siya, eto, kailangan mong pumirma dito tapos---“

“Nasaan ba talaga ako---“ tinignan ko siya, “oo na, tayo?!”

“Alin ba sa mga letra ng ‘langit’ ang hindi mo alam at nang maituro ko sa iyo saglit?” pinaikot pa niya ang mga mata niya. “Di ba nga naglasing ka kasi shunga ka tapos natulog ka habang nagda-drive? Paggising mo *boom*, narito ka na, yehey!” pumalakpak pa siya. Para siyang bata gayong ang tantiya kong edad niya eh lagpas singkuwenta na.

Napaisip ako.

Oo nga noh?

Naghanap ako ng galos sa katawan ko.

Wala!

Iba na rin ang suot ko.

Waaah! Puti. Puti. Walang ibang kulay kundi puti! “Sino ka ba?!”

“Ikinagagalak kong sagutin yan... ako si San Pedro, Saint Peter sa English,” inilahad pa niya ang kamay niya sa akin.

Nanlulumong inabot ko ang kamay niya. Nasaan ba talaga ako? “Patay na ba ako?”

“Agad-agad? Gusto mong mamatay agad? Halika,” giniya niya ako sa puting pinto na sa sobrang kaputian ay hindi ko na alam na pinto pala yun.

“Saan?”

“Makulit ka rin, halika nga.”

Para kaming pumasok sa isang malaking sinehan.

“Manood ka. Pasensya na, walang upuan, may pagtitipon kasi kaya ginamit lahat. Tumayo na lang tayo, short film lang naman ang panonoorin natin.”

Di ko na siya pinagtuunan ng pansin. Nakatingin lang ako sa malaking screen.

“Si Nutella...”

***

Author: Hayan ah? Nasa Heaven na si Peter. LOL. XD

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon