009

458 27 15
                                    

[009]

Author: *pinanlilinis mo ng kuko yung takip ng ballpen.

*nahihiya kang paypayan lang ang sarili mo kapag may katabi ka.

*feeling mo hindi ka naririnig ng mga kausap mo kapag nakaheadset ka.

*nadadamay ka sa pagngiti habang sinasabi ang “OKAY! SMILE... 1...2...3...!”

*tinatago mo ang paggamit ng alcohol kapag katatapos nyo lang maglinis sa school.

*inaantok ka kapag di mo gusto yung subject

--> Achuchu! Anong klaseng author’s note yun? hahaha

***

Natasha’s POV

“If ‘x’ is equal to 38, what is’y’?

Kunwari nakikinig ako. nakakatamad ang math subject. Ano bang kinalaman ko sa nawawalang ‘x’ at ‘y’ na yan? Wala naman akong tinatagong vue ngga yan kaya bakit piapahanap sa akin???

“Periatico... pst.” Sinitsitan ko pa si Peter sa tabi ko

Deadma. Ni hindi man lang ako nilingon. Sa isang gilid naman ako tumingin kung saan naupo si Jayson na sa kalendaryo kinuha ang pangalan. Alive na alive syang nakikinig. Pati nga mga cclassmates ko eh nahawaan nya ng Jayson Virus. Pinayuhan kasi nya kanina ang mga kakaklase namin na making mabuti... ako lang yata ang hindi nakinig.

“Jayson...”

“Hmmm? Do you like the lesson?”

Like agad eh wala nga akong maintindihan sa sinasabi ng teacher namen. “Uh, yeah.”

“Who wants to answer number 3?”

“Hey! There’s your chance!” sabi ni Jayson, “Ma’am! Natasha can answer that her self, she understand the lesson well!”

Mah gahhhhhhddd! Pahamak! “No, ma’am, Jayson is only kidding!” Anong isasagot ko?? Kaloka! Sana sinabi ko na lang na di ko alam!

“Miss Cademias, try answering number 3.”

“Go, Natasha, I know you can answer that easy question!” gagawa pa yata ng cheering squad si Jayson para sa kin.

Napalingon ako kay Peter na parang humihingi ng tulong pero nginisihan pa niya ako na parang sinasabi niyang “kaya mo yan, di ba?”

Napalunok muna ako ng isanglibong beses bago tumayo. Hinawakan ko yung white board marker, nanginginig pa ang kamay ko.

Number 3: negative 5x plus the reciprocal of positive 9y is equal to 78 blah blah blah

“Matagal pa ba yan?”

“Hay naku, as I know, wala siyang maisasagot.”

”Let me.”

Mainit na kamay ang dumampi sa kamay ko.

O.o “Peter?”

“Whom are you expecting? Makinig ka sa explanation ko... if ‘x’ is too toot too toot.....”

Hindi ume-entra sa utak ko yung explanation niya. Super galing nya at halatang kabisado na niya yung mga sagot nya. parang wala siyang gagawing mali. And to think na para siyang nakayakap sakin, ang tangkad kasi niya. Eerrrrr.

“Sa susunod, wag mo lang akong tititigan ng matagal, sapat na yung minsang sulyap para magkaroon ka ng inspirasyong makinig sa lecture.”

Iyon ang nagpabalik sa kin sa realidad. Ano daw??!!! Feelingera naman!

“Hoy Palits, hindi ako nakatitig sayo ha.” sabi ko nung makarating ako sa upuan ko.

“Hindi nga ba?”

“Aba’t ang taas ng ere neto. Kala mo naman kung sinong artistahin.” Umingos ako. Pagkaupo ko ay agad akong nagbilang sa daliri ko. Goshes. Tatlong beses na kong niligtas ni Peter Palits. Psh.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon