048

341 9 5
                                    

[048]

Natasha’s POV

“Excuse me, miss,” excuse ng nurse sa akin kasunod ang isa pang nurse at isang doktor.

“Bakit?” tanong ko pero tumabi rin naman.

Di nila ako sinagot.

“Oy, oy, oy, ano yan?” pinigilan ko ang kamay ng doktor na nagtangkang hawakan ang oxygen ni Palits, “anong gagawin niyo? Kanina pa ako nagtatanong dito ah? Ano ako, invisible?!”

“Sweetie.”

“Dad?” tinignan ko sina Daddy at Tito the Third na pumasok sa kwarto, “anong gagawin nila kay Peter? Bakit sila nandito?” di nila ako sinasagot. Lalo tuloy akong naghysteria.

“Nat, makakasama sa pamangkin namin, halika na lang dito,” hinawakan ako ng mahigpit sa pulsuhan ni kuya Jono.

Umiling ako ng pagkatigas-tigas, iniharang ko ang katawan ko kay Peter, “di niyo siya magagalaw! Hindi ko papayagan! Hindi!--- ahh!” tumili ako ng pagkalakas-lakas kaya lumayo sila sa akin. Anong gagawin nila kay Peter? Papatayin na nila?!

“Nat, this is for your---“

“No! I won’t let you touch him eventhough you’re his father!” baling ko kay tito the Third. Tama nga ang kutob ko, papatayin na nila si Peter.

Hindi maaari!

“Bangon na kasi Peter kung ayaw mong manlalalake ako!” niyugyog ko pa si Peter habang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko.

“Natasha...” dahan-dahan akong hinawakan ni kuya Jimmy.

“Kuya, bakit kasi? Di pa naman siya mamamatay ah? Kaya pa niya, kuya...”

“Pero ikaw, hindi na...”

Inilayo niya ako kay Peter at nagsimula ulit gumalaw ang mga nurse at ang doktor.

“Pero...” kumalas ako, nilapitan ko si Peter, “bakit?” dinampian ko ng halik ang pisngi niya, “mabubuhay ka, di ba? Hindi na ako galit sa yo, ah? Okay na... bangon ka na... bangon na...” hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Paano na lang ako? Ayoko! “Bangon na, sisipain pa kita! Sasabunutan, sasampalin at tatadyakan! Ano ka ba!”

“Babangon pa kaya yan--- aruy naman, Jono.”

“Ikaw kasi, ssh,” nagkasikuan sina Kuya Jimmy at kuya Jono. Pero nung makita nilang pinagmamasdan ko sila ay tumigil na sila.

Tumungo ulit ako kay Peter, “pag gumising ka, ako na magluluto para sa yo, ipaglalaba kita, lilinisin ko kwarto mo---“

“Mas mabuti pang wag na lang gumising kung ganyan, gagawin pang alila kapatid natin--- aruy, Jimmy, naman!”

“Kanina ikaw ang--- oo na, tahimik na, ikaw kasi,” nagkagitgitan na naman sila.

Wala na yata akong ‘katahimikan’. Nagda-drama yung tao eh!

Suminghot-singhot na lang ako.

O.o

“G-gumalaw siya...”

Sa isang iglap ay nasa labas na kami ng kwarto at mabilisang gumalaw ang mga nurse at yung doktor.

Parang may komosyon sa loob pero di naman daw ako pwedeng pumasok.

Nakapagdasal na yata ako ng sampung dasal na dati’y di ko makabisa pero ngayon ay naiusal ko ng diretso.

“Gagaling siya, magigising siya... magigising siya...” parang chant na lang ang ginagawa ko habang nakasalikop ang mga palad.

***

Author: Hope ma-end ko na siya oh please! XD

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon