044

281 12 4
                                    

[044]

Peter’s POV

Nagtype ako sa computer, ‘Nutella Natasha---‘ hindi ko pa man naita-type ng kumpleto ang pangalan niya ay lumabas na agad ang picture niya. Hinaplos ko yun.

Halos isang buwan na rin--- oras sa lupa--- ang ginagawa kong iyon. Ang isang araw sa langit ay isang buwan sa lupa pero ang haba-haba naman ng orasan. “Miss na kita,” sabi ko habang hinahaplos ang larawan niya doon. Napapanood ko din siya ng live... gaya ngayon... umiiyak na naman siya.

Maya-maya lang ay hahaba na naman ang pila doon.

At di nga ako nagkamali.

“Jessica ‘Jessie’ Antonio… 23, single, ulila na, pero may isang kapatid, oh, bakit ka nandito? Dapat nasa lupa ka pa ah? May pag-asa ka pa,” tumigil ako, “bakit ka tumatawa?” nasisiraan na ba ito ng bait? Ang ganda pa naman. Naku, Nutella, patawad, nagsasala ako.

Tuloy pa rin siya sa pagtawa, nawawala tuloy ang poise niya.

“Aisht sunod ka sakin,” sabi ko. Nagtawag ako ng anghel para pumalit sa akin. Nararamdaman kong may dapat akong gampanan sa buhay ng Jessica Antonio na ito.

Tawa pa rin siya ng tawa habang naglalakad kami.

Binuksan ko yung TV. Pagkatapos ay umupo na ako. Sa tinagal-tagal kong nagtatrabaho dito, sanay na rin akong gumamit ng tricks na dati ay hindi ko pinaniniwalaan dahil alam kong ‘pakulo’ lang naman ang mga yun. Sino nga ba naman ang maniniwalang nasa boundary ka na ng langit?

“Anong showing?” tanong niya at nakiupo na rin.

“Manood ka na lang.”

“Ako yun ah!” sambulat niya.

“Ikaw nga yan habang papasok sa trabaho, nagtratrabaho ka sa isang fast food chain.”

“Eh sino yung lalakeng umakbay sa kin?” hindi ba niya naaalala na may boyfriend siya?

“Ayan? Boyfriend mo yan, si Jimmy, katrabaho mo, isang buwan na relasyon nyo.”

 “Ohy! Foul na yan ah!” sigaw na naman niya nung makita sa pinapanood na inakbayan siya ni Jimmy.

“Makinig tsaka manood ka na lang.”

“Jessie, wag ka ng umangal, wala namang tao rito e,at di pa tayo naghalikan mula ng maging tayo,” sabi ni Jimmy sa pinapanood namin.

“Wag, Jim. W-wag,” angal ni Jessie sa pinapanood.

“Ayown! Nakita mo, ha? Galing ko noh?!” pinalo pa ni Jessie ang braso ko at nagmayabang. Parang si Nutella.

“Hayan, panoorin mo yan at sabihin mo sa kin na magaling ka.”

“Jessie! Bumalik ka!” umaaringking sa sakit si Jimmy, hawak ang tinuhod kong parte nya. Tinakbuhan siya ni Jessie, nakarating na sila sa highway, takbo  lang ng takbo si Jessie para makatakas sa manyak na iyon, sa pagtakbo niya, di na siya tumitingin sa left and right side niya... Tapos may malakas na ‘bbbeeeeeeepppp’ mula sa kung saan, lumingon si Jessie... ‘bbooogshhh’ tumilapon siya… duguan ang ulo.

“The end….galing mo di ba?” ako naman ang namalo sa braso niya.

“Bat ganun? Totoo ba yun? Bat wala akong maalala?”

“Nung nagtravel ka kasi papunta rito, naiwan mo yung alaala mo sa katawan mo na kasalukuyang nasa ospital ngayon. Sosyal ka ha? Nasa private room ka pa, dapat pasalamat ka sa mga charities na tumutulong sa yo if ever na mabuhay ka.”

“Asan na si Jimmy ngayon?”

“Nasa kulungan, syempre... oh di ba… ano, naniniwala ka na ngayon?” may hawak na akong pop corn ngayon.

“Teka, san mo nakuha yang popcorn? Wala ka namang ganyan kanina ah!”

“Heaven to, tol, hehe, gusto mo?” para talagang siya si Nutella.

Umiling siya, “panu yung sinasabi mong makakabalik pa ako sa lupa? Yan ba yung dapat gumawa ako ng mabuti? O yung humanap ako ng nagmamahal ng totoo sa kin? Hehe, napanood ko yung mga yun eh…”

“Asa ka pa. hindi noh, dapat , makapagbigay ka ng dahilan kung bakit dapat ka pang mabuhay… kuha mo?” bakit ba wala akong kagaya na ayaw nang bumalik sa lupa?

“Yun lang pala e, asan ba ang kapatid ko?”

“Ehehe, di to madali oy, wala ng madali sa panahong ngayon… dapat, sa mga taong hindi mo kakilala…”

“Sus, kaya ko yan.”

“Ehehe, hindi rin, iilan lang makakakita sayo…” nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala, “bang! I got you.” Tumawa pa ako, “sige na, tayo na ryan, masyado ka ng abuso sa sofa ko, ibababa na kita sa lupa,” tumayo na ako.

“Eh, pano to? Sino ka ba?”

“Tandaan mo lang to, matatapos na ang misyon mo sa unang patak ng ulan sa mayo, ano ba ngayon? Ah, tamang tama, marso kwatro pa lang sa lupa ngayon, makakaya mo yan.. hehe… at ang unang taong buhay na makakakita sa yo ang syang taong dapat mong hingian ng dahilan kung bakit ka dapat bumalik sa lupa… dapat sabihin nya mismo sa yo… o sa katawan mo... go lang , Jessie!” heto ako at nagchi-cheer ng iba habang ang sarili ko ay hindi ko ma-cheer’an.

“Waah! Iiyak na ko! Sino ka ba?”

Bumuka na ang ang inaapakan niya at bumulusok na siya pababa.

“Ako si Peter, don’t worry, aalalayan kita, okay? Pero pag di mo nagawa yung misyon, ba-bye earth ka na…” pahabol ko pa. Maririnig niya yun.

“Petriatico, tawag ka ni San Pedro.”

Paglingon ko ay nakita ko si Anghelito, ang batang ama ng anak ni Author EijeiMeyou, kilala niyo yun? Si JM De Guzman? Oo, anghel siya dito, kaya susunod na rin si Author para magsama sila.

***

Author: Napaaga ang author’s note ko, LOL. XD

Familiar ba ang mga pangyayare? Malamang! Kinuha ko yan sa GIVE ME A REASON TO LIVE ko eh. Hahaha.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon