008

484 31 10
                                    

[008]

Natasha’s POV

Talo ko pa ang personal bodyguard pagpasok ng kotse ni Jason sa MH. Pagkaguluhan ba naman ng mga atribidang babae sina Jason at Peter. Ako lang yata ang ini-etchapwera. Pero may kaisa-isa naman akong supporter: si MHea. Para siyang baliw na sumusunod sa aming tatlo pero alam ko namang ako lang sinusundan nya.

“I almost forgot how it feels to be surrounded by girls like this,” mukhang nasisiyahan pa si Jason na may mga babaeng humahaplos haplos sa kanya, naiipit pa tuloy ako.

“Awww!” Shet mapapasubsob ako sa pathwalk!

Napapikit ako. hinihintay ko na lang na tuluyan ng masaktan ang face kong di pa nakakatikim ng facial mask.

(O.-)

 Mulat-mulat

(-.O)

(O.O)

Uh-oh... ligtas ako!

Pero...

“Walanghiya! Ang kamay mo!”

Napatayo agad ako ng maayos habang naninindig ang lahat ng buhok sa katawan. Napatingin silang lahat sa akin. Si Peter ang sumalo sakin... na naman.

Hinampas ko sa kanya yung bag ko, “ampupu mo naman eh! Di porket alam mong deads na deads ako sau eh pagsasamantalahan mo na ako in public! Maghintay ka naman hanggang mamayang gabi!” nagba-blush yata ako. Hiyang hiya ako...

“Kung di kita sinalo, malamang nakaone point na sa iyo ang sahig na yan.”

Abat pilosopo pa?! Nahawakan lang naman niya ang right part ng “ANO” ko sa upper body. Sino ba naman ang hindi maghy-hysteria! “Hay ano ba yan... nakakawala ka ng ganda.” Composure, Natasha. Hinga ng malalim. “At anong tinitingin tingin nyo? Gusto din ninyong mahawakan ang mga brasakels nyo ha?”

Isa isang nag-alisan ang mga babae sa paligid namin.

“EEEE! Kaw kasi Peter!”

“Anong kasalanan ko?? At saka wag ka ngang grabe jan, para namang malaki. Psh.”

O____O <--- ako

(¬¸¬) <----Peter

^___^ <---Jason

“I don’t understand.” Nakangiti pa rin siya habang di na pala niya naiintindihan. Buti na lang, nakakahiya naman sa kanya.

“It’s nothing.” Sagot ko sa kanya, humarap ako kay Peter na matalim ang tingin, “kahit ganu ka pa kagwapo, gagantihan kita. Rawr.”

Nag-iinit ang bunbunan ko. psh

Eh... pero kung iisipin mo, maswerte na rin ako... pero mali pa rin... di na ko virgin!

Ahaha... kung ano ano pinagiisip ko. Tss.

“So, are you going now?” tanong ni Peter kay Jason.

“No. I’m coming to your classroom. I’m gonna join your class. ^_^”

“Ah great! Come on, bro.”

Hello!? Andito ako???!!! di na yata nila ako naalala. Iwanan ba naman ako dun.

“Miss Natasha!”

Tumakbo palapit sa akin si Mhea. Di pa pala siya umaalis?

“Look. May notebook na akong kagaya mo. =) Binili ko to kahapon sa national bookstore,” pinadaan niya aking mga mata yung notebook na pagkakapareho daw namin.

O_O “Ha? Okay naman ah. Maganda.” So nonsense. Wala lang akong maisip na sabihin sa kanya.

Binuklat nya yung notebook, “nagparecopy ako ng picture mo. Tapos dinikit ko sa first page para lage kitang nakikita.”

O_o di na nga tama noh... “Mhea, di mo naman kailangang gawin yan eh.”

“Hehe. Ang ganda mo kasi. I even trade my cellphone. See? Pareho na tayo!” ipinakita naman niya sa akin ngayon ang cellphone nya.

Sheyts. Talo ko pa si Christine Reyes nito.

***

Peter’s POV

Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong mapatid si Nutella. Shit ang tanga.

Kaysa naman panoorin lang siyang humalik sa sahig, sinalo ko na siya. Pero na-out of place ang kamay ko ng di ko sinasadya.

Maybe she’s cup A lang naman. 32A, specifically. Pero kung umarte, para namang kay laki ng nawala sa kanya. Eh foam pa nga lang yung naramdaman ko dun. Haynaku.

At heto na naman ang babaeng head-over-heels sa mga babaeng napapalapit sakin, si Mhea Dhea Cantores.

“Nutella, matagal ka pa ba?” ako na mismo tumawag sa kanya. Hindi talaga sya makakawala sa kuko ng Mhea na yun.

Isa pang nakakairita kay Nutella ay ang pagkislap ng mga mata nya nang makita nya si Jayson. Akala ko ay susugod sya sa gyera kaninang nagulat sya sa busina, pero nung makita sa Jayson, agad syang nagbackfire. Ang kati talaga.

“Heto na po, Petriatico.” ^___^

Hindi talaga mawawalan ng dahilan para ngumiti tong babaeng to. Pero hindi sakin nakatingin kundi kay Jayson. Kina-career pa talaga nya ang mag-english para lang makausap si Jay.

“Are you familiar here in school? ‘cause if not, im going to roam you around.” Ang kapal talaga.

“Matagal na nyang alam tong school ‘namin’ kasi dito din sya nag-aral noon,” sumabay ako sa kanila ng paglalakad. Wala pa yata silang balak na gumamit ng elevator eh sa fourth floor pa ang klase namin.

“Pakelamero ka talaga, Petriatico---“

“’Peter’”

“Ano bang registered name mo sa NSO, aber?” tinaasan pa niya ako ng kilay, “hindi ba’t ‘Petriatico’? hmp.”

“I don’t understand, you two.” Tatawa tawa pa si Jayson.

“Nothing, don’t mind Petriatico Macabangbang the fourth.”

***

Author: yung pangalan ni “Jayson” ay nakuha ko lang po sa kalendaryo. Try nyo, lahat ng first letters ng 12 months. Without rumbling it, may isang word na mabubuo and it’s JAYSON. Month of “J”uly, “A”ugust, “S”eptember, “O”ctober, “N”ovember. Kuha nyo??

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon