Chapter 31 - Madly inlove.

30.7K 612 100
                                    

Chapter 31

 

Tahimik na natutulog sa tabi ko si Montefalco. Hindi ko maiwasang titigan siya. Naalala ko yung pagkagulat na naramdaman niya kanina nang sabihin kong mahal ko din siya.

"M-mahal mo rin ako? Seryoso ka ba brat?" Di makapaniwalang tanong niya.

 

Unti-unti akong tumango and the next thing I knew, he was already kissing me. Soft and passionate kisses.

 

Alam kong hindi tama, dahil may girlfriend pa siya. Pero wala akong ibang maisip maliban sa mga halik niya sakin. Nakakabaliw. Nakakapanghina.

 

Napahawak ako sa leeg niya bilang suporta dahil pakiramdam ko nagjejell-o ang legs ko.

 

"Binabaliw mo talaga ako brat. Baliw na baliw na ko sayo." He said in between our kisses. Right at that moment, all my beliefs came flying out the window.

 

Suddenly, wala na kong paki kahit may girlfriend siya. Kahit may sabit. Basta ang alam ko, pareho kaming nababaliw sa isa't isa. Pareho naming mahal ang isa't isa.

 

"I love you Gabby. I love you. I love you." Paulit ulit niyang sabi habang hinahalikan ang leeg ko.

 

"I-I love you too." I manage to speak kahit na nawawala na ko sa ulirat.

 

Binuhat niya ko papasok ng kwarto ko and the next thing I knew, we were both naked shouting our names at our climax.

Yes, we made love. I know its wrong but hell, it felt so damn right.

Hinaplos ko yung mukha niya. Mahal na mahal ko talaga tong lalaking to. Mahal na mahal. At baka tuluyan na  kong mabaliw pag nawala siya sakin.

Hindi pa namin napaguusapan ang bagay bagay. Katulad nalang ng kung ano nga ba kami at kung paano sila ni Angel. Natatakot akong magtanong. Natatakot ako na baka masaktan ako sa isasagot niya.

I just gave him my everything. Not just my virginity, but my soul, my trust and my heart. Kanyang kanya na ko kahit na ang pinanghahawakan ko lang sakanya ay yung mga sinabi niya kagabi.

Pero paano kung paggising niya hindi na niya ko mahal? Paano kung kaya niya lang nasabi ang mga yun dahil nakainom siya? Paano kung paggising niya ay bumalik na siya kay Angel.

Napaluha ako sa mga naiisip ko. We just made love but I cant help but think about tomorrow. Walang kasiguraduhan, dahil wala namang kami. At hindi magkakaron ng kami hanggat sila pa ni Angel.

Nagising ko ata siya dahil sa mahinang paghikbi ko. "Baby?" Aniya.

Napapikit ako ng mariin sa pagtawag niya sakin. That sounded so good in my ears, but it stabbed my heart.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon