Chapter 7 - Damn!

32.8K 629 76
                                    

Chapter 7

I went to school with my mind scattered all over the place. Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Gab lahat ng to.

The report went well. No, well wasn't the right term. It went great. Uno ang grade na nakuha ko for that reporting dahil maganda ang naging takbo ng report ko. Maganda ang visuals, maayos ang pagsasalita ko sa harap kahit na bothered ako, naging maayos dahil sa idiot card na ginawa ni Gab.

I owe him everything.

"Gabby!" Rinig kong tawag ni Meg. "Magaling kana ba? I've missed you!" Aniya.

"Isang araw lang naman akong absent. Napaka-OA mo talaga Meg." I rolled my eyes heavenwards. Pero hindi nagpatinag ang pinsan ko at niyakap lang ako.

"Ang init ng ulo natin Gabby ah." Ani Kuya Kevin.

I just shrugged.

Di naman mainit ulo ko. Bothered ako kay Gab. Pero di ko yun sasabihin sakanila.

Maya maya ay dumating na si Azi. Nasa tabi niya si Gab na seryoso lang ang itsura.

"Una na ko bro." Sabi niya kay Azi. Aalis na siya? Ni hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Galit talaga siya.

Malamang Gabby.

"Di ka kakain Gab?" Tanong ni Meg sakanya. Umiling lang siya at umalis na. Nakita kong nagtaka sila Meg at Kuya Kevin sa inasal ni Gab. Hindi naman kasi yun nagsskip ng lunch kasama kami.

Tinignan ako ni Azi. "You wont do anything about that?" Sabi ni Azi sabay nguso sa direction ng paglalakad ni Gab.

I shook my head. "Anong gagawin ko? Ayaw niya kong kausapin. Or makita, even. Alam mong hindi ko sinisiksik ang sarili ko sa ibang tao." I told him.

Napatingin yung mga pinsan ko sakin. "Anong nangyari sainyo? You were okay yesterday. Siya pa nga naguwi sayo diba?" Ani Meg.

"Siya pa nagalaga nung nasa bahay na. Not to mention, he did Gabby's powerpoint presentation para ngayong araw. And oh, he was in our house early in the morning to check on Gabby." Dagdag ni Azi.

"He did all of that?" Gulat na tanong ni Meg. "Oh eh what happened? Bakit parang galit yun?"

I stood up. "Tss." Sabi ko muna bago umalis ng table namin. I grabbed a cab at umuwi ng bahay. Inis na inis ako buong byahe. Hindi ko alam kung sakanila dahil alam kong tama sila o sa sarili ko eh.

Oo na nga, kasalanan ko na dahil napagsalitaan ko siya ng masama kanina, but I was just. Okay. Nainis ako kasi hindi siya nagexam para alagaan ako.

Other girls would find that sweet. Others would even fall for that sweet gesture. Pero hindi naman kasi niya kailangang gawin yun. He missed an exam just to take care of me. Hindi ko maisip yung logic para gawin niya yun.

"Oh masama pa ba pakiramdam mo? Bakit maaga ka ngayon?" Tanong agad ni Yaya. Wala sila Mommy, one week sila sa Cebu para sa isang conference shit or whatever na hindi ko alam.

Dumeretso ako sa kusina at nagumpisang kunin ang mga kailangan ko. "Hindi Ya. Magbabake ako."

Nagumpisa na kong magbake ng Strawberry cake. This is one thing Im good at. Hindi man ako marunong magluto talaga, marunong naman akong magbake. Kaya para magthank you at magsorry, magbake nalang ako.

Natapos ko yung cake in less than an hour. Break pa naman nila Azi kaya aabot pa ko bago magstart yung klase nila. As for my class, Im late. Di nalang ako papasok, mapapagalitan na ko, iaabsent pa ko ng prof.

Tumawag uli ako ng cab at nagpahatid sa school. I have the cake in my right hand. Binox ko pa un at nilagyan ko ng icing na may Thank you at Sorry. Gusto kong masuka sa ginagawa ko. Cake? Really Gabby?

Pagdating ko sa gate ay nakita ko agad si Gab na nakaabang. I wonder sino ang inaabangan niya.

Pagbaba ko ay agad niya kong sinalubong. "Where have you been? Kanina pa kita hinahanap. Nagalala ako! Sabi nila basta ka nalang daw umalis tapos hindi nila alam san ka nagpunta. Your phone was in your bag too kaya hindi ka macontact. Ano ka ba naman Gabby. And for Christ sake! Nag-taxi ka? Nababaliw ka na ba? Paano kung –"

I cut him off. "Hep. Kumalma ka nga." I handed him the box of the cake I baked. "I baked you a cake. Pero wag kang feeling." Tapos tinalikuran ko na siya.

Narinig ko siyang napamura. "Sh-t talaga!" Aniya. "Isang cake lang lusaw na yung inis ko! Damn Athena Gabrielle! Damn this cake! Damn!" Rinig ko pang sabi niya.

Hindi ko na siya nilingon. Kukunin ko na ung bag ko sa canteen pero hinabol niya ko. Hinigit niya ko papunta sa rooftop.

I raised my eyebrow. "What else do you want Montefalco?"

"Kainin natin tong binake mo." Aniya. Nakangiti siya at parang mapupunit na yung labi niya sa ngiti niya.

"Edi kainin mo. Im going." Sabi ko pero nahabol na naman niya ko.

"Nagiinarte ka na naman brat." Sabi niya. "Kakain lang naman tayo."

I shrugged him off. "Wala ring tinidor. Sa bahay mo na kainin yan."

Itinaas niya ang dalawang plastic na tinidor. "Nanghingi ako kay Manong Guard. Alam ko maraming naiwang supply na ganto last time na nagkainan ang team."

Wow. Ready.

Umupo kami sa bench na nandun, buti nalang at malilim ngayon kundi para kaming nagsun bathing.

Binuksan niya yung box at nakita kong natigilan siya sa message na nakasulat sa cake. Then he smirked. "You're welcome. And forgiven." Sabi niya ng nakangisi.

I just rolled my eyes. Feel na feel ni gago.

He fished his phone out of his pocket at tsaka pinicturan yung cake na ginawa ko.

"What was that for?" Tanong ko. Hindi naman ako nainform na avid fan siya ng foodporn sa IG para picturan lahat ng kakainin niya.

"Remembrance. Para maalala ko na once in my life, nagbake ka ng cake para sakin. Just to say Thank you and Sorry." Aniya na parang nangiinis sabay subo ng cake. "The best ka talagang magbake. Lalo na at para sakin talaga to. Dati kasi nakikihingi lang ako kay Azi o kaya kay Meg."

Madalas kasi akong magbake. At madalas sila Azi at Meg ang kumakain ng binake ko.

Hindi na ko nagsalita. Ano bang sasabihin ko? Thank you? Kasi pinuri niya yung cake ko?

No, thank you.

"Alam mo kahit masungit ka, maganda ka parin." Aniya na kinabigla ko.

I looked at him. More like glared. "Tigilan mo ko Montefalco."

--------------------

Gab and Gabby -----> <3

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon