Chapter 35 - Ang baby ko.

26.7K 642 70
                                    

Chapter 35

(Song on the sideeee) 

Pagmulat ko ng mata ko ay agad kong naramdaman ang matinding pagod. Kakagising ko lang pero bakit parang masakit ang mga parte ng katawan ko. Agad kong naaninag na nagsilapitan sila Mommy sakin. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

“Gabby? Oh god. You’re awake.” Sabi ni Mommy na medyo maluha luha. Niyakap siya agad ni Daddy.

Inilibot ko ang mata ko. I can see Azi in his stressed look, si Meg at si Safrina na umiiyak at si Kuya Kevin na tahimik na nakatingin sakin. I was looking for a certain person pero wala. Agad akong napahawak sa tyan ko. Sakto namang paghawak ko ay ang pagbukas ng pinto.

"D-Doc. How's my baby? My baby's okay right?" Bungad ko pagpasok ng doctor.

Those were my first words after waking up. I needed to know how my baby is doing.

He looked at me. His eyes were apologizing. "Im sorry Ms. Padilla but you lost the baby. Im so sorry." Aniya na siyang nagpaguho sa mundo ko.

Tila nabingi ako sa sinabi niya. No. Hindi.

 

Nagunahang magsituluan yung mga luha ko. Masakit ang katawan ko pero hindi ko yun pinansin. Ininda ko lahat ng sakit ng katawan ko dahil higit na masakit ang sinabi ng doctor.

"No! Damn it! Nagsisinungaling ka! My baby's alive. Damn shet! Nandito siya sa tyan ko. Stop lying! Buhay ang baby ko! No! Not my baby! Doc sabihin mo nagsisinungaling ka lang diba?! Doc buhay ang baby ko diba? Hindi siya pwedeng mawala! Siya lang ang meron ako doc! Sabihin mong nagsisinungaling ka lang!" Hysterical na sabi ko.

Umiiyak na si Mommy habang niyayakap ako pero pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya. I even tried standing up but the thing is I cant. Damn it!

Hindi. Hindi totoo yun. Hindi pwede!

Hinawakan ko ang tyan ko. "Damn it! Bakit wala akong maramdaman! Bullshit! Putangina! Nasan ang baby ko?! Buhay siya. Putangina ang baby ko!" Sumisigaw na ko at nagwawala.

"Pampakalma, nurse!" Sigaw ni Doc.

Wala akong ibang marinig kundi yung pagkadurog ng puso ko. Wala akong ibang maramdaman kundi yung sakit. Hindi ko na maramdaman ang kaninang sakit ng katawan ko. Namamanhid ang buong katawan ko. Nanghihina ako. Pakiramdam ko, namatay ako.

Sana nga namatay nalang ako.

 

For the first time in my entire life, I wish I was dead. Because honestly, I was as good as dead.

"Ang baby ko." I said before everything went black.

I didnt know how long was I asleep. Pero pagmulat ko ng mata ko, wala akong maramdamang kahit ano. Parang nawalan ako ng amor sa mundo.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon