Chapter 28 - Taking care of the boss.

27.6K 576 41
                                    

Chapter 28

 

Pagpasok ko kinabukasan ay inulan ako ng papuri. Somehow I felt happy na maraming nakagusto ng pagrampa ko, but I didnt asked for this kind of fame. Ayaw ko neto.

I remember, inis na inis ako noon sa fans ni Azi na pilit nagpapapicture sakin pag makakasalubong nila ako sa corridor. I hated this kind of attention. And I still do now.

Baka maya-maya ay lumabas nalang bigla ang pagkabrat ko sa mga nagpapapicture sakin. Halos 30 minutes na ata ako sa lobby palang dahil sa dami ng gustong magpapicture sakin. Oh goodness!

“Gabby! Pwede papicture?” Pahabol ng isa pa pagsakay ko ng elevator.

Nagpoker face ako. Grabe! Can you just let me have my quiet life back? “Next time.” Malamig na sabi ko sa sobrang inis dahil haggard na haggard na ko sa dami ng nagpapicture.

Pagdating ko sa floor namin ay agad akong binati ng mga kasamahan ko.

“Congrats Gabby! Ang galing mo kagabi.” Ani Julie.

Ngumiti ako sakanya. At sa iba pang kasamahan namin na binati ako along the way. Sa desk ko ay may mga bulaklak. It was a bouquet.

Kinuha ko yun at binasa ang nakasulat sa card.

It says:

Congrats. You nailed your first runway event.

-Drake

 

Napangiti ako sa nabasa ko. Ilang beses na niya kong sinabihan ng congrats kagabi. Nafflatter narin ako sa dami ng compliments na natanggap ko sakanya mula pa nung isang araw. This felt so surreal.

I mean, who wouldve thought na pupurihin ako ng ganun ng CEO ng kompanya na pangarap ko?

Nagdecide ako na magtext nalang sakanya. Magpasalamat sa mga bulaklak.

To: Drake Marco

Thanks sa flowers. I loved it.

Pagpindot ko ng send ay agad na nagtitili si Julie sa likod ko. “Sabi na nga ba hindi lang kayo basta close ni Sir Christian eh. Kayo na pala. Di ka man lang nagsabi.” Sabi niya na para bang nagtatampo.

Marahan ko siyang hinampas sa braso. “Baliw. Hindi noh.”

Tumawa pa siya at kinurot ako sa tigiliran. “Sus. Okay lang yan. Di naman bawal dito sa office yun.”

“So magmomodel ka na talaga Gabby?” Tanong ni Annie. Isa sa kasamahan namin. Mabait din ang isang to.

I shook my head. “Hindi. One time, big time lang. Si Drake kasi mapilit.” Sabi ko naman.

Tumili na naman sila. “Nakakakilig talaga kayo ni Sir!” Sabi pa nila.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon