Chapter 25 - Bullshit!

32.9K 533 91
                                    

Chapter 25

 

Marahan akong natauhan sa pagkakatulala ko sa kalabit ni Julie sa likod ko. Paglingon ko ay nakangisi siya ng malaki. “Kayo ni Sir Christian ah.” Tukso niya sakin.

Ramdam kong umakyat yung lahat ng dugo ko sa mukha ko. Hindi ko naman maikakailang kinilig ako sa ginawa ni Drake. I mean, crush ko yung tao. Naalala ko nung naospital ako ay gwapong-gwapo ako sakanya.

Lalo pa’t iba ang dating ng lalaking nakasuit. Yung lalaking pormal. Its a plus points. Aba kung pogi points lang din ang usapan ay naguumapaw na yung pogi points ni Drake.

Nagstatus ako sa facebook ko. “First day today @ E.”

 

Mabilis na nagcomment ang mga pinsan ko at ang kambal ko. Isama pa si Julian. Pero ang ikinagulat ko ay ang pagcomment ni Drake. I mean, alam ko naman na friends kami sa facebook dahil inadd ko siya noon para mag-thank you sa pagdala niya sakin sa ospital. Pero yung magcomment? Nakakagulat.

Nagyayaya magbar sila Meg mamaya sa SL. Celebration daw para sa first day ko as intern sa E. Since masaya ako dahil itong training, internship or OJT whatever people wanna call it, is a part of my dream ay pumayag ako na magbar kami ngayon.

Buti nalang at pwedeng pangparty ang suot ko ngayon kaya naman doon na ko dederetso sa SL. Nagretouch muna ako bago nagpasyang umalis.

Pagbukas ng elevator ay si Drake lang ang laman noon, nginitian niya ko. Pagpasok ko ay agad kong naamoy ang manly scent niya. Mabango, gwapo, well-driven, smart-looking at full of authority. Damn. Alam kong walang taong perfect pero bakit parang ang perfect ng taong to. Swerte naman ng girlfriend niya.

Speaking, ang usapan sa office ay single daw ito at mukhang wala naman daw sa vocabulary ni Drake ang mangchicks.

“Uwi ka na?” He suddenly broke the silence.

I shook my head. “Lalabas kami ng kapatid at mga pinsan ko. Bar ganun.” Sabi ko sabay ngiti. Siguro ay hindi na niya nabasa yung ibang comments sa status ko kanina kaya hindi niya alam na lalabas kami.

Tumango siya. “Mind if I join you? Parang gusto ko lang lumabas tonight.” Aniya.

Napatingin ako sakanya. Seryoso ba to?!

 

“Uhm. Im serious.” Sabi niya.

Wow. Nakakabasa siya ng utak. Talented!

 

“At hindi ako nakakabasa ng utak.” Aniya sabay medyo napangisi. “You’re saying what’s on your mind quite loudly.”

Nalaglag ang panga ko. Oh god. Sa sobrang kahihiyan ay wala akong ibang nagawa kundi tumango. Nakakahiya!

“Do you have your car? Sabay na tayo papunta sa pupuntahan mo.” Aniya ng nasa lobby na kami. Pinagtitinginan din kami ng ilang empleyado ng E. Malamang Gabby, kasama mo lang naman ang CEO ng pinagttrabahuhan mo.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon