Chapter 26 - Tagaytay.

26.8K 561 55
                                    

Chapter 26

 

Nang medyo kumalma na ko ay nagpasya akong wag muna umuwi. I drove to Tagaytay. I need a break, from everything. Or maybe I just need time alone.

Habang nasa daan ako ay puro malulungkot na kanta ang tumutugtog sa kotse ko. Patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay madedehydrate ako sa dami ng luhang nilabas ko.

Hindi ko alam paano ako nakarating ng safe sa Tagaytay. Basta ang alam ko nalang nasa parking na ko ng Starbucks dito sa Tagaytay.

Umorder ako ng Hot Toffee Nut Latte, pumwesto ako sa labas ng SB. Hindi naman masyadong madaming tao at madami pang upuan sa loob pero mas pinili ko sa labas magstay. Naramdaman ko yung lamig ng Tagaytay pagupo ko palang sa upuan ko. I hugged myself.

Naramdaman ko na naman yung mga luhang nagbabadya. Napayuko ako sa kapeng nasa harap ko.

Ang sakit sakit sa puso nung nakita ko kanina. They’re having sex. No scratch that, they were making love. Damn, making love.

Gustong gusto kong ibangga kanina yung sasakyan ko, baka sakaling magka-amnesia ako at mawala yung scene na yun sa utak ko. Kasi ang sakit eh, paulit ulit nagrereplay sa utak ko yung position nila kanina, yung mga galaw ni Montefalco, yung mga ungol nila, yung buong kaganapan sa kusina ng condo niya.

If I could just remove that scene inside my head. I would.

That’s a big slap on my face. I definitely have to move on now.

Tuluyan na naman akong naluha. I wiped it away. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong alisin sa sistema ko tong nararamdaman ko. Kailangan ko ng kalimutan lahat ng nararamdaman ko para kay Montefalco. Kailangan ko na siyang kalimutan.

This love is unhealthy. Hindi nakakabuti sakin yung pagmamahal ko sakanya. Bukod sa unrequited to, ay wala itong ibang dinulot saki kundi sakit.

Simula nang maamin ko sa sarili ko na mahal ko siya ay walang panahong sumaya ako. Palaging sakit ang nararamdaman ko. Palaging may kasamang luha. Palaging malungkot.

It was like loving him brought me to hell.

“Gabby?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sakin.

Saying I was shocked was an understatement. Anong ginagawa niya dito? Kanina lang ay magkasama kami sa Manila.

“I knew it was you.” Aniya sabay lapag ng kape niya sa tapat ko.

“A-anong ginagawa mo dito Drake? Kala ko umuwi ka na?” Takang tanong ko. Kanina lang ay magkasama kami at ang akala ko ay uuwi na siya dahil naparami din naman ang inom niya.

The hell he’s doing here in Tagaytay? Im sure he’s not here just to have some coffee dahil maraming Starbucks sa Manila.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon