Chapter 15 - Start of something? New?

28K 578 35
                                    

Chapter 15

 

A week had passed at hindi parin ako tinitigilan ni Seb. Kahit na halos isampal ko na sa mukha niya na tapos na tapos na kami at kahit kailan ay hindi na ko makikipagbalikan sakanya ay hindi parin siya tumitigil.

Katulad nalang kanina, pagpasok ko ng room ay nagmistulang flower shop yung room namin. Pinatapon ko yun sa janitor lahat. As in lahat. At ako narin personally ang nagtapon ng card na kasama ng mga yun.

“So totoong ayaw mo na talaga kay Seb?” Tanong ni Meg.

Uminom lang ako ng SB ko. Nakakastress din tong pinsan ko noh? Paulit ulit? “Kung gusto ko pa siya Meg, hindi ko na papahirapan yung sarili ko. Sana nakipagbalikan na ko the moment I saw him standing right in front of me. Wag ka ngang paulit ulit. Isang linggo mo ng unli na tanong yan eh.”

Pumalakpak siya. “Good good.”

I arched my eyebrow. “Dont tell me type mo si Seb? I know I said that I dont love him anymore but he’s still my ex Meg. He’s off limits.” I said in a serious tone. Aba nakakaloko naman kasi bakit ang saya niya ng sabihin kong wala na talaga.

Tumawa siya. “Hindi ako nagpapatawa.” Sabi ko.

Patuloy parin siya. Push! Tawa lang! Pag ikaw naubusan ng hininga ewan ko sayo!

 

Nang mapagod siya at tinignan niya ko ng nagbibiro-ka-ba-look. “Duh. Wag ka ngang magjoke Gabby. Ofcourse not! Hindi ko type si Seb noh.” Aniya.

May training ngayon sila Azi sa basketball kaya eto kami kwentuhan galore sa canteen habang nagiintay si Meg kay Kuya Kevin. Ako naman may ibang inaantay.

“Eh bakit may pa-good good ka pang nalalaman?” I asked her.

She rolled her eyes. “Kasi po, ibig sabihin nakamove on ka na talaga. As in talagang talaga.”

Now its my turn to roll my eyes. “Duh? Sa tingin mo joke lang na nakamove on ako?”

She shook her head. “Eh basta. Pwede ko na ipush ang Gab-squared loveteam ko.” Aniya sabay pumalakpak na naman.

“Gab-what?” Ano daw sabi niya?

 

“Gab-squared. Gab plus Gabby equals Gab-squared. OMG. Kakilig.” Aniya ng nagtwinkle twinkle pa yung mata.

“Stop doing that!” Turo ko sa mata niya na nagbblink. “At ano? Kami na Gab? Hahaha. You must be kidding me Meg. NO. HELL NO.”

She must be fucking kidding me. Gab and I? Pretty next to the word impossible.

Tinaasan niya ko ng kilay. “Asus. Tatanggi pa eh. Ilang araw ka na niyang hatid sundo sainyo. Siya lang ang nakapagpabalik sayo sa panunuod ng chick flicks. At siya din ang bumibili ng lunch mo. Dont tell me hindi mo parin nararamdaman?”

I shook my head. “Hatid sundo niya ko dahil wala akong kasabay, sinunsundo ni Azi si Safrina every day. It was my choice to watch chick flicks again. And trip niya lang yung pagbili ng lunch. Cmon Meg. Dont make a big deal out of it.”

Binatukan niya ko. “Aray! Ano ba!” I hissed.

“Gumising ka nga sa katotohanan. Gusto ka nung tao kaya nageeffort siya sayo. Ang dense neto.” Aniya.

“Seriously?!” I said in a bored tone. “Walang gusto yun sakin. Nageeffort my ass. Madami parin siyang babae, anong parte dun ang may gusto sakin?” Di makapaniwalang sabi ko.

Aba eh kanina lang nakita ko na naman na may kasama siya sa loob ng locker eh. Who knows what they did before I even saw them. Oh god. Kadiri.

 

“Ewan ko sayong babae ka. Ang manhid mo talaga.” Sabi niya pa.

“First of all, imposibleng gusto ako nun ni Montefalco. Im-po-si-ble! Second, I hate him, to guts. So us? Is a no no. Just. No. Third, kung gusto man niya ko, kung ha, kung! Wala akong paki. Eh ano? I dont like him and I’ll never like him. Fourth, ang dami niyang babae. He had her fair share of women. Ayokong mapabilang sa mga babae niya. And the list on why we can never be together goes on and on.” Sabi ko.

Napatingin ako sa phone ko. “Anyways. I have to go. Magkikita kami ni Julian.” Sabi ko sabay ligpit ng gamit ko.

“Julian again? I thought he’s old news.” Ani Meg.

I just winked at her and turned my feet to leave. Halos mapanganga ako ng nasa harapan ko na si Montefalco. Kanina pa kaya siya nandun? Narinig niya kaya?

 

Oh well. Not that I care.

Nilagpasan ko nalang siya.

And for a moment, I felt incomplete. Parang may kulang.

Hindi niya ko pinigilan sa pakikipagkita kay Julian. Ni-hindi niya ko tinignan ng masama. He looked at me like Im nothing.

Walang “Makikipagkita ka na naman kay Julian, brat.” O di kaya “Lumayo ka na nga sabi sa lalaking yun! Brat ka talaga!”

 

Oh god. What is happening to me? I shook my head and shooed my thoughts away.

Keep your shits together Gabby!

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon