Chapter 2 - Life of the party.

52K 724 23
                                    

Chapter 2

Nandito kami ngayon sa tapat ng SL bar. Madalas kami dito since Mommy ni Gab or something like that ang may-ari ng bar na to. Kaya kahit noong high school pa man ay laman ng kami ng bar.

One thing about us is when we party, we party hard. Hindi mahigpit si Mommy at si Daddy samin ni Kuya as long as kaming magpipinsan ang magkakasama.

Kaya naman noon pa man ay sagana na ang night life namin.

Agad kaming nagpunta sa VIP area. This one's always reserved. Para pag gusto naming magparty ay dito agad kami pupunta. And tonight, we will celebrate their victory.

Yeah. Victory. Sa practice game.

If I know. Nagisip lang tong mga to ng event para makapagparty ngayon.

"Para sa pagkapanalo ng Team kanina!" Sigaw ni Kuya Kevs. Sabay sabay kaming nagtaas ng shotglass namin at sabay sabay nilagok ang shot ng vodka.

"Para sa Team!" Sigaw naman ni Montefalco.

"Para sa practice game nila." Sabi ko pagkababa ko ng shotglass ko sa lamesa.

"Basag trip ka Gabby." Natatawang sabi ni Meg.

I spotted a hot guy in the counter. Hmm. Uminom uli ako ng isa pang shot at nagpaalam sakanila.

"Be right back guys." Sabi ko sabay kindat.

"Chill lang ha kambal." Sabi ni Azi sabay smirk. Kilalang kilala talaga ko ng kambal ko. Alam niyang may naspottan akong hot kaya lalarga muna ko.

Umupo ako sa tabing stool nung guy. He looked at me for a split second bago niya ibalik yung tingin niya dun sa bote ng beer niya.

Aba. Inisnob ang beauty ko. That's a first.

"Alone?" I asked out of nowhere. Napatingin siya sakin.

"Ako ba kinakausap mo?" Aniya.

"Ay hindi. Actually yung bote ng alak mo. Friends kasi kami." I said sarcastically.

That made me earn a laugh from him. "Im Julian. You are?"

Now, thats what Im talking about.

"Sandy." Sabi ko.

Rules of flirting:

Rule number 1: Never say your real name to a stranger.

"Sandy huh. A very beautiful name for a beautiful lady." Sabi niya. "Can I buy you a drink?"

"Beer in can will do." I told him and showed my sexiest smile.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon