Chapter 29 - Suffocating.

26.8K 568 61
                                    

Chapter 29

 

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay naramdaman kong medyo gumalaw si Drake. I didnt bother opening my eyes dahil inaantok pa talaga ako. Siguro naman ay hindi niya mamasamain na tumabi ako sakanya at niyakap ko siya.

Medyo naiinitan ako, naka-long sleeves na see thru polo ako at black shorts. I unbutton a couple of buttons sa polo ko. Hindi nga pala ako nagbukas ng aircon dahil nanginginig si Drake.

I was in the middle of my dream ng makarinig ako ng doorbell. Naramdaman ko si Drake na bumangon. Ilang minuto nang mapagtanto kong may sakit nga pala ang isang yun.

Tumayo ako at nakarinig ako ng mga boses sa labas.

“Tinatanong lang ni Mamita kung bakit daw wala ka ngayon sa E.” Ani ng isang boses. Medyo antok pa talaga ko kaya hindi ko malaman kung kaninong boses yun.

“I’ll just call her.” Boses yun ni Drake na medyo namamaos pa. Kahit na pang may sakit ang boses niya ay nagtunog bedroom voice yun.

Lumabas ako ng kwarto ni Drake. Nakita kong topless siya at nakaboxers lang. Aba lokong to! Nilalagnat na nga’t lahat nagawa pang magtopless.

“Drake?” I called him. Natatakpan kung sino yung kausap niya kaya hindi ko makita. “Sino yan?”

Gumilid siya at nakita ko agad ang pandidilim ng mukha ni Montefalco. “Siya lang pala. Istorbo.” Bulong ko. Lumapit ako at hinawakan sa braso si Drake. Mainit parin siya.“May kailangan ka pa ba?” Malamig na sabi ko kay Montefalco.

He clenched his jaw. “Anong ginagawa mo dito?” Aniya. Seryoso at may diin ang bawat salitang binibitawan niya. Kung titignan mo siya ay nakakatakot ang aura niya ngayon. But then, Im Athena Gabrielle Padilla, I was never afraid of him.

Napataas ang kilay ko. “The hell you care?” Inis na tanong ko. Istorbo! Ang sarap ng tulog ko kanina eh. “Kung wala ka ng kailangan kay Drake, pwede ka na sigurong umalis?”

“Pinapaalis mo ko sa condo unit ng sarili kong pinsan?” Galit na tanong niya.

Lalong tumaas ang kilay ko. “Obviously!” I hissed. “Natutulog kami ng payapa kanina. You could’ve just texted him kung itatanong mo lang naman pala kung bakit hindi siya pumasok.”

Nakita kong naging uneven ang paghinga niya. Ilang beses din siyang lumunok dahil nakita ko ang galaw ng Adam’s apple niya. He sighed. “I better go.” Aniya.

Inalalayan ko pabalik ng kama si Drake. Mataas parin ang lagnat niya. Ginawa ko naman na yung mga nakalagay sa net kanina pero bakit hindi parin bumababa yung lagnat niya.

Pinunasan ko ulit siya.

“That w-was rude.” Aniya sabay ngisi. “A-aso’t pusa talaga kayo nun ni Gab noh.” Aniya pa.

Napangiwi ako. Aso’t pusa? “Nah. He’s just really getting into my nerves sometimes.” And my heart. Damn it. Basta basta nalang pumasok sa puso ko, tapos sasaktan lang pa ako.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon