Chapter 37 - Huli na to.

27K 594 80
                                    

Chapter 37

(Song for this chapterrrr) 

Bukas na ang alis namin ni Drake. Isang linggo na ang nakalipas mula nang sabihin kong gusto kong sumama sakanya sa New York. Isang linggo na at nandito parin ako sa ospital dahil sa paa ko.

Bukas na daw ako lalabas ng ospital at dederetso na ko sa airport. Sila Mommy na ang nagayos ng mga gamit na dadalhin ko sa NY.

At first, ayaw nilang pumayag. Aniya ay kakagaling ko lang sa matinding aksidente at sa pagkawala ng baby ko, kaya mas mabuting kasama ko muna sila. But I told them I need to heal, yung malayo dito. Napapayag ko sila. Sabi ko ay pwede namang dalawin nila ko doon anytime na gusto nila.

“Azi.” I called my twin brother.

Lumapit siya sa kama ko. “What is it? May gusto ka bang kainin?” Aniya.

“Can I ask you a favor?” Sabi ko sakanya.

He nodded. “Anything you want, By. Ano ba yun?”

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. “I want to talk to Montefalco.” I said. Alam kong galit na galit si Azi kay Gab. I heard him one time nung kausap niya si Meg at Kuya Kevin. He would kill Gab if he can.

Dumilim ang mukha niya. “Anything but that.”

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa kama. “Kuya please. I need this.” Sabi ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Kailangan ko siyang makausap bago ako umalis. Kailangan ko ng closure ko. Wala naman talagang naging kami dahil sila pa ni Angel, but I felt like I need a closure. I deserve one.

Niyakap niya ko. “Okay.”

That afternoon, umalis si Azi. Sabi niya tinawagan niya si Montefalco para makipagusap sakin pero kailangan niyang umalis dahil baka mapatay niya to kung magkikita sila. Drake stayed with me though.

“He’s here.” Ani Drake pagpasok niya ng kwarto ko.

“Pwede mo ba kong dalhin sa garden? Gusto ko doon makipagusap.” I asked Drake. I dont know why but I just wanted to go there. Somewhere na makakahinga ako ng maluwag. Feeling ko kung dito ko siya kakausapin ay ma-su-suffocate ako.

Binuhat niya ko at iniupo sa wheelchair sa tabi ng kama ko. Tapos ay tinulak niya ito palabas ng kwarto ko. Naaninag ko si Montefalco sa labas ng kwarto ko. Sinenyasan siya ni Drake na sumunod samin.

He looked different. Parang ilang araw ng walang tulog. Parang stressed. Parang pasan niya ang mundo.

Nang makarating kami sa garden ay inihinto ako ni Drake sa tabi ng isang bench. Binuhat niya uli ako at inupo sa bench. I smiled at him. Alam niya na yun. I wanted to talk to Gab alone. Umalis muna si Drake.

My Little BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon