36. Her Identity

57.9K 3.1K 608
                                    

NANATILING tahimik ang paligid at wala man lang sumagot o nag-react. Muling humampas sa amin ang isang malakas na hangin mula sa bukas na bintana. Sumasabay ang kurtina sa paggalaw ng hangin.

Seryoso . . . Ang hilig ni Zail sa surprises, 'no?

Hindi pa nga pinoproseso ng utak ko 'yong sinabi niyang magkapatid kami, 'tapos ngayon sasabihin niya na heiress ako ni Cronus?

"What—?" naguguluhang sambit ni Risca. Katulad ko ay kaming dalawa lang yata rito ang hindi makahabol sa usapan nila.

"My sister is an heiress of Cronus. Kaya siya ngayon ang target ng Trejon," deretsong sagot ni Zail.

Unti-unting nag-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya. My jaw dropped in disbelief. Ngayon ay nasagot na ang ilan sa mga katanungan ko mula nang mapunta ako sa academy. Iyon ang dahilan kung bakit nila ako gustong kunin.

"Isa pa sa mga tungkulin ko na mauna kang mahanap kaysa sa Trejon," muling sambit ni Zail.

Tila naalala ko ang una naming pagkikita. Sa likod ng bakuran ng bahay namin . . .

That night . . . I saw him . . .

"I thought I've found you first. Balak ko na sanang umalis sa Trejon para sabihin lahat ng nalaman ko sa Nocturne Academy pero nagkamali ako. Trejon guild found you first, kaya wala akong choice. Mas pinili kong mag-stay para mabantayan ang guild kaysa sabihin sa academy ang mga impormasyon na nakalap ko." Pagpapaliwanag niya.

"Pero hindi mo kailangang pasanin ang lahat ng hirap sa likod mo, Zail. You should've asked us for help. Natulungan ka sana naming mahanap nang mas maaga ang kapatid mo," sambit ni Aqua. Napalingon kami sa kaniya. Nakayuko ito. I know she's crying.

Before I knew it, Zail appeared in front of her, giving her a tight hug. "I'm here now, Aqua. Hindi na ako aalis."

ANG daming nangyari ngayong araw. Hindi ko pa rin magawang makapaniwala sa iba.

I needed some fresh air. Nandito ako sa rooftop ng inn habang nagpapahinga na ang iba. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang lahat ng mga nangyari ngayon. Nakasilong ako sa maliit na deck habang nakatingin sa dalawang bilog na buwan. Tanging ang tunog lamang ng nagsisibagsakan na ulan ang nagsisilbing ingay.

I heaved a sigh. I still can't believe it.

I'm Zail's sister, and I inherited Cronus, the time god's gift.

"Can't sleep?"

I was startled when someone suddenly appeared beside me. Sumalubong sa akin ang mapang-asar na ngiti ni Zail.

"Hays! Bakit ka ba sulpot nang sulpot bigla!" giit ko.

Isang tawa ang ipinakita ng lalaking katabi ko. "You can't blame me, I'm Dolos' heir. And my gift is teleportation," aniya.

Napataas ang dalawa kong kilay sa narinig. So that is the reason!

Humarap ako sa direksiyon niya at umangat ang tingin ko sa kaniya. "Do you know what my gift is?" marahang tanong ko rito.

I mean, he knows that I'm an heiress of Cronus, right?

Pilit na ngumiti si Zail bago umiling sa tanong ko. "I'm sorry, I don't know it," nadidismaya niyang sagot. Bakas ang pagkadismaya sa mukha ko bago muling ibinalik ang tingin ko sa buwan. "Walang nabanggit sa akin si Papa," dagdag niya.

Zail immediately caught my attention. Dahan-dahan akong muling napatingin sa kaniya habang nasa buwan ang atensyon niya.

"Puwede mo bang sabihin sa akin ang lahat? Bakit hindi ko alam na may kapatid ako? Bakit hindi ko alam na gifted ako? Bakit walang sinabi sa akin tungkol sa mga magulang ko?"

Napasulyap siya sa akin na sinundan ng tawa dahil sa sunod-sunod na tanong ko. "Isa-isa lang." Zail chuckled.

Bumuga siya ng hangin bago siya humarap sa akin at umayos ng upo. He sat in an angel sit position.

"Well, simulan natin sa umpisa." Kumurba ang isang ngiti sa labi ni Zail. His mouth twitched and his nose crinkled when he started reminiscing the past.

I can't help but admire the way he acts. It's our first time talking alone, but I feel so comfortable being with him.

"I don't clearly remember dahil bata pa ako. Pero ang alam ko lang, sobrang saya ko noong malaman ko na magkakaroon ako ng kapatid," panimula niya. "Sigurado kaming makukuha mo ang gift ni Mama dahil nakuha ko ang kay Papa."

Zail's eyes sparked with excitement. Ngunit agad rin itong naglaho bigla. Nalipat ang tingin niya sa dalawang buwan.

"But of course, masyadong mabilis natapos ang kasiyahan. Naghiwalay sina Mama at Papa." Nawala ang ngiti ni Zail. "Sabi ni Papa na kailangan daw 'yon para daw sa 'yo. Madaling malalaman ang existence mo kapag nagsama sila. No'ng una ay hindi ko pa masyadong naiintindihan 'yon, pero ngayon ay alam ko na."

Kumirot ang puso ko sa narinig. I bit my lower lip and looked in the opposite direction. So, dahil sa akin kaya nasira ang pamilya namin?

"Nagawa naming magpatuloy ni Papa. Pero after 7 years ay nabalitaan naming namatay si Mama. Our father didn't believe that it was just an accident . . . kaya sobra siyang nagtanim ng galit noon." Kita ko ang pagbaba ng tingin ni Zail. "Nagbalak kaming kunin ka. Pero nang makita ni Papa na may kumuha na sa 'yo ay naisip niyang mas mabuti 'yon. Mas ligtas ka kung mabubuhay kang normal at walang-alam."

Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kaniya. So that was the reason kung bakit wala sa aking sinabi si Tito Alejo. Sinabi niya lamang sa akin na aksidente ang naging dahilan ng pagkamatay si Mama no'ng bata pa lamang ako.

"5 years later ay ipinasok ako ni Papa sa academy. I was just a rookie back then, a 16 year old boy na ang alam lang ay mga joke. Doon ko rin nakilala sina Aqua at Keon," kuwento pa niya. Muling bumalik ang ngiti ni Zail.

"But after a year, nabalitaan ko na wala na si Papa. Alam kong sinubukan niyang ipaghiganti si Mama . . . pero he failed." He paused for a moment. "Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita. Ako ang magpoprotekta sa 'yo. Kaya no'ng sinabi sa akin ang tungkol sa misyon, na puwede kang mahanap, hindi na 'ko nagdalawang-isip na pumayag."

Muli akong tinapunan ng tingin ni Zail. "Tingnan mo ngayon, kasama na kita." He flashed a smile and gave me a reassuring look. Kumikislap ang mga mata ni Zail na tinatamaan ng sinag ng dalawang buwan. Doon ko naramdaman ang paglambot ng puso ko. I kept fighting back my tears.

"P-Pero kung hindi sana ako ipinanganak, buo pa rin sana ang pamilya mo—"

Natigilan ako nang makaramdam ako ng isang pitik sa noo ko. "Jeez, you're my little sister. Hindi mo alam kung gaano kasaya ang pamilya namin nang dumating ka," natatawang sambit niya.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. "C-Can I hug you—"

Hindi na niya ako hinayaang makatapos nang marahan niya 'kong niyakap. Nakaikot ang isa niyang kamay sa likod ko habang nakasuporta ang isa sa ulo ko.

"I love you, sis. Nandito ako kahit ano'ng mangyari."

I bit my lower lip to prevent myself from crying as I hugged him back. Iba pala ang pakiramdam kapag niyakap ka ng kapatid mo. The same as my mom's. Ang tagal ko nang hindi naramdaman ang mga yakap ni Mama nang mamatay ito.

Pero ngayon na nalaman kong may kapatid ako, hinding-hindi ko na hahayaan pang mawala siya sa akin.

Desididong humigpit ang pagkakasara ng kamao ko sa likod ni Zail. I promise that I'll get stronger. Iyong hindi na ako ang kailangan pang protektahan.

This time, I'll protect them.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon