42. Change of Plans

57.6K 2.8K 235
                                    

THE moonlight was the only light in the room. Pumapasok ang malamig na hangin sa malalaking mga bintana. Agad kaming nagtipon-tipon sa harap ng guild. Kyera is also here together with her teammates.

"Buwisit talaga 'yong siraulong 'yon!" iritadong sambit ni Kyera.

Mariin siyang napakagat sa kuko niya sa hinlalaki habang nakakunot ang noo. Kahit si Aqua ay bakas sa mukha ang pag-aalala at pagkairita.

I bit my lower lip out of frustration. Nakakainis talaga 'yong kupal na 'yon! Hindi ko inakala na no'ng sinabi niyang ililigtas niya si Zail ay ibig sabihin niya na pupunta siya sa Trejon guild mag-isa!

"Wala pa si Xilah, we can't go—"

"We can't leave him alone!"

Natigilan si Jester sa sinabi ko. Nangungusap ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.

Alam kong tama siya, pero hindi namin puwedeng pabayaan lamang si Helix . . . he's one of us!

"Tsk, ano ba ang balak ng g*gong 'yon?" komento ni Alvis. Kahit mukha itong kalmado ngayon ay alam kong nag-aalala rin ito kay Helix.

"He probably thinks he can handle it alone. He's planning to destroy the pillars and save Zail," sagot ni Taliyah.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. "H-He already mastered using the white flames?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Isang tango ang isinagot ni Taliyah sa tanong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ibabang uniporme ko. That jerk! Masyado na naman niyang pinapairal ang kayabangan niya!

"W-We can't wait here! We need to—"

Maglalakad na dapat ako paalis nang agad akong pigilan ni King. "We can't go, Cleofa. Delikado, siguradong trap lang ito," pigil niya.

I was taken aback by his answer. Bumalik na naman ang pagkainis ko kay King. Paano niya nagagawang sabihin 'yon?

"I thought you're different," walang kaemo-emosyong sambit ko. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Walang-ekspresyon kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Paano ko magagawang maghintay rito kung alam kong may magagawa ako?!"

"You can't save them, Cleofa!"

I flinched when King shouted. He has a serious expression, trying not to make our eyes meet. Ngayon ko lang siya narinig sumigaw. Kusang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko nagawang makasagot. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan nang basagin uli ito ni King.

"You can't save them on your own . . ."

Nabigla ako sa sunod na sinabi niya. Nang tingnan ko si King ay agad kumurba ang isang ngiti sa labi niya at nagtama ang mga tingin namin.

"We'll go with you," nakangiting sambit niya.

Nawala ang mabigat na tensyon at pakiramdam na nararamdaman ko. Mabilis na lumambot ang puso ko sa narinig. Naramdaman kong tutulo na naman ang luha ko.

"B-But, King—" pag-aalangan ni Kyera.

"Change of plans," pagsingit niya. "Kyera, stay here. Abangan mo sina Xilah," sambit ni King kay Kyera na agad na ikinabigla nito.

Kumunot ang noo ni Kyera sa amin. "Seryoso talaga kayong pupunta kayo roon?" hindi makapaniwalang tanong niya sa desisyon namin.

Hindi kami sumagot at tinapunan lang namin siya ng tingin. The silence was enough to show our answer. Napabuntonghininga na lang siya nang makitang buo na ang desisyon namin.

"We really just can't leave that rookie alone, huh?" sagot ni Kyera sa sarili niya.

I flashed a smile. Yup, we just can't leave that jerk alone.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon