52. Change

54.7K 2.6K 267
                                    

NATIGILAN ang lalaking kaharap ko sa nangyari. Nag-panic si Helix sa inasal ko. I mean, bigla na lamang akong umiyak at niyakap siya. Nandito kami ngayon sa gubat kung saan namin pinaplano ang pagpasok sa Trejon guild.

"H-Hoy, ano ba—"

Nang sinubukan akong hawakan ni King ay siya naman agad ang niyakap ko. Mas lalo silang nabigla at nagtaka sa inasal ko.

"H-Hoy, King, bitiwan mo nga 'yang baliw na 'yan!" sambit ni Helix.

King didn't know what to do. Hindi ko mapigilang matawa sa reaksiyon niya. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at inalis ang pagkakayakap sa kaniya.

"I'm sorry, may naalala lang ako," pagdadahilan ko.

Kapwa nakakunot ang mga noo nila. Mas lalo silang naguluhan sa sinabi ko.

"Okay ka lang ba?" King asked.

I just smiled and nodded. "Sobrang okay!"

"Weirdo," komento ni Risca.

"Nasiraan na," dagdag ni Alvis.

I chuckled when I heard them. Hindi ko lang maitago ang saya ko nang makita uli sila.

Napabuntonghininga na lamang si King at napailing. "Hays, akala ko kung ano."

Muli akong napangiti sa sinabi niya. Tiningnan ko ang kabuoan ng mga kasama ko at parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya dahil kompleto na uli kami.

This time . . . I'll protect you . . .

"Psst, baliw. Okay ka lang?" bulong sa akin ni Helix nang huminahon na ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni Helix sa braso ko. Pasimple itong tumabi sa akin. I suddenly felt my cheeks turning red. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Ito na naman . . . Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko . . .

"T-Tsk, natural," sagot ko rito.

Helix clicked his tongue. "Sus, mas gusto kong gano'n ka. Bigla-biglang nangyayakap amp," nakangising sambit niya.

Kasabay ng pagtawa ni Helix ay ang muling pag-iinit ng pisngi ko. I immediately bit my lower lip. Parang maiiyak uli ako. Sobra kong na-miss ang tawa niya. Pati na rin ang pang-aasar niya sa akin.

"So, okay na ba? Pag-usapan na natin ang plano—"

"I have a plan," pagsingit ko.

Hindi na naituloy ni Taliyah ang sasabihin niya nang agad akong sumingit dito.

"Please, just trust me. I have a plan," muling sambit ko.

Huminga ako nang malalim at desididong tumingin sa kanila. Bakas ang pagtataka sa mga itsura nila. Napabuntonghininga na lamang si Aqua.

"You heard her. Ano'ng plano?" nakangiting sambit niya sa akin.

I was taken aback by her answer. Naramdaman ko ang paglambot ng puso ko nang magtama ang mga tingin namin. Mula nang mawala sina King ay ngayon ko na lang uli nakitang ngumiti si Aqua.

"Oo nga, sabihin mo na. Siguraduhin mong maayos 'yan, ah," giit ni Risca.

I flashed a smile and nodded.

I told them my plan. Alam kong nawiwirduhan sila sa akin. Pero dapat nila akong pagkatiwalaan ngayon. Sisiguraduhin kong perpekto ang plano ko. Kompleto kaming makakabalik sa academy at walang mawawala sa amin.

Hindi ko na hahayaang umiyak muli si Aqua, ang pagiging wala sa sarili ni Risca, at ang paninisi rin ni Alvis sa sarili niya.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon