32. Trejon

56.7K 2.8K 325
                                    

TAHIMIK kaming pumasok ni Kyera sa guild. Gamit ang gift niya ay pinapakiramdaman niya ang mga tao sa guild upang hindi kami mahuli. Her ears are like the ears of a bat, while her feet are the same as a spider's. Her nose is also the same as a bear's. Habang naglalakad ay nabigla ako nang napahawak bigla sa tainga niya si Kyera.

"Sh*t! Ang ingay ng kasama mo!" mahina pero iritadong sambit niya.

Kahit hindi niya sabihin kung sino 'yon ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Sa dalawang kasama ko na maingay ay imposibleng si Alvis 'yon. Natural ang mokong na si Helix ang nag-iingay na 'yon.

"Nando'n sila."

Itinuro ni Kyera ang isang pasilyo na agad naman naming pinuntahan. Bumungad sa amin ang isang pintuan pagdaan namin sa pasilyo. Kahit hindi pa namin sinisilip sa loob ay naririnig ko na ang boses ni Helix.

"Ano?! Mahihina! Hindi n'yo 'ko kaya!" sigaw ni Helix sa loob.

He continued shouting inside, not even scared of what might happen to him. Napaismid na lamang ako sa inasal niya.

"Cleofa." Napatingin ako kay Kyera nang tinawag niya ako. Itinuro niya ang itaas ng pintuan kung saan may maliit na bintana.

Alam ko na ang gusto niyang sabihin kaya naghanap na ako ng matutuntungan. Sakto namang may mga karton sa gilid kaya kinuha na namin 'yon para makapatong. Nang makasilip sa bintana ay doon na namin nakita ang mga kasama namin.

"Iyong lalaking 'yon," sambit ni Kyera.

Napunta ang tingin ko sa itinuro niya. My eyes widened when I saw a familiar face inside, together with Helix and the others. Doon ko nakita si Lucho at dalawa pang lalaki ang nagbabantay sa loob, ang lalaking nakalaban ni Kyera kanina.

Nakatali sa upuan sina Helix, Alvis at ang mga kasama ni Kyera. Tanging apat na pader at apat na pinto kada sulok lang ang makikita, walang kahit anong bintana. Walang ibang gamit sa loob at tanging ang mga upuan lamang kung nasaan ang mga kasama namin.

"O, ano? Ha! Mga duwag! Labanan n'yo ako nang patas!" muling giit ni Helix.

Pinagtitinginan siya ng mga kasama niya sa loob. Bakas na sa mukha ni Lucho ang pagkairita rito. Kahit siguro ako ay maiirita sa ingay niya.

"Ano ba'ng meron ngayong araw at puro nakakairitang gifted ang nakikita ko?" sambit ni Lucho.

Kumunot ang noo ni Kyera sa sinabi niya. Siya lang naman ang nakaharap ni Lucho kanina kaya malamang siya ang tinutukoy nito.

"Hulaan ko. Natalo ka rin ng gifted na nakita mo kanina, 'no? Mahina ka kasi!" natatawang sambit ni Helix.

That's it, Helix touched a nerve. Mukhang hindi nagustuhan ni Lucho ang sinabi niya at mabilis na nagbago ang ekspresyon nito. His eyes turned orange. Bigla itong sumugod kay Helix.

Balak ko na sanang pumasok sa loob nang pigilan ako ni Kyera.

"K-Kyera— "

"Sshh!"

Kumunot ang noo ko kay Kyera na nanatiling nakatingin kina Helix. "Look," aniya.

Nang bumalik ang tingin ko sa loob ay wala na sa pagkakatali si Helix na ipinagtaka ko. Bagkus ay iniinat na nito ang mga braso niya. He loosened his necktie with a smirk on his face.

"Subukan natin ang yabang mo," nakangising sambit ni Lucho.

Naglabas ng syringe si Lucho at walang pag-aalinlangan niya itong itinurok sa leeg ni Helix.

"W-What— "

Namilog ang mga mata ni Helix sa nangyari. Agad siyang napahawak sa leeg niyang tinurukan.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon