30. Consequences

54.5K 3K 243
                                    

I CAN feel the raindrops touching my skin. At the same time, the cold breeze of the wind is hitting me. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Akay-akay ko ngayon si Kyera habang nakasakay kami sa puting lobo.

Malayo-layo na kami sa guild ngayon. Kung totoo ngang kay Zail 'tong familiar na 'to, kung totoo ngang pumanig na siya sa Trejon . . . bakit niya pa kami tinutulungan?

"Y-You're really stupid, Cleofa. S-Sino'ng taong sasakay sa lobong ngayon niya lang nakita?" She faked a chuckle. Kahit nanghihina na si Kyera ay nagawa pa rin nitong mang-asar.

Dahil sa katangahan kong ito ay maililigtas kami. Paniguradong hinahanap pa rin kami ng mga taga-Trejon. Kung hindi kami sasakay sa lobong ito ay hindi kami makakatakas. Hindi ko maigalaw nang maayos ang paa ko dahil masakit pa rin ito at walang-tigil sa pagdurugo. Samantalang nanghihina na si Kyera dahil maraming dugo na ang nawala sa kaniya.

We should just stick with it.

Isa pa sa palaisipan ko kung bakit hindi magamit ni Kyera ang gift niya. Dahil ba 'to sa bala na tumama sa kaniya? O sadyang hindi na niya lang talaga kayang gamitin ang gift niya dahil nanghihina na siya?

Pero imposible! Magagamit niya pa rin ang gift niya kahit—

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang lumabo ang paningin ko.

I suddenly felt dizzy and couldn't see the path clearly. Huli ko na lang naramdaman ang pagbagal ng takbo ng lobo at ang pagbagsak namin ni Kyera sa lupa.

₪₪₪₪₪₪₪₪

"CLEOFA! Cleofa!"

Nakaramdam ako ng pagyugyog sa akin. "Cleofa sabi!"

Mariin akong napapikit. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay ang nag-aalalang mukha ni Risca ang bumungad sa akin. "T-Thank God—jeez!" aniya.

Matapos mawala ang kaba ni Risca ay bigla na lamang ako nitong hinampas.

"A-Aray!"

"Cleofa!"

Napunta ang tingin ko sa babaeng tumawag sa akin. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Eva.

"I-I'm sorry!" She started sobbing.

I sighed as I held her back. Napangiti na lang ako sa reaksiyon niya. Nang inilibot ko ang paningin ko ay nasa likod kami ng inn.

Paano kami napunta rito?

Natauhan ako nang sumagi sa isip ko ang mga nangyari. Agad kong hinanap sa paligid si Kyera at nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ito na akay-akay ni King.

But there was no trace of a white wolf that took us here . . .

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Eva.

Tumango ako sa tanong niya at sinubukan kong tumayo, pero nabigo ako nang nakaramdam ako ng kirot sa paa. Ngayon ko lang naalala na nagdurugo pala ang binti ko.

"Hay nako—"

Tutulungan na dapat akong tumayo ni Risca nang may bigla na lang nag-angat sa akin at inakay ako.

"A-Aqua," bulong ko.

Hindi ito sumagot sa akin at dere-deretso itong naglakad papunta sa kuwarto namin. Mariin akong napakagat sa ibabang labi nang makita ko ang seryosong ekspresyon niya.

She's really mad.

Nang makarating kami sa kuwarto namin ay bumungad sa akin ang isang lalaki. Kapansin-pansin ang naka-undercut niyang buhok na kulay itim at ang metal na kuwintas na nakasabit sa leeg niya. Sa pagkakaalala ko ay isa siya sa mga kasama ni Kyera.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)On viuen les histories. Descobreix ara