48. Sacrifices

49.8K 2.7K 614
                                    

MY expression became blank. Hindi inaasahan ni Tito Alejo ang ginawa ko. Sinubukan pa nitong hawakan ang kamay ko upang alisin ang pagkakabaon nito sa dibdib niya, pero sadyang nakabaon na ito at wala na siyang nagawa.

"I loved you, Tito. Itinuring kitang ama." Walang-buhay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Sa kabila ng lahat . . .

Siya pa rin ang tumayong magulang ko . . .

Siya pa rin ang nagpalaki sa akin . . .

Ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang magulang. Kahit sabihin na ginawa niya lamang 'yon para sa gift ko ay hindi maipagkakaila na siya pa rin ang bumuhay sa akin. Ipinaranas niya sa akin ang isang buhay na sobra-sobra para sa akin. Ang isang maganda at marangyang buhay. Ni isang beses sa buong buhay ko ay hindi ko naranasang magutom.

I have everything I wanted.

Ibinigay niya sa akin ang mga bagay na sobra-sobra pa sa kailangan ko. Ni hindi ko man lang naisip o naramdaman ang pagkukulang ng pagmamahal ng mga magulang ko sa akin dahil sa kaniya. Nanatili siyang nasa tabi ko parati.

Hindi ko maisip kung paano kaya kung nakontento na lamang si Tito Alejo sa kung ano'ng mayroon siya? Sa gift niya?

Hindi sana kailangang umabot sa ganito. Sana iisang pamilya pa rin kami. Sana magkakasama pa rin kami nina Mama at Papa, pati na rin ni Zail. Hindi sana nangyayari 'to.

I bit my lower lip as I sobbed. "Thank you for everything. I don't think I will still forgive you after everything you've done. Pero hindi ko ipagkakait ang pasasalamat ko sa 'yo."

Sa huling sandali ay nagawang ngumiti sa akin ni Tito. Isang ngiti na walang bakas ng galit o pagkainggit. Isang ngiti ng isang ama sa kaniyang anak. Naramdaman ko ang marahang paghawak niya sa kamay ko sa huling pagkakataon.

Mariin akong napapikit at naiyak uli dahil sa ginawa niya. Punong-puno ako ng mga sana ngayon. Pero alam ko na sa kabila ng galit niya sa mama ko . . . sa loob ng ilang taong pagpapalaki niya sa akin . . . alam kong hindi peke ang pagmamahal na ipinakita at ipinadama niya sa akin.

Dahil ramdam ko 'yon. Kahit pa hindi niya ako tunay na anak ay naramdaman ko 'yon.

Thank you for everything.

Kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Tito Alejo ay narinig ko ang isang pagsabog sa isa sa mga parte ng guild. I suddenly felt a tremble.

It immediately caught my attention. Agad na nalipat ang tingin ko sa lalaking nasa gitna ng silid. Punas-punas ko ang mga luha ko nang nilapitan ko si Zail upang tanggalin ang pagkakatali sa kaniya.

"C-Cleofa—"

"S-Sshh, Kuya, hang on, okay? M-Makakaalis tayo rito."

Nagmamadali at nanginginig kong tinanggal ang taling nakatali sa kaniya. Nang matanggal ko ang pagkakatali niya ay agad ko siyang isinakay kay Bacon.

"Hurry!"

Agad akong sinunod ni Bacon at mabilis na tumakbo paalis ng silid. Dumaan kami sa dinaanan namin kanina at naabutan ko si Risca na sugatan.

Pinahinto ko si Bacon at ibinaba si Zail. "R-Risca, p-please heal my brother, please—"

Agad akong pinakalma ni Risca. Sa kabila ng mga sugat niya at ng mga pagsabog ay nagawa pa rin niyang ngumiti. "Leave it to me, Cleofa," sambit niya. Napunta sa isang bula si Zail. "Ilalabas ko muna siya rito. Puntahan mo na si Helix," dagdag niya.

Isang desididong tango ang sinagot ko sa kaniya at sumakay uli ako kay Bacon. "Mag-iingat kayo. Susunod kami ni Helix," sambit ko.

Tanging pagsunod na lang ng tingin ang nagawa ni Risca nang nagmamadali kaming umalis. Mabilis kong pinapunta si Bacon sa silid na kinaroroonan ni Helix. May mga sementong nahuhulog sa amin dulot ng sunod-sunod na pagsabog pero nagawa pa rin naming iwasan ito.

I can feel my heartbeat pounding so fast. Unti-unting humigpit ang pagkahahawak ko sa cerberus habang tumatakbo ito.

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa silid kung nasaan si Helix. Sumalubong sa akin ang sira-sirang mga pader at nag-aapoy ang ibang parte ng silid. Nanlumo ako nang maabutan siyang nasa sahig. Kumalat na ang lason sa buong katawan niya.

"H-Helix!"

Agad ko siyang nilapitan. Hindi ko na makontrol ang sarili ko at sobra na akong nagpa-panic. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko.

I don't know if I should touch him or not. Nagsisimulang mablangko ang isipan ko.

"H-Hindi ba sabi ko sa 'yo, pangit ka kapag umiiyak?" natatawang sambit ng lalaking kaharap ko. Nagawa pa niyang punasan ang luha ko sa kabila ng panghihina niya.

Mas lalo akong naluha sa sinabi niya. Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang nanginginig ang mga kamay. "W-Wait lang, ha? Aalis tayo rito. 'Wag kang pipikit—"

Akmang bubuhatin ko na si Helix nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "A-Ano ba, Helix? Aalis na tayo—"

"N-Nah, mas gusto kong hawak 'yong kamay mo."

Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Kasabay nito ang panginginig ng buong katawan ko. I bit my lower lip as I kept insisting on taking him outside.

"Mas gusto ko rito . . . walang aabala sa 'tin."

"H-Helix, ano ba. Kailangan nating umalis," giit ko. Pilit kong binubuhat si Helix pero patuloy lang siya sa pagpigil sa akin.

"H-Hindi na 'ko aabot, Cleofa—"

"N-No! Aalis tayo!"

Hindi ko magawang maisip kung bakit nagagawa pa ring ngumiti ni Helix ngayon sa kabila ng nangyayari sa kaniya. He chuckled as he held my hand tighter. Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa ginagawa niya.

Wala na akong magawa kung hindi iyakan si Helix . . .

"I-I'm sorry! I-I'm sorry!"

I bowed my head as I held his hand. Tanging paghingi na lamang ng tawad ang nasabi ko sa kaniya. Kung hindi dahil sa akin ay hindi ito mangyayari!

Kahit kay Zail! Hindi kailangan mangyari 'to! Kasalanan ko 'tong lahat!

Nagawa pang mapaismid sa akin ni Helix. Hawak-hawak niya ang kamay ko sa kabilang kamay habang sa kabila naman ay ang pagpunas ng mga luha na tumutulo sa pisngi ko.

"Kahit kailan talaga." Kumurba ang isang ngiti sa labi ni Helix.

"I always knew you were special . . ." nakangiting sambit niya. "I thought you were a nymph when I first saw you . . . hindi ka pa kumakanta, nakuha mo na agad ang atensyon ko." He chuckled before making our eyes meet.

Just like the first time I saw him, it feels like his eyes are luring me when our eyes meet, making my heart skip a beat. Gamit ang natitirang lakas ay nagawa niyang halikan ang noo ko.

"I love you, Cleofa."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kasabay ng pagbanggit niya ng mga salita ay ang pagpikit ng talukap ng kaniyang mga mata.

"N-No! No! Helix, ano ba?!"

My eyes slowly widened as my tears couldn't stop from falling. Pilit ko itong ginigising ngunit walang nangyari. Walang-tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kasabay nito ay ang biglang paglalaho ni Bacon. Sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aqua.

"Once na namatay ang owner ay awtomatikong mawawala ang familiar nila."

Nanlumo na lamang ako nang maalala ito. Pailing-iling kong hinawakan si Helix. No! Hindi puwede!

Sinubukan ko pang gisingin si Helix pero wala pa ring nangyari. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko . . .

Patuloy pa rin sa pagsabog ang bawat parte ng guild pero wala na akong paki. Para akong nabingi sa kabila ng mga pagsabog.

Helix is gone . . . the fireis gone and it will never be lit again.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now