Epilogue

70.3K 3.2K 2.3K
                                    

RAMDAM ko ang malambot na kamang hinihigaan ko. Sa kabila ng sakit na nararamdaman, nagawa ko pa ring imulat ang mga mata ko nang dahan-dahan.

"C-Cleofa!"

It took some time before I can see things clearly. Bumungad sa akin ang mukha ni Taliyah.

Pero agad akong nagtaka . . .

I opened my two eyes, pero bakit gano'n? Tanging dilim lamang ang nakikita ko sa kaliwang mata ko.

"Thank God! After 5 days, nagising ka na rin!" sambit ni Taliyah.

Agad akong napabangon sa sinabi niya. Kusang nawala ang sakit ng katawan ko. "F-Five days?! Nasaan si Helix?! Si King?!"

I can feel my heartbeat pounding fast. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Limang araw na ang nakalipas. Ito ang . . . araw na—

Napasimangot ang babaeng kaharap ko. "Bakit mo ba pinoproblema 'yong mga 'yon? Nando'n sa guild n'yo. Magpahinga ka muna," aniya. Pinahiga akong muli ni Taliyah.

Nawala ang kabang nararamdaman ko sa sinabi niya. Malalim akong napabuntonghininga. Para akong nananaginip.

I . . . did it! Buhay sila! Nagawa kong baguhin ang hinaharap

"Pero, Cleofa."

Nagtaka ako nang biglang nagbago ang ekspresyon ng babaeng kaharap ko. Tumayo si Taliyah at kumuha ng isang salamin.

"No'ng natanggal ni Risca ang lason sa katawan mo, chineck namin kung buhay ka pa."

"Nang buksan namin ang kaliwang mata mo—"

Taliyah's voice cracked with emotion. "Y-Your left eye was gone."

Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. Natigilan ako sa sinabi niya. Napakurap-kurap akong napaiwas ng tingin.

Aware na ako na mawawala ang paningin ko. Pero hindi ko naman inaasahan na literal na mata ko pala ang mawawala.

Inabot ni Taliyah sa akin ang salamin na kinuha niya. "But don't worry! I made an artificial eye for you, pero hindi ka pa rin makakakita . . ." pagpapagaan niya sa loob ko.

Nang tingnan ko ang mga mata ko sa salamin ay hindi ako makapaniwala. Parang walang nawala sa akin. Marahan akong napahawak sa kaliwang mata ko. Kahit hindi ko pa rin magawang makakita sa kaliwang mata ko ay parang normal pa rin ito. Nagawang makagawa ni Taliyah ng artificial eye na katulad na katulad ng totoong mata ko. Nagagawa ko rin itong igalaw.

"I'm s-sorry. Don't worry, gagawa ako ng matang makakakita ka. Kaso matatagalan nga lang," muling sambit ng babaeng kaharap ko.

Doon ko lang din napansin na wala pala ako sa dorm ko o kahit sa guild. Mukhang lab ito.

"C-Can you wait for it—"

Nabigla si Taliyah nang agad ko siyang niyakap.

"It's perfect." I flashed a smile.

Sobra-sobra na ito para sa akin. Kung hindi dahil kay Taliyah ay paniguradong wala akong kaliwang mata ngayon.

Napangiti siya sa reaksiyon ko. "I'm glad you liked it. U-Uhm, can you use your gift?" tanong niya.

Kahit naguguluhan ay tumango ako sa sinabi ni Taliyah. And just like what she asked, I used my gift. Nang tingnan ko ang mga mata ko sa salamin ay napaawang ang bibig ko. My right eye turned into a clock while my left eye turned green. P-Paanong—?

"Yehey! It worked!" masayang sambit ng kasama ko.

Nang inilibot ko ang paningin ko ay hindi ko mapigilang mapahanga. Just like Jester's familiar, I can see through things with my left eye.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now