24. Hard Headed

61K 3.1K 1K
                                    

BILOG na ang buwan. Ang kaninang maingay na mga tawanan at asaran ay napalitan na ng tunog ng mga kuliglig sa labas. Dahan-dahan akong naglakad papalabas ng guild. I silently opened the door and tiptoed outside.

Nagpahuli talaga akong umalis dahil ang karamihan sa Deities ay nasa dorm na nila at ang iba naman ay nandirito pa rin pero tulog na dahil sa kalasingan. Parang walang kasiyahan na naganap kanina dahil sa sobrang tahimik sa loob.

I heaved a sigh, full of determination.

I'm going to follow the Avelites with Helix and Alvis. Hindi puwedeng nandito lang ako

"Saan ka pupunta?"

Halos atakehin ako sa puso nang may humawak sa balikat ko. Dahan-dahan akong lumingon upang makita kung sino ito at nakahinga ako nang maluwag nang makilala siya.

"It's none of your business, okay?" sagot ko.

Napairap na lang ako kay Risca bago ko alisin ang kamay niya sa balikat ko. Sigurado akong pipigilan niya lang ako 'pag sinabi ko sa kaniya ang gagawin ko.

"Susundan mo sina Alvis?"

Natigilan ako sa narinig. Mariin akong napapikit at napabuntonghininga. Kung minamalas ka nga naman.

"Listen, 'wag mo 'kong —"

"Sasama ako."

Hindi ako nakapagsalita nang marinig ang sinabi ni Risca. I gave her a look of surprise. "W-What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ano, bingi ka na? Sasama sabi ako. Tara na."

Hindi na 'ko hinintay ni Risca na sumagot at nauna na itong naglakad sa akin. Nakaawang ang bibig kong pinanood siyang daanan ako. Napailing na lang ako bago mapaismid. Wala na 'kong nagawa kung hindi isama siya. Mukhang hindi lang ako ang kinakabahan para sa mga kasama namin.

Naglakad kami ni Risca sa gubat paalis ng guild paderetso sa tunnel. Paniguradong patay kami nito sa academy dahil umalis kami nang walang paalam.

Sumalubong sa amin ang malamig na paghampas ng hangin. This forest reflects the skies, kaya dahil gabi na ngayon ay hindi na kaduda-duda na madilim sa gubat. Tanging ang dalawang bilog na buwan lamang at ang iba't ibang kulay ng mga alitaptap ang nagsilbing mga ilaw namin.

Hindi ko gaanong nakikita ang dinaraanan, ko dahilan para matapakan ko sa paa ni Risca.

"Ano ba 'yan, Cleofa—"

Hindi na naituloy ni Risca ang pagrereklamo niya nang kapwa naging yelo ang mga paa namin. Both of us gasped when we felt the ice under our feet. Dumulas ang tinatapakan naming lupa.

"Where do you think you're going?" sambit ng babaeng bagong dating.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan at napalunok ako nang malalim. Katulad ko ay unti-unting namilog ang mga mata at umawang ang bibig ni Risca.

Nalintikan na nga ba . . . Imposibleng makaalis kami ng Algrea na walang makapapansin at makaaalam.

"Aqua—"

"No, you're going to kill yourself," maawtoridad na sabi sa amin ni Aqua. Hindi na 'ko nito hinayaan na magpaliwanag.

"Pero paano sina Helix? Hindi ba nag-aalala ka rin sa kanila?!"

"Ginusto nilang gawin 'yon."

My forehead furrowed and my jaw dropped. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa babaeng kaharap namin.

Hanggang kailan niya ba ipapakita sa amin na malakas siya? Na hindi siya nasasaktan?

"Bumalik na kayo sa mga dorm n'yo."

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now