10. Venus

74.2K 3.5K 989
                                    

I CAN feel the cold wind touching my skin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakasakay ako kay Angel ngayon. Walang-tigil ang pagtulo ng mga pawis ko kahit malamig ang hangin. Mabilis ang pagtakbo ng oras, hindi ko napansin na palubog na ang araw.

'Wag kang lilingon Cleofa, ' wag.

Pilit kong pinakakalma ang sarili ko at sinusubukan kong pigilan ang sarili na lumingon kina Helix. I bit my lower lip out of frustration.

Ang lalaking 'yon! Sinummon niya ang familiar niya!

Ano na lang ang mangyayari kina Helix?!

Sobrang bilis ng lipad ni Angel at hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng gate. Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang isang pamilyar na lalaking papasok sa gate ng academy. Para akong nagkaroon ng lakas at pag-asa nang makita siya.

"Alvis!"

Lumingon ito sa akin nang tinawag ko siya. Agad akong bumaba kay Angel at balisang lumapit sa kaniya.

"A-Alvis! S-Sina Helix! May Deity! M-May nakapasok!" nauutal na sambit ko.

Pilit akong pinakalma ni Alvis na hindi maintindihan ang sinasabi ko. "Hey! Cleofa, relax! Dahan-dahan lang. Ano'ng nangyari?"

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Huminga ako nang malalim bago muling sumagot kay Alvis. I looked him dead in the eye. "M-May nakapasok sa Algrea, inatake kami ng isang lalaki sa gubat!"

Tila namilog ang mga mata ni Alvis sa sinabi ko. Katulad ko ay bakas din sa mukha niya ang pagkabahala.

"M-May nakapasok?!" hindi makapaniwalang sambit niya.

"N-Nasa gubat sila. K-Kailangan natin silang— "

Natigilan ako sa pagsasalita nang may malakas na hampas ng hangin ang tumama sa amin. Naningkit ang mga mata ko at marahan itong tinakpan. Napatingin ako sa itaas kung saan bumungad sa akin ang isang malaking ibon.

No, it's not a bird.

It's a freaking huge griffin.

Bumaba sa likod nito ang isa sa mga taong kailangan namin ngayon. Kumikislap sa ilaw ng paangat na dalawang buwan ang kulay pula niyang buhok.

"X-Xilah!" pagtawag namin.

Her face is serious, and she has a sharp look in her eyes. Base sa itsura niya ay mukhang alam na niyang may nakapasok na tagalabas.

"Alvis, take Cleofa inside the castle. Sabihin mo kay Sir Saremo ang nangyayari," maawtoridad na sambit niya.

Isang seryosong tango ang isinagot ni Alvis sa sinabi ni Xilah na muling sumakay sa familiar niya.

"T-Teka! I-Isang myembro raw ng Trejon guild ang lalaking 'yon! Isang g-gorgon ang familiar niya! Kailangan natin muna ng tulong!" pagpigil ko.

Imbis na mabahala ay kumurba lamang ng ngiti ang labi ni Xilah sa sinabi ko. "Interesting."

Hindi ako pinakinggan ng guro namin. Bagkus ay bumwelo ang familiar niya sa paglipad. And just like that, they flew toward the forest.

"She's stronger than you think, Cleofa," pagpapakalma sa akin ni Alvis.

"But, Alvis! Iba 'yon! He has a gorgon!" giit ko.

"That's the point."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Alvis. Nagtataka akong napatingin sa kaniya. "What do you mean?"

"She's one of the powerful gifted before. She's also known as Venus, Aphrodite's heiress."

My eyes slowly widened in disbelief. Nabigla ako sa sinabi ni Alvis. Xilah? She inherited Aphrodite's gift?!

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon