20. Tsunami

64.8K 3.2K 1.1K
                                    

I CAN feel the cold breeze touching my skin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I CAN feel the cold breeze touching my skin. Tanging ang paghampas lamang ng alon at ng hangin ang naririnig ko dahil sa biglaang pagtahimik. Nauuna sa amin si Aqua habang kami ay ilang metro ang layo sa likuran niya. Pare-pareho kaming nakatingin sa babaeng nasa gitna.

She just mentioned Aqua's name . . . her whole name.

"Oh, I'm sorry. Where are my manners?" muling sambit ng babae. Sarkastiko siyang natawa.

Naglakad siya palapit sa amin, dahilan para maging alerto kaming lahat. There are five of them together with the girl with green eyes. Without Galdon, our numbers are equal.

"I'm Celes, Your Highness," nakangising sambit ng babaeng nasa gitna. She even bowed like a princess.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, pero kinakabahan ako sa mga nangyayari. Parang may hindi tama. Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Wala akong nakikitang anino ng mga babaeng dinukot, at sa kabila ng kaalaman nila kung sino si Aqua . . . walang bakas ng takot o kaba sa mga ekspresyon nila.

Especially her. Napako ang tingin ko kay Celes—sa mga mata niya. Her eyes are color purple . . . pero bakit parang wala siyang gift na ipinapakita?

"O? Bakit ang tahimik ninyo?" natatawang sambit ng babaeng tinitingnan ko.

"Pagkatapos n'yong atakehin ang kasama ko?" dagdag niya.

Muling humampas ang hangin. Kasabay nito ay nagulat na lang ako sa biglaang pagbabago ng ekspresyon ng kaharap namin. Ang maamong ekspresyon na pilit niyang ipinapakita kanina ay naglaho na parang bula. Nadagdagan ng matatalim na tingin ang ngising ipinapakita niya.

"How about you, Queen? Bakit ang tahimik mo? Bakit hindi mo gawin sa akin ang ginawa mo sa kasama ko kanina?" sarkastikong aniya.

Unti-unting lumapit sa amin si Celes pero nanatiling nakatayo lang si Aqua at walang ginagawa. I was taken aback by her expression. My forehead furrowed, and I looked at her, confused.

Nang mapagmasdan ko nang maigi si Aqua ay roon lang ako natauhan. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko nang tuluyan kong nakita ang ekspresyon niya. Hindi lang siya basta-basta nakatayo lang . . . nanginginig ang buo niyang katawan.

Walang boses na lumalabas sa bibig niya, pero kitang-kita sa mukha niya na maraming umiikot at nagsisipasukan sa isipan niya. Aqua . . . she's not her usual self.

"Oh, I forgot," walang-ganang sambit ni Celes. Unti-unting umukit ang isang ngisi sa labi niya. "You can't use your gift."

Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. Parang may matinis na tunog ang dumaan sa magkabilang tainga ko. Hindi lamang ako kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"You can't, right? Because of your greatest fear," muling sabi ni Celes.

Tuluyan na siyang nakalapit kay Aqua na walang-tigil sa panginginig. Her eyes were filled with fear, and she kept breathing heavily.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon