TDH ~ 18

1.7K 74 11
                                    


TDH ~ XVIII

***

Cleopatra

Nag-aagaw ang kamalayan at ang antok na bumabalot sa aking sistema. I wanted to wake up, but something's dragging me to sleep.

It must be the pain..

"Shit! Cleopatra! Wake up!"

Odyssey..

"Please, fucking save her!" Desperation filled his voice.

Odyssey.. I want to talk to him.. to say that I'm alright but I'm losing consciousness again. Ramdam ko ang sakit sa isang bahagi ng aking katawan.

That bullet got me huh?

"Magiging maayos lang si Ma'am, Sir! Huwag kang mag-alala. Masamang damo 'yan."

Bonnie! Ang kalbong 'yon nagawa pa akong kutyain!

That was the last few things I heard before sleep engulfed me again.

"Mom, I want my prettiest dress!" I requested my Mom as she does some style with my hair.

Napatitig siya sa akin at bakas ang pagtataka sa mukha.

She knows me at alam niyang hindi ako mapili sa mga isinusuot niya sa akin.

"Oh.. Why? Does my daughter want to look pretty?"

Tumango-tango ako habang nakatitig sa salamin.

"Mom, you told me my smile could make someone happy, right?"

"Of course, my doll.." Saglit siyang napatigil sa pag-aayos sa akin at tiningnan ako ng naguguluhan. "Why? Is someone bothering you? Ayaw mo ba sa mga Stanfords?"

Umiling ako agad. Paano na lang kung hindi na ako dalhin doon ni Mommy sa mga Stanfords? I won't be able to see Ody!

"No!! I love it there!"

"O.. kay." Aniya na nabigla sa pagtaas ng boses ko.

Nahihiyang napayuko ako. I shouldn't have raised my voice!

"Sorry, mom.. I didn't mean to." I apologized.

Kung narinig pa ako ni Dad, pagagalitan pa ako no'n. He doesn't like me being a bad girl.

"It's ok, my doll." Nakangiti niyang sabi sabay lagay ng kulay pink na hairpin sa buhok ko.

I can't help but be amazed with what my Mom did to my hair. She braided my hair like a crown.. At ang sa kalahati ay bagsak na. It looks so wonderful.

"At ang huli.." Umalis siya sa tabi ko at pumunta sa aking closet.

Paglabas niya ay may bitbit siyang tila pang prinsesa na dress.

"Wow!" I exclaimed in glee. "That's beautiful, mom! Thank you!"

"Of course! My daughter wants to be the prettiest so she will be." And she gave me her lovely smile.

Nasisiyahang isinuot ko iyon at ilang minuto lang ay papunta na kami sa mala-palasyo na bahay ng mga Stanford.

Hindi ako mapakali at excited na akong makita si Ody!

Halos tumakbo ako nang makababa sa kotse.

"Cleopatra! Be careful!" paalala ni Mommy sa akin.

Ngunit hindi na ako makapaghintay at agad na pumasok sa loob ng bahay.

May ilang kasambahay na sumalubong sa akin at yumukod ngunit hindi ko na sila pinansin. I need to see him na!

The Dignified HeartbreakerWhere stories live. Discover now