TDH ~ 5

2.5K 66 2
                                    


TDH ~ V

***

Cleopatra

Akala yata ni Odyssey, basta niya lang ako mapapatalsik ng ganoon na lang. Para saan pa na pinangalanan ako ni Mommy ng Cleopatra kung magpapatalo lang ako sa kanya?

Hindi niya alam kung ano ang isinakripisyo ko para rito! I want to go to Japan to see the cherry blossoms pero nandito ako at pagmumukha niya ang makikita sa araw-araw! Long gone are the days wherein I love to see his face. Napapangitan na ako sa kanya ngayon.. minsan.

Hindi kagaya noon na makita ko lang siya, namumula na ako. Nahihiya. My hearts racing so fast.

Mommy tells me everytime that I have an angelic face. She said that even a cold man would melt if I smiled at him.

I used to believe it before. My Mom never lied to me. She was telling the truth because whenever I smiled to Daddy's serious and stern friends, they would smile back at me and tell me I'm beautiful. Hindi raw nila mapigilang maaliw sa akin. Napapalambot ko raw ang puso ng kahit sino. And so I believed that.. until he came.

Pagkatapos ng nangyaring party ng mga Stanford ay madalas na ang pagkikita ng family namin. We are always invited to dinners. At minsan, iniiwan ako nina Mommy kasama ang mga batang Stanfords while the adults are talking. Sa tingin ko ay tungkol iyon sa business. Wala rin naman akong maintindihan.

"You look cute. Can you be my girlfriend when we grow old?"

Sa madalas na pagkikita namin, tama nga ang hinuha ko na sutil si Senechov o Voch kung tawagin nila. Same age lang sila ni Apollo at mas bata naman ng isang taon sa kanila si Odyssey.

Out of the three cousins, Odyssey is the only one who doesn't talk to me. Kung makulit si Senechov, very polite naman si Apollo kahit na suplado. He's the only one who have patient in talking to me even in few words.

Madalas akong inisin at paiyakin ni Senechov. One time, Apollo was not there to reprimand his cousin. Tanging ako lang at sina Senechov and Odyssey ang iniwan sa malawak na playroom. They have plenty of dolls, toy cars and robots. I am not bored because I love playing with different kinds of dolls in varying sizes.

"Sige na, Cleopatra! Girlfriend na lang kita! Kung hindi kukunin ko ang dolls mo! Akin na 'to!" Sabay hila niya ng hawak kong barbie.

"Stop that, Senechov!" Naiiyak kong saad.

He was holding my doll while smirking at me. Naaawa ako sa doll dahil basta lang ang pagkakahawak niya roon.

"She's hurting!"

"It's not even alive. It's only a doll." Tumatawa habang nanunukso niyang pakli.

Hinila pa niya ang buhok niyon. Lalo lang lumala ang pag-iyak ko. He's such a bully!

"Stop doing that!" I said between sobs.

I want to call Mommy but I don't want her to get mad. She told me to be friends with the Stanford kids.

I was about to throw something at Senechov when suddenly Odyssey stood up and came closer to his cousin.

He grabbed the doll in his hands and both of us were left speechless.

Naguguluhang pinagmasdan ko si Odyssey na lumalapit sa akin. He stopped in front of me and gave me the doll. Lalo lang akong hindi nakahuma nang pahirin niya ng kanyang mga kamay ang mga luha ko. Mistulang magic na tumigil sa pagtulo ang mga iyon.

The Dignified HeartbreakerWhere stories live. Discover now