TDH ~ 14

2.1K 59 3
                                    


TDH ~ XIV

***

Cleopatra

"Welcome back po, Ma'am Cleo! Aba'y na-miss ko po kayo. Wala na halos bumibili sa taho na tinda ko." Bati agad ni Manong sa akin pagkarating ko sa labas ng kompanya.

He was in his spot where I always find him before. Sa may gilid ng kompanya upang hindi siya masita. It's pretty cool, too, because at least the employees here now knows Manong. Siguro'y nadala sa sales talk ko. Kaysa kasi isang buong araw siyang maglako. Mainit ang panahon at mabigat pa ang dala niya. Also, there are other people who buys in him, too.

"Hala! Binilinan ko naman po sila sa opisina na bumili, Manong. Lagot ang mga iyon sa akin at hindi sila bumili." Kunwari'y galit kong saad.

I even gritted my teeth.

Tumawa siya sa sinabi ko.

"Biro lang po." Ang ilang guhit ng katandaan ay mababakas sa pisngi niya sa kanyang pagngiti.

"Pasalubong niyo nga po pala galing Boracay." Abot ko sa kanya ng ilang supot na dala ko.

I brought some piaya, dried mangoes at iba pang snacks na pampasalubong. Since wala naman akong ibang pagbibigyan noon kundi si Bonnie, Chryss at Monique lang

"Naku! Hindi naman po ito kailangan, Ma'am, pero salamat na rin!  Nakakahiya na po ang tulong niyo sa akin. Sobra-sobra na po ito. Parati niyo rin po akong binibigyan ng mga grocery." Halos mangiyak-ngiyak na aniya.

"Manong, wala po iyon." I assured him while smiling.

I have the capacity to help him. And he's a hardworking person so it's not a waste doing this. Hindi siya iyong taong umaasa sa ibang tao. I can see him trying his best in giving and providing his family something to eat for their everyday life. And it makes me want to help him. Kung may maitutulong ako, gagawin ko iyon.

"What are you doing?"

Napapitlag ako sa boses na narinig.

I turned my face to the baritone voice behind me and saw Odyssey in his dignified suit.

I tried to hide my awe in his image. Since Friday night noong makauwi kami ay may dalawang araw pa ako para pakalmahin ang sarili ko sa pagkakita muli sa kanya. But as usual, nothing happened. I am still the flabbergasted me.

Ngayong nakita ko siyang muli ay lalo ko lang naalala ang pagkausap niya kay Benjamin Choi. That man is cunning. Kailangan ko ngang magpunta sa LLSI mamaya para alamin ang iba pang bagay tungkol sa kanya. He was one of the suspects because that time when Odyssey's car exploded, he was the person he talked to. Iyon ang mga nabasa ko sa files na nakalap ng mga agents ni Dad.

But so far when we met at that dinner, he was.. okay. He sounded humble then. But I know I can't judge him by only with that short conversation. Kagaya ni Natasha, we still have our eyes over him. That's why I never left Odyssey's side that evening. Pero siyempre, sa kwarto, hiwalay na kami, okay.

I just wish..Tsk.

"Nagbibigay ng pasalubong." Pairap kong tugon.

He stared from me to Manong and then to the taho.

"Bakit? Bibili ka?Bumili ka naman! Para makatulong ka kay Manong! Gumasta ka man lang sa pagkarami-rami mong pera." I grinned mischievously at him.

He squinted his eyes at me. Nakapamulsa siyang humalukipkip.

"I don't.."

"Manong, bigyan niyo siya ng isang tig benteng taho."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

The Dignified HeartbreakerWhere stories live. Discover now