TDH ~ 1

10.3K 128 15
                                    


TDH ~ I

***

Cleopatra

"Meron bang makapagsasabi iniibig kita

At meron bang may alam

Na laging hinahanap ka

Kung ako naman ay iiwas, malalaman mo ba..

Na ako ay may lihim na pagsinta.."

Feel na feel ko ang pagbirit.

One of my favorite OPM song. Hindi ko rin maiwasang sumayaw sa gitna ng inuupahan kong cottage.

It's so relaxing and comfortable. I can even hear the sea breeze and the sound of the ocean in the capiz window. It's like music to my ears. My heart's felt so calm and peaceful which I haven't felt for a long time.

"Will you stop that noise?"

I knew it. Bago ko pa man ginawa iyon, alam ko nang sisitahin ako ng epal na lalaking 'to.

"Sana ay mayroong makapagsabi man lang

Sa isa sa iyong mga kaibigan.."

"I said, stop that noise!"

And there came hard knocking on my door again.

Obviously, rinig sa loob ng cottage ang mga sigaw niya dahil manipis lang naman ang dingding.

Binuksan ko iyon at inihanda ang isang nang-aasar na ngiti.

"Why? Are you pissed now?"

He was just looking at me with an expressionless face. He's holding a book in his hand.

"Just stop howling." Normal pa rin ang tono niya sa pagkakasabi niyon.

Hay, what do I do with this man?

Bakit ba kasi siya nandito? Pang ilang beses na ba niya ngayong week na sinisira ang bakasyon kong walang hanggan?

I mean, kahit saang lupalop yata ako ng mundo naroon, nandoon din siya.
I don't believe in coincidence but it's pretty (like me) impossible, that he's following me! My gosh, that's a super absurd thought. Thinking about it seems ridiculous enough!

I mean, kahit sobrang ganda ko, never kong magiging stalker ang bato at heartbreaker na kagaya niya! He will never give me even a single minute of his time.

"Hoy, anong howling? Wolf ba ako o ano? Para sabihin ko sa'yo, classic OPM song iyon! Pero version 'yon ni Barbie Forteza! Palibhasa, wala kang taste sa music." Nakairap kong saad.

Kung alam ko lang na sa araw-araw kong buhay ay makakasama ko siya, sana hindi muna ako lumabas kay Mommy na tummy. Sana ay hinintay ko siyang maging old age bago lumabas. O kaya'y pinigilan ko muna sina Mommy at Daddy na gawin ako.

Whatever best suited for me as long as he won't disturb and ruin my singing career everyday.

"Hindi mo ba siya kilala?" Muli kong tanong nang patuloy lang siyang naging estatwa sa harap ko at tila hindi narinig ang mga sinabi ko.

Sa twenty five years of existence ko dito sa earth, sanay na ako sa kanya. It's an everyday battle to talk to him and wait for him to speak. Iyong dapat napakaimportante ng itatanong o sasabihin mo sa kanya para lang i-spare ka niya ng golden words niya? Ganoon ang feeling.

Actually, I am recording every word he's saying to me. In the end, I will count every words and tally it.

"Alam mo 'yong bagong palabas sa GMA?" He frowned.

The Dignified HeartbreakerWhere stories live. Discover now