Treinta y Dos

31.6K 659 43
                                    

Ynoa's POV


"What are you doing here?" madiin kong tanong sa chairman. Nanatili siyang tahimik. Now that he's here in front of me. Seeing him face to face, I noticed how he aged. There were wrinkles aroung his eyes and lines in his forehead. But nevertheless, he's still handsome.


"Ynoa, sino yan?" I heard Annie's footsteps.


Parang nabigla naman siya sa nakita. Pero hindi nagtagal ay tumingin siya sa akin. "Who is he?" inosente niyang tanong.


I just sighed and bit my lip. "Annie, let's drink some other time." ani ko. Tumango siya na para bang naintindihan ang nais kong ipabatid.


Wala akong nagawa kundi ang panuorin ang pagalis ng kaibigan.


"Hindi mo ba ako papapasukin?" He demanded.


With glaring eyes, I opened the door widely so he could enter. Agad siyang pumasok at inilibot ang mata sa loob, hindi nakatakas sa paningin ko ang mapagmatyag niyang titig. Kita ko ang mangha niya nang makita ang buong detalye.


"It's a house of architect, isn't it?" puna niya. Agad na kumabog ang dibdib ko. How did he know?


"Architect Harry hid you so well. Kung hindi ko pa siya pinamanmanan hindi ko na malalaman kung asan kayo."


What? Hinanap niya kami? Para ano? Para masaktan ulit ang kapatid ko? Para ipagtabuyan ulit ang kapatid ko?


"I.. I am so sorry for everything, Ynoa." He apologized in a low baritone voice.


Agad na nanubig ang mata ko. Bumuhos ang sakit at ala alang matagal ko ng ibinaon sa limot. Parang nanumbalik ang lahat ng sakit. Why did he come? Okay na ako. Okay na kami. Ngayon na kaya kong buhayin si Zeijan ng mag-isa, hindi ko na siya kailangan. I am now financially stable. I don't need him. Zeijan don't need him.


"Y-yeah. It's all in the past. Just leave. We don't need you here." pagtataboy ko.


"Y-ynoa please."


"Okay na kami ng kapatid ko. Kaya ko siyang buhayin, mag-isa. We won't bother you, so please. Just leave."


"I explained everything to my family. They know that he's not your son. Please give me chance to make it up to you both." He pleaded.


Instead of feeling relieved, I felt nothing. Bakit parang wala na akong pakialam kung ano ang tingin nila sa akin? They have judged me so fast and cruel. They uttered words that pierced my heart. Tandang tanda ko pa din ang lahat ng salita nila. Kung paano nila dinurog ang pagkatao ko, kung paano nila tinapakan ng didgnidad ko. I can still remember they way everyone looked at me.


Tapos ngayon nandito siya para humingi ng tawad? Para bumawi?


Who's the Boss? (Salvaje Caballero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon