Cinco

50.2K 915 14
                                    

Ynoa's POV

Ngiting ngiti akong naghihintay kay Roemer sa sasakyan niya dito sa parking lot.

Natawa ako nang maalala ang bukol sa noo niya. Kalalakeng tao, napakalampa.

I whistled when I heard his car beeped. I was about to open the door of the backseat when I felt a tight grip on the back of my collar. I almost choked!

Hinila niya ang likod ng damit ko at binuksan ang pinto sa front seat. Halos masakal ako dahil sa ginawa niya. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya! What the fuck? Ano ako? Sandbag? Napanganga ako ng itulak niya ako papasok.

"Tangina!" I cursed but he smirked even more.

"You think I'm your driver huh? Ano ka, sinuswerte?" He uttered with the annoying smirk on his face.

Padabog akong nagseatbelt. Inirapan ko na lang siya, pero nang makita nanaman ng bukol sa noo niya ay natawa nanaman ako.

Tinignan ko na lang ang daan para hindi matawa. Paano ba naman? He looks so serious driving  with his eyebrows furrowed. Tapos tignan mo ang noo may bukol! Napaka out of place! Natatawa talaga ako. I took out my phone to entertain myself.

Sakto namang may tumawag sa akin. It's an unknown number. Sinagot ko iyon na nakangiti.

"Hello?" I asked. Wala pa din sumasagot.

"Hello?" ulit ko dahil wala namang nagsasalita. Para naman prank call lang. I was about to end the call when I heard a breathing.

Hindi ko mintindihan ang kabang bumalot sa dibdib ko. I know it's impossible. But I can't think of anyone!

"Ynoa." Napawi agad ang ngiti ko sa narinig. Agad na nanginig ang kamay dahil sa kaba at takot. Nanigas ako sa aking upuan.

Hindi na ako nag-isip pa at ibinaba ang tawag. Inalis ko din ang battery ng phone ko, dahil sa sobrang pagmamadali ay nahulog ko ang phone ko.

My eyes watered. No, no, please. 

Kaba ang lumukob sa buo kong sistema. I can't fucking think! Damn it! Anong gagawin ko?

"Ynoa! May nagpapabigay sayo to." Napatingin ako kay Aenel nang ibigay sa akin ang box.

I opened it, even she is shocked dahil sa laman nito. It's a necklace. Galing sa mamahaling brand ng mga alahas.

"Sinong nagpapabigay nito?" I asked.

Nagkibit balikat lang siya at pumunta sa kanyang upuan. I was in 3rd year high school that time.

Naulit ang mga ganun na iyon. I would receive a lot of jewelries. Boquet during valentines day. At tuwing birthday ko naman, makakatanggap ako ng napakadaming gamit. Name it, bags, dresses, shoes. At ang nakakapagtaka, alam ang lahat ng size ko.

My mother died after giving birth to Zeijan. I was 17 when she died. She didn't want to tell it to the chairman. Dahil sa pagkalugmok sa dami ng babayarin sa burol ng aking ina, hindi ko alam kung saan ako kukuha. It was so damn hard for me. But then one time, may nagsabi na bayad na daw lahat. Lahat ng kabao, lahat! Hindi na kami umangal nang malaman yon. Ang naiisip ko lang na gumawa nun ay ang nagbibigay sa akin ng mga gamit. Doon na ako kinabahan. It felt creepy.

Kahit mahirap ay itinaguyod ko ang sarili at aking kapatid. With the help of my Auntie Sasha. Siya ang nag-alaga kay Zeijan noong bata, ayaw niya kasing tumigil ako sa pag-aaral. But then when Zeijan turned four, she left and worked abroad. And now we lost communication. Hindi din nagpapadala, I tried my best to work while studying college. I was 21 when I graduated, papalit palit ng trabaho. Pero mahirap pa din, kailangan ng mag-aral ang kapatid ko kaya napilitan na akong lumapit sa chairman.

It's been years. Ilang taon akong nakatanggap ng mga ganun. I was happy at first because I thought just one of my admirers. But then it became creepier as time passed by. Halos alam lahat ang tungkol sakin.

Nagpatuloy iyon hanggang nakatunton ako ng kolehiyo. Hindi ko na iyon ginusto. Ang pakiramdam ko ay palaging may nagmamasid sa akin. Palaging may sumusunod sa akin. I developed extensive fear and anxiety because of it.

Halos lumandas ang luha ko habang walang buhay na tumingin sa daan. How did he know my number? Bakit? Is he back? Nakalabas na ba siya sa mental? Damn! Iniisip ko palang ang mga ginawa niya sa akin, namamatay na ako sa kaba at takot. 

Zeijan! My brother! Damn. Paano kapag biglang may gawin siya sa kapatid ko?!

"Hey, Ynoa!" Roemer shouted. Parang bumalik ako sa aking ulirat. He's driving but his full attention is on me.

"Stop the car." I uttered.

"What?"

"I said stop the damn car!" I screamed. All I fucking think is about Zeijan.

He clenched his jaw and stopped the car on the side of the road. With shaking hands, I removed my seatbelt and opened the door.

Hindi na ako nag-isip pa at naglakad. Pagkababa ay narinig ko din ang pagbukas at pagsara ng kotse.

"Ynoa! Damn it! Where are you going?" He asked.

"It's none of your business!"

Isang kabig at napatingin ako sa kanya. "Get in the damn car. I'll drive you." He calmly offered.





















 





Who's the Boss? (Salvaje Caballero Series 1)Where stories live. Discover now