Zach IV

54 2 0
                                    

Nagising nalang ako iba na ang kulay ng kisame ko. Puti. Nang ilibot ko naman ang paningin ko ay napagtanto ko na nasa Hospital bed pala ako.

Noong una, nagpumiglas ako na umalis doon dahil ayaw kung pumunta nang hospital pero paulit-ulit lang ang nangyayari at tinuturukan lang nila ako ng pampatulog para kumalma ako.

Pinapakain nila ako pero tumatanggi naman ako. Wala akong gana at ayaw kong kumain sa hospital.

"Anak, kumain ka na, please. Nag-aalala na kami sayo. Tignan mo ang sarili mo ang payat payat mo na, baka ikasama mo iyang hindi pagkain mo. Please, Zach. Kumain ka na..." umiiyak na sabi ni mommy pero hindi ako sumagot at pumikit nalang para makatulog.

Tuwing nagigising ako nadadatnan ko si Zeph at mommy ang nagbabantay sa akin. Pilit naman akong pinapasaya ni Zeph pero maski pagngiti ay hindi ko na kayang gawin pa.

Ito ang rason kung bakit mas pinili kung iwanan ako ng babaeng mahal ko kaysa manatili sya sa tabi ko na alam kung bilang nalang ang araw na mabubuhay ako. Matagal ko nang itinago sa kanya ito, walang nakakaalam maski isa maliban kay Zeph dahil kapag sasabihin ko sa kanila alam kung mahihirapan silang iwanan ako.

Flashback

Mag-isa akong nagtungo sa Hospital dahil sa hindi ko na talaga gusto ang pag-uubo ko at biglaang paglagnat ko o di kaya ay mawawalan ako ng malay.

Sakto namang pagpunta ko roon ay nakaconfine si ang boyfriend ni Zeph dahil bugbog sarado. Nakita nya ako pero hindi ko napansing sinundan niya pala ako. Pumasok ako sa isang room kung saan nandoon ang personal doctor ko.

"Good afternoon, Dr. Ramerez.." bati ko at naupo sa visitor's chair. "Ano pong resul*cough cough s-sorry, ano pong resulta?"

May ibinigay sya na brown envelope sa akin at tinanggap ko iyon.

"Iyan ang resulta ng x-ray mo.. you have Pheumocystis carinii pheumonia.." sabi niya. "It is a pneumonia chiefly affecting immunocompromised individuals that is caused by a microorganism, it attacks especially the interstitial and alveolar tissues of the lungs, and is characterized especially by a nonproductive cough, shortness of breath, and fever.." explain niya.

'pheumocystis carinii pheumonia?'

"*cough cough... ano pong gagawin ko para mawala po ito?"

"Huwag kang magpapawis, you should bring extra clothes if ever na pawasin ang likod mo, don't take a shower if pawis ang likod mo, don't drink a cold water and always take a medicine para gumaling iyan.." may ibinigay sya sa na resita para sa bibilhin kong gamot.

"Thanks, doc."

"Sure thing, bumalik ka dito para ma-examine ulit natin ang lungs mo at kung kailan ka titigil sa pag-inom sa gamot mo."

"Okay, thanks again." Pagkalabas ko pa lang sa pintuan ay nagulat ako dahil nandoon si Zeph at nakikinig sa pala sa pinag-usapan namin ni Dr. Ramerez.

In-explain ko sa kanya lahat. At sabi niya babalikan nya daw ako para samahan sa pag check-up.

Nung minsan hindi na nagparamdam si Vanessa sa akin, nakakaramdam ako ng sobrang kirot at dahil doon nahihirapan akong makahinga. May minsan nga na nilalagnat ako at bigla nalang akong nawawalan nang malay. Akala ko katapusan ko na iyon pero hindi pala.

Dahil sa pag-alala ko, hindi ko na naiinom ang gamot ko. Naging pawisan na rin ang likod ko at halos isang buwan na akong nawawalan nang malay. Nanghihina.

"Kuya..." narinig kong tawag ni Zeph sa akin. Nakapikit ako pero gising ang diwa ko. Narinig ko ang paghikbi niya, siguro nag-aalala na sya sa lagay ko. "Kuya.... huwag naman po kayong ganyan..." umiiyak na sabi niya. Napalunok ako dahil nangingilid rin ang mga luha ko. "Kumain na po kayo, halos isang buwan na po kayong hindi kumakain, nag-aalala na si tita sobra.." naramdaman ko na hinawakan niya ang kanang braso ko. "Kuya, isipin mo naman ang mga taong nag-aalala sa kalagayan mo, ayaw pa naming iwan mo kami kasi ang bata bata mo pa, kuya please... kumain kana po para uminom na rin ng gamot mo..."

"Kuya, sa tingin niyo po ba kapag nalaman ni Ate Vanessa ang kalagayan mo hindi sya magagalit?.." magagalit sya kasi ayaw niya akong makitang nanghihina. "Sa tingin niyo po, kapag nakita niya kayo hindi po sya mag-aalala?" Mag-aalala sya! "Alam ko pong ayaw niyo pong mag-aalala si Ate Vanessa sa iyo kaya please po, gawin niyo man lang na inspirasyon si Ate Vanessa para maging matatag kana ulit.. naalala niyo po iyong sinabi niya? Na, para raw akong lamok sa isang pitik talsik agad? Baka kapag nakita ka nya kuya pipitikin ka nun dahil sa tigas ng ulo at tatalsik ka agad dahil sa kapayatan mo! Kaya isipin mo sya kung hindi sya mag-aalala sa kalagayan mo! Baka gusto mong pitikin ka nun para talsik ka! Hayss... ang haba na ng speech ko e bangag naman itong kausap ko.." nakuha niya pa talagang magbiro. Kaya bilib ako sa pinsan kung ito e, kahit nahihirapan na sila sa sitwasyon hindi nila ako pinabayaan.

Narinig ko ang tunog ng upuan senyales na tumayo na si Zeph. Akma na syang lalayo pero idinilat ko ang mga mata ko at hinawakan ang braso niya. Napalingon naman sya sa akin at nakita ko ang pagkabigla sa mga tingin niya.

"O sige na papayag na ako..." sabi ko at may munting ngiti sa labi.

Lumapit naman sya sa akin. "Na kakain? Nag luto ako ng sobraaaaang daming pagkain para sayo.. ano kukuha na ba ako ng foods?" Tumango ako.

" papayag na ako para sa babaeng mahal ko.."




Once na magaling na ako hindi ako titigil kakahanap sayo. Babawiin kita at ipaparamdam ko sayo kung paano magmahal ang dati mo nang bestfriend. Syempre, gusto kung mag level-up tayo.








KAYA KUNG NASAAN KA MAN VANESSA ROSELL VILLAMOR. HAHANAPIN KITA AT HINDI NA PAPAKAWALAN PA.
















I love you Snow.

Chasing The BulletWhere stories live. Discover now