19: gala

21 4 0
                                    

"Good morning!" Masayang bati ni Ysha sa akin. Nandito kami sa school garden ngayon nakatambay. Boring kasi sa classroom. Wala naman kaming ginagawa kasi naghahanda na kami para sa Buwan ng Wika.

At bukas na iyon.

"Morning.." walang ganang sabi ko.

"Anyare sayo?"

"Wala,boring lang kasi ang araw ngayon.."

Pero ang totoo ay hindi pa rin ako makarecover noong sabado. Hindi ko talaga maintindihan ang naramdaman ko noong mga panahon na iyon. Masyadong nakakailang ang paraan ng pagtingin ni Zach sa akin. Kakaiba rin ang tibok ng puso ko at hindi ko mawari kung anong klaseng tibok na iyon.

Akala ko nga hahalikan na niya ako sa labi dahil sa sobrang lapit naming dalawa pero nakaramdam ako ng kaginhawaan ng halikan niya ako sa noo. Sya lang ang taong nakakagawa sa akin ng ganun..kasi kahit si Rhysen ay hindi man lang ako nahalikan non. Sya lang talaga.

Pagkauwi namin nun ay tahimik lang kami sa byahe dahil nailang talaga ako ng sobra sa ginawa niya. Iyon kaya ang first time na hinalikan niya ako sa noo. Hindi ko maintindihan kung dala lang ba iyon sa kalasingan niya o ano..masyado niyang ginulo ang sistema ko.

Baliw kasi ang isang iyon! Kung ano anong pinaggagawa sa buhay! Tsk! Pati ako dinamay sa kabaliwan niya! Dagdagan niya pa ang tanong niya! Manhid ako?! Tsk! Kung manhid ako sa tingin niya hindi ako naapektuhan sa ginawa niya? Grabe!

"Vanessa.." nabalik lang ako sa huwisyo ng tawagin ni Ysha ang pangalan ko.

Napatingin ako sa kanya. "Huh?"

"Are you okay?" May bahid na pag-aalalang aniya.

"Oo naman bakit?"

"Tulala ka lang kasi dyan.."

"Ganito ako kapag may iniisip." Tipid na sagot ko at iniwas ko ang paningin sa kanya.

Ilang minuto kaming nakatambay doon bago ko napagdesisyunan na bumalik na kami sa classroom.

At nadatnan namin na busy na pala kakaplano ang mga officers nang classroom namin. Wala naman akong pakialam sa mga plano nila..ayaw kung sumawsaw kapag ganitong may iniisip akong iba.

Umupo ako sa armchair ko at nagbasa ng libro.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may tumabi sa akin. Hindi ko nalang pinansin iyon dahil baka seatmate ko lang iyon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa maramdaman ko ang kaliwang kamay ko na kinuha niya. Tinignan ko kung sino iyon at bahagya pa akong natigilan dahil si Zach pala. Nakapout sya habang hawak ang kamay ko.

"Matutulog muna ako ah, inaantok pa kasi ako e.." tumango nalang ako dahil wala rin naman akong choice.

Parang wala lang sa kanya iyon ah! Sa akin nga ang laki ng impak!

Ipinatong nya ang kamay niya sa armchair at ginawa iyong unan habang ang mukha niya ay nakaharap sa akin. Ipinatong niya ang kamay ko sa buhok niya.

"Himas-himasin mo naman ang buhok ko para makatulog ako.." tumango nalang ako at ginawa ang sinabi niya. Nakapikit na niya at hindi ko maitatangging ang gwapo niya talaga. Hinihimas ko nalang ang buhok niya habang ang mga mata ko ay nasa librong binabasa ko.

Ilang oras na ganun ang posisyon namin. Napagod na rin ako sa pagbabasa kaya inilagay ko na muna ang libro sa bag ko at inilibot ang ang paningin ko.

Hanagip ng paningin ko si Zail na nakatingin sa amin. Ngumiti ako at ngumiti rin sya. Matagal na kaming hindi nagkakausap..

Inilibot ko na naman ang paningin ko at nakita ko si Ysha na seryosong nakatingin sa amin. Seryoso talaga ang mukha niya at medyo salubong ang kilay niya. Nerdy girl kasi si Ysha, may suot syang makapal na salamin at aaminin ko na hindi iyon nababagay sa kanya. Kapag naman tatanggalin niya ang salamin sa mga mata niya ay hindi iyon nababagay sa kanya kaya ang tangi nalang niyang ginagawa ay sinusuot ang makapal na salamin niya dahil mas komportable syang tignan siguro dahil nakasanayan na namin siyang makita na nakasuot ng ganon. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay iniwas niya ang paningin sa akin at nagbasa rin ng libro. Mahilig rin kasi sya doon..

Chasing The BulletWhere stories live. Discover now