2: Flashback

94 7 0
                                    

Mahal, Mag vote♥️

Vanessa's pov

"Bakit mo naman kasi ginalit si maam?" Malumanay na tanong ni Ysha ng makapunta kami sa Canteen.

Nainis ako bigla sa klase ng tanong niya pero hindi ko nalang pinansin iyon at napabuntong-hininga nalang ako. Bakit parang kasalanan ko pa?

"Hindi ko naman sya ginalit e, sya lang talaga itong high blood.." totoo naman e, high blood talaga ang tigreng iyon.

"Tatlong beses ka na niyang tinawag pero nakatulala ka lang..may problema ka ba? May bumabagabag ba sa isip mo?" Malumanay pa rin na tanong niya kaya naiwas ko ang paningin ko sa kanya.

'Ikaw lang naman ang dahilan, gustong gusto ko talaga syang tanungin kong bakit bumalik pa sya? Hindi ba sya masaya sa States at naisipan niyang bumalik dito?..pero kung sasabihin ko inyon baka iba ang ibig sabihin sa kanya.

Kahit gusto ko syang tanungin ay walang lumalabas sa bibig ko kasi naaawa ako sa kanya, ang bait niya sobra pero heto ako't iniisipan sya ng mga ganito.

"Wala naman.." tipid na sagot ko at hindi na niya ako sinagot kaya nagsimula na akong kumain ng inorder namin.

"Kamusta na kayo ni Rhysen?" Biglang tanong niya dahilan para masamid ako. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya at inabot sa akin ang malamig na tubig kaya kinuha ko na rin iyon sa kanya at uminom. Naupo sya pabalik sa upuan niya at natigilan nalang ako ng bigla syang matawa. "Hahahaha! Sinabi ko lang ang pangalan na iyon nasamid ka na hahahah! Hayss kaibigan ko na maganda...hanggang ngayon pa ba naman ay inlove ka pa rin sa kanya? Hahaha!" Muli siyang tumawa kaya ngumuso ako at inilapag ang baso sa table.

"Eh kasi naman, nabigla lang ang ganda ko kaya nagkaganun.." mayabang na saad ko habang tumatawa. Natawa na rin siya at ngumiti sa akin.

"Hindi ka pa rin nagbabago.." nakangiti munit seryosong sabi niya.

'Bakit ko naman babaguhin ang sarili ko?'

"Wala naman akong rason para magbago.." nakangiting sabi ko at nagtuloy sa pagkain.

"Wala nga ba?, kasi kung ako ang nasa posisyon mo, magagalit ako.." saad niya pa. Nilaro laro niya ang spaghetti gamit ang tinidor niya. Doon sya nakatingin kaya nabigyan ako ng pagkakataon na tignan sya habang salubong ang mga kilay ko pero kaagad ko rin naman iyong iniwas at tumingin nalang sa malayo.

"Bakit?..may nagawa ka bang mali para magbago ako?..wala naman diba?" Seryosong tanong ko. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.

Ibinalik ko ang paningin ko sa pagkain na kinakain ko at sumubo ng isa. Naramdaman ko naman ang titig niya sa akin pero hindi ko nalang sya pinansin at nagtuloy lang ako sa kinakain ko.

"Alam ko namang nagalit ka sa akin nung nagustuhan ko ang taong gusto mo.." seryosong sabi niya pa. Natigilan ako sa pagnguya at naiangat ang paningin ko sa kanya.

Oo,nagkagusto sya sa lalaking gustong gusto ko na noon pa. Pero bakit ako magagalit? Wala ako sa posisyon para magalit sa kanya dahil lang nagustuhan rin niya ang taong gusto ko. Hindi ako magagalit dahil hindi naman kami ni Rhysen. Hindi ko naman sya pag-aari para magalit ako.

Napabuntong-hininga ako dahil biglang sumikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Hindi ako nagalit sayo.." tipid na sagot ko at nagtuloy sa pagkain.

'Hindi ko lang maiwasang maitanong kung bakit nagkagusto ka sa taong gusto ko. Pero hindi ko kayang tanungin sya dahil baka masabihan niya ako kung bakit nangunguwestiyon ako sa nararamdaman niya sa taong gusto ko e wala namang kami..'

Chasing The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon