5: unfamiliar heartbeat

53 4 1
                                    

Vanessa's pov

Nang sumapit ang 3pm which is dissminal na namin ay nagsilabasan na ang mga estudyante. Nakita ko ring lumabas na si Zail sa classroom. Si Ysha naman ay busy kakaligpit ng mga gamit niya. Napapansin ko rin na napapasulyap sya sa gawi ni Zach na parang walang pakialam na nagliligpit ng gamit niya rin at naglakad papalapit sa akin.

"Sobrang gwapo ko ba para hindi man lang matanggal-tanggal ang mga tingin mo sa mukha ko?" Mayabang na bungad nya pagkalapit sa akin. I smirked.

"Ang yabang! Che! Saang parte naman ng mukha mo ang gwapo?" Nandidiri kunwaring usal ko pero sa totoo lang ay gusto ko ng matawa sa kanya.

Totoo, gwapo si Zach. Sobrang gwapo. Moreno pero sumisigaw ang kagwapuhan niya. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong. Pag ngumiti lalabas ang mga dimples sa magkabilang gilid ng labi at ang mapupula nyang mga labi na ang ganda rin ng ngiti.

'Pero kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na gustuhin sya, hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya hindi katulad ni Rhysen na mas gusto kong mas higit pa sa pagkakaibigan..'

Napabuntong-hininga na naman ako ng pumasok sa isip ko ang itsura ni Rhysen na nakangiti.

"Tara na?" Nabalik lang ako sa huwisyo ng magsalita si Zach. Tinignan ko sya at tsaka pilit na ngumiti at tumango.

Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at inilagay sa bag tsaka naglakad na kami papalabas ng classroom. Napasulyap pa ulit ako kay Ysha na nakatingin ng seryoso sa amin. Ang seryoso talaga ng mukha nya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti sya ng pilit at kumaway sa akin. Nakangiti ring kinawayan ko sya at tsaka kami tuluyang lumabas ng classroom.

"Baka normal niya lang iyon...'

"May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya ng maglakad kami pababa ng hagdan.

Nilingon ko sya. "Wala naman.."

"May laro akong basket ngayon..gusto mong sumama?"

Nagliwanag ang mukha ko. "Talaga Zach?! Sige sige sasama ako!" Tsaka ko piningot ang tenga nya. "Yeeeyy!" Parang batang sigaw ko.

"Aray!! Aish! Sasama na nga't lahat..nanakit pa! Tsk tsk" nakangiwing saad niya at hinihimas ang kanang tenga niya. Tumawa naman ako.

Nang tuluyan ng kaming makababa ng hagdan ay nag deritso kaagad kami sa parking lot. Nakita namin si Zail na may kausap na isang lalaki. Hindi pamilyar sa akin ang lalaki at base sa pananamit nito ay hindi sya dito nag-aaral. Nakayuko si Zail habang itong lalaki naman ay parang sinisigawan sya .

"Anong nangyayari dyan?" Takang tanong ko habang nakatingin pa rin sa gawi nila Zail.

"Hayaan mo na sila ng boypren nya.." walang emosyong saad ni Zach at naunang makapunta sa motor niya. Iniwas ko nalang ang paningin ko kila Zail at naglakad papunta sa kotse ko. Pinaandar ni Zach ang motor niya at pumunta sa gilid ko. "Hindi ka ba sasabay sa akin?"

"Baliw. Hindi na..alangan naman iwan ko ang kotse ko dito noh, mas mahal ko pa ito kaysa sayo noh hahaha!" Natatawang saad ko. "Susunod nalang ako sa iyo, tsk huwag kang mag-alala..suportado ka ng mukha 'to.." nakaturo sa nakangiting mukha ko. "At hindi ka iiwan ng mukhang ito hahahaha!" Tsaka ko pabirong sinampal ang mukha niyang parang baliw na nakangiti.

Pumasok na ako sa kotse ko at inistart na ang makina. Nauna nang bumyahe si Zach pero mabagal lang ang pagmamaneho niya. Dahan dahan rin akong nagmamaneho hanggang sa makapunta ako sa gawi nina Zail.

Nakayuko pa rin sya at kahit malayo ako sa kanya ay kitang kita ko kung paano sya sigaw-sigawan nung lalaki. Nagsalubong kaagad ang kilay ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Huminto muna ako sa pagmamaneho at binuksan ang bintana ng kotse ko.

"Hoy!" Naiinis na sigaw ko doon sa lalaki.

Naiinis rin at nagtatakang tinignan niya ako. "What? Do you need something?!"

'Wiw..kung makaenglish naman ito parang hindi pyur pinoy tsk!'

"Bakit mo sya sinisigawan?!"

"Why the hell do you care?!"

Inis akong bumaba ng sasakyan at naglakad papalapit sa kanya. Nakita ko naman si Zail na nakatingin din sa akin.

"Why the hell do I care?! Huh! Of course I care because she's my friend!" Inis na singhal ko sa kanya.

Akma syang lalapit sa akin pero ako na ang kusang lumapit sa kanya.

"Anong gagawin mo?" Nanghahamong tanong ko sa kanya.

"Miss, excuse me..usapang mag jowa ito huwag kang makikisali.." pilit na pinapakalma ang tono ng boses nya.

"Pwes, excuse me rin..kaibigan ko yang sinisigawan mo..at kapag nakakita ako ng isang kaibigan na inaapi..sumusugod ako,papalag ka?!" Mayabang na anas ko.

"Sino ka ba?!"

"Why the hell do you care?" Sarkastikong tanong ko habang nakangisi pa. Nilingon ko naman si Zail. "Bakit ba hindi mo nalang hiwalayan itong baklang boypren mo? Ikaw nalang palagi ang under?..nako hindi pwede sa ating mga babae 'yan..walang rightssss"

"He's not my boyfriend.." tipid na sagot ni Zail. Napatingin naman ako kay baklang boy na tinignan si Zail ng masama.

"Anong hindi boyfriend?! I'm your boyfriend Zail! Bakit ba dinedeny mo palagi?!" Galit na singhal niya.

"Hoy konting respeto naman.." mayabang na anas ko.

"Wala na tayo,Kian. Kaya wala na akong karapatang sabihin sa'yo na boyfriend pa kita." Seryosong anas ni Zail sa kanya.

*PAKKKKK!

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Zail mula sa kamay ni Kian. Kahit ako ay nagulat sa biglaang pagsampal niya sa dalaga. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang nakatingin kay Zail na nakaupo na sa sahig at hawak hawak ang pisngi na sinampal ni Kian.

"Gago ka ah!" Inis na singhal ko at tinulak sya.

Akma nya akong sasampalin pero naunahan ko syang suntokin sa mukha kaya napaatras sya at napahawak sa mukha nya.

"Sabi ko naman sayo huwag na huwag mong inaapi ang mga kaibigan ko kasi ako ang susugod sa iyo." Seryosong saad ko at lumapit kay Zail at tinignan ang mukha nya. Dumudugo ang gilid ng labi niya dahil sa malakas na sampal ng baklang boy na iyon. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Tumango lang sya at tinulungan ko naman syang itinayo.

Tinignan ko ng masam si Kian. Masama rin ang tingin niya na nakatingin sa akin. "Anong problema mo?!" Galit na sigaw niya.

"Anong pakialam mo?! Lubayan mo na nga iyong tao! Ang kapal naman ng mukha mong maghabol sa kanya! Kapag pagod na ang tao tigilan mo na kasi ikaw lang aasa! Umalis ka na nga dito!" Inis na sigaw ko pero napaatras ako bigla dahil sa biglaang pagsugod nya.

Dinaklot niya ang kwelyo ng unipormi ko at galit na tinignan ako sa mga mata. "Babae ka o lalaki? Kasi ang sakit mong manuntok e.."

"Kian tigilan mo na nga yan!" Narinig kong inis na singhal ni Zail pero hindi man lang pinansin ni Kian iyon.

Ngumisi ako sa kanya. "Kasi bakla..ka" nang-aasar na saad ko.

"Heto!"

*BEEPPPPPP!!

Natigil si Kian sa akmang pagsampal sa akin sa malakas na busina na iyon.

Inis na tinignan niya ang pinagmulan ng pagbusina na iyon kaya dahan dahan ko ring inilipat ang paningin ko sa tinitignan ni Kian.

"Huwag na huwag mong ilalapat iyang kamay mo sa mukha niyan..hindi lang kamao niya ang sasalubong sa'yo..ayaw na ayaw ko pa naman iyang nakikitang nasasaktan.." seryosong anas ni Zach na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Lub dub

lub dub

lub dub

Chasing The BulletWhere stories live. Discover now