31: begging

17 3 0
                                    

"Ang daming daldal hindi pa rin nagbabago.."

Lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

lub dub

"Hello?" Sagot ulit niya. T-tama ba itong naririnig ko? Sya ba to? Sya ba talaga ito?! Pakisagot naman!!

T_T

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Waahhh! Gusto ko talagang tumalon ngayon! Paksheyt tama ba talaga ito naririnig ko?!

Natigilan ako dahil sa boses. W-wait paano n-niya nalaman ang number ko? Hindi ko alam at wala akong kaideya-ideya na binigyan ko sya ng number ko!

"Rhysen?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Napatingin ako kay Zach. Seryoso syang nakatingin sa telepono ko. "H-hello?"

"Oh? Para ka namang nakarinig ng multo nyan?" Natatawang sabi niya. Kumabog ng mabilis ang puso ko ng marinig ang tawa niya.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Siguro may gusto pa rin ako kay Rhysen.

"..." ako naman ngayon ang hindi makapagsalita.

Hindi ko talaga alam kung bakit alam niya ang phone number ko. Saan niya nakuha ang number ko? Kasi naalala ko noon na after nya akong hindi pansinin ay nag change na ako ng number. Pero bakit alam na niya ang number ko ngayon?

Ang totoo, gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa wakas ay nagparamdam ulit sya. I'm so fucking happy! Iba pa rin pala talaga ang saya mo kapag iyong taong naging parte ng buhay mo ang magpapasaya sayo.

"Vanessa.." tawag niya sa pangalan ko dahilan para mangilid ang mga luha sa mga mata ko. "Hoy, nandyan ka pa ba?"

"R-rhysen..." nauutal na sambit ko sa pangalan niya at gusto kung maiyak talaga sa sobrang saya.

"Oh? Ayos ka lang?"

"Nasaan ka ba ha?!" Hindi ko alam kung bakit iyang ang lumabas sa bibig ko.

"Namimiss mo na ako?" Oo sobra pa sa miss!

"Nakakainis ka!" Naiiyak na sambit ko. Tears of joy ito dahil ngayon lang sya nagparamdam sa loob ng dalawang taon na hindi niya pagpapansin sa akin.

"Bakit?" Kung nandito lang sya sa harapan ko ngayon alam kung kanina ko pa sya niyakap. Nakakamiss kasi talaga sya e.. sya kasi ang kauna-unahang lalaki na naglakas loob na maging kaibigan ko sa kabila ng pagsusungit ko sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" Naiiyak na tanong ko.

"H-hey.. are you crying?"

"Huwag mo akong englishin dyan! Nakakainis ka talaga e!"

"Kamusta ka na pala.."

Natigil ako sa tanong niya.

"B-bakit ngayon ka lang kasi nagparamdam? Alam mo ba sobra akong nasaktan nung mga panahon na iniiwasan mo ako at hindi ko maitatangging dala-dala ko pa rin ang sakit na iyon..nakakainis ka kasi e, palagi mo nalang akong pinapaiyak. Hindi ka naman naniniwala sa mga sinasabi ko. Nakakamiss ka sobra Rhysen..ngayon ka lang ulit nagparamdam sa haba ng panahon..heto akong bestfriend mo pero iniwan mo..masakit iyon alam mo ba?" Umiiyak na talagang ani ko. Nakakamiss kasi talaga ang lalaking iyon. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko iyong pang-iiwan niya ng hindi sinasabi ang dahilan kung bakit bihla nalang syang umalis at nalaman ko nalang na lumipat na pala sya sa ibang school. Tapos ngayon lang sya magpaparamdam? Ang sakit nun.

"Everything happens for a reason,right? Ayaw ko I mean hindi naman sa ayaw kong sabihin ang rason pero ayaw ko lang talagang masaktan ka..kaya lumayo na ako kasi ayaw kung nakikitang nasasaktan ka.."

"Pero nasasaktan pa rin ako ngayon Rhysen.."

"Bakit?"

Napalunok ako at napayuko. "Ikaw pa rin kasi e..." nabigla ako nung tumayo si Zach at ngumiti ng pilit sa akin.

"B-babayaran ko na muna ang mga inorder natin.." hindi pa ako nakakasagot pero bigla nalang syang tumalikod at naglakad papalayo sa akin.

"Vanessa..." nabalik lang ako sa huwisyo ng magsalita ulit si Rhysen sa kabilang linya.

"Ohh..."

"May mahal na akong iba..." dahil sa sinabi niya ay muntikan na akong mahulog sa inuupuan ko pero buti nalang napakapit ako sa gilid ng table. Hindi ko alam pero napayuko talaga ako at napatayo tsaka naglakad papalabas ng Canteen. "Sorry.."

Nasa school garden na ako ng bigla lang akong mapaupo sa damuhan. Napahikbi ako at kaagad na tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang hikbi ko. Ang sakit...

"Hanggang ngayon pa ba naman magsosorry ka pa rin?" Hindi ko mapigilan ang mapatanong. Totoo naman e, ang sakit kasi hanggang sorry nalang sya palagi.

"Van..."

"Nagsosorry ka ba dahil sa paglayo mo o nagsosorry ka dahil kinakahiya mo ang nararamdaman ko para sayo?" Humihikbing sabi ko.

Aish! Bakit ba ako nagkakaganito? Wala namang kami? Hanggang friends lang ang label namin. Bakit nagkakaganito ba ako?

Bakit ba? Kapag ba nasasaktan ang tao ay hindi pwedeng ipakita kasi wala naman kami? Paano naman iyong nararamdaman ng tao? Hahayaan nalang ba ito?

"Van, it's not like that..kailanman ay hindi ako nagsisi sa kung ano man ang naramdaman mo, masaya ako at totoo iyon..nag-sosorry ako kasi dahil sa nararamdaman ko nasira ang pagkakaibigan natin.."

"Hindi naman nasira,Rhysen. Kasi hindi lang naman ikaw ang nagmamahal. Minahal rin naman kita. Babalik ka pa ba? Babalikan mo pa rin ba ako?"

"Hindi na....sorry kasi hanggang doon nalang lahat iyon.." pagkasabi niya nung ay hindi ko na nagawang magsalita.

Akala ko ba nakamoved-on na ako? Akala ko ba si Steve na ang gusto ko? Bakit nang bigla nalang syang nagparamdam heto na naman ako? Bakit palagi nalang akong nagpapakatanga kapag si Rhysen na ang usapan?

"R-rhysen..." alam ko masyadong selfish ang hihingin pero ito lang ang kailangan ko. "Balikan mo na ako please..." pagmamakaawa ko. "hindi kailanman ako tumigil sa pagmamahal sayo, nagdesisyon akong hindi ipakita sayo kasi kahit anong gawin ko hindi mo parin maaappreciate ang effort ko."

Hindi ako nakatanggap ng tugon mula sa kanya.

"Rhysen....." pag-uulit ko. "Please..."

"Van, Im sorry. Mahal ko ang girlfriend ko ngayon. Sana maintindihan mo."

*toot toot

Nabitawan ko nalang ang phone ko. Napayuko ako dahil sa sobrang sakit na naramdaman. Shit! Ang sakit naman pala nito! Hindi ko naman sya boyfriend para maganito ako. Pero hindi naman label ang basehan ng taong masaktan, kasi damdamin iyon. At ang damdamin ay hindi bumabase sa kung ano ang label ninyo. Kung magmahal ka man o masaktan hindi mo maiisip ang label ninyo.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang phone ko sa damuhan. Tatawagan ko ulit sya at magmakaawa ako sa huling pagkakataon sana ay tanggapin niya.

I was about to dial his name when someone grab my phone and hug me tight. "Please, Vanessa. Don't beg someone to come back in your life, nasasaktan ako...Nandito lang naman ako e.."

Chasing The BulletWhere stories live. Discover now